Chapter 1 : Welcome to Shalmacaj Highschool

57 0 0
                                    

Chapter 1 : Welcome to Shalmacaj Highschool ! 

Hiro's P.O.V ~

Ring ~!!!!! 

Tunog ng malakas na bell na hinihikayat na kami sa covered court para pumila , Hayyy ' As usual andyan ang mga bago sa mata mo , at mga luma na sa mga mata mo XD

Asan na ba yun ? Sabi magkita raw kami sa canteen , Bakit hanggang ngayon , wala yun ?

"Oyy ! Hiro ! " Sigaw ng isang babae sa tapat ng tenga ko .

"Ano ba ?! Aga aga ei ! " Sagot ko naman sa kanya na medyo inis .

"Sungit mo naman ! First day na first day ! " Sabi ni Sheena , Bestfriend ko .

"Sino ba naman hindi maiinis kung sisigawan ka sa tapat ng tenga mo diba ? " Naiinis kong sabi . 

"Ayoko na . " Halatang pagkukunwari nyang pagtatampo .

"Tigil tigilan mo nga ako sa ayoko na , ayoko na mo na yan ! Sanay na ako dyan ." Sabi ko .

"WIW ! " Sabi niya sabay form ng letter W sa daliri nya .

"Corny ." Pabulong kong sinabi . "Tara na nga ." Dugtong ko sabay hablot sa kanang braso nya . 

Hayyy ' Ano bang room ko ? Room 774 , Skaii , Hiro G.

"Sheena , Anong room mo ? " Tanong ko kay Sheena . 

"Room 774 . Ikaw ? " Sagot nya na may kadugtong na tanong .

"Ayun din . " Sagot ko .

"Ano ba yan magkaklase na naman tayo ! " Sabi niya .

"Oo nga ei , Kaumay na nga mukha mo ei . " Sagot ko naman .

"Grabe ka naman !!! " Sigaw ni Sheena sabay pout ng labi niya . 

"Bakit sino ba nauna ? " Sarcastic na tanong ko .

"Ewan ko sayo ! " Sagot nya .

"Duon po sa mga studyanteng hindi pa pumipila , Pakiusap bumaba na kayo sa covered court para pumila " - Speaker .

"Tara na baba na tayo ! " Sabi kay Sheena , sabay hablot ulit sa kanang braso nya .

"Aray ko aa . " Sabi ni Sheena sa akin habang pababa kami sa hagdan , Hablot ko pa rin kasi hanggang ngayon ang braso nya :3

"Okey lang yan ! Punta tayo sa clinic mamaya ." Pamimilosopo kong sagot sa kanya .

"WIW !! " Ayan na naman ang nakakabwiset nyang ~WIW~

Nakapila na kami ngayon sa pilahan syempre ! at ilang minuto ay pina-akyat na kami sa room 774 , Pag-akyat namin , Syempre nag-umpisa ng magkaroon ng ingay sa loob ng room . Andyan ang madadaldal na mga babae na parang sampung taong hindi nagkita at andyan rin naman ang mga tahimik na transferees , na akala mo'y tahimik pero after 2-3 week ei mas madaldal pa pala sa mga babaeng to .

"Okey , Class . I'm Dharyl S . Masin " Your class adviser . 

Mukang ang adviser namin ngayon ay ang aming english teacher date . 

"Hindi niyo lang ako adviser , Tropa niyo rin ako , at teacher sa english ." Sabi niya .

Mukang madali rin naman makasundo si Ma'am Dharyl kasi FLUFFY sya !! XD 

"Hoy taba ." Pang-aasar na sabi sa akin ni Sheena .

"Bakit panga ? " Pang-aasar kong pabalik sa kanya . 

Taba ang pang-asar nya sa akin kasi mataba ako .

Panga naman ang pang-asar ko sa kanya kasi ma-panga sya , Daig nya pa si Toni Gonzaga .

"Bakit ka nang-aasar ? " Tanong nya sa akin .

"Kasi malapad noo mo . " Sagot ko sa kanya .

"Ikaw nga , Hindi ka lang baboy ! Kabayo ka pa ! " Sabi niya .

"Bakit naman ? " Tanong ko .

"Kasi yung muka mo puro TIGIDIG TIGIDIG TIGIDIG ! " Sagot nya .

"Aba sumosobra ka na aa ! " Sabi ko sabay gulo ng buhok nya . 

"Hey ! Mr.Skaii and Ms.Bautista , Can you repeat what I said earlier ? " Singit ng adviser namin

"No ." Sagot ko , Bakit tinatanong nya lang naman kung kaya kong ulitin ang sinabi nya , kaya ang sinagot ko NO , kasi hindi ko kaya . 

"Sorry po Ma'am . " Sabi naman ni Sheena . 

"Mr.Skaii , hindi porket sinabi kong pwede niyo akong tropa ei , gaganyanin mo na ako ." Sabi niya . 

"Sorry po Ma'am " Sabi ko sabay ngiti hanggang tenga . 

"Okey , Let's back to our rules " Sabi niya sabay harap sa buong klase . 

This time ei nakinig na kami kay Ms.Fluffy . 

"Okey , So its time for you to introduce yourself in front of your classmates . " Sabi ni Ma'am Fluffy 

"I'm Hiro Skaii ." Tanging sabi ko .

"I'm Sheena Bautista , Blah blah blah blah blah . " Sabi ni Sheena . 

At nagpakilala na rin ang iba ko pang kaklase . Tsaka ko lang napansin na puro basketball at volleyball players pala ang nasa room na to .. 

"I'm Abigail deGuzman , from St.Peter Academy ." Sabi ng isang transferee , may itsura sya . Matangos ang ilong , Maganda ang mata , at mapula ang labi niya kaso may isang problema , Maliit sya at ang malupit pa duon ei kung may kissable lips may deadble teeth . Bakit kong nasabing deadble teeth ? andami nya kasing ipin XD (peace kay Abeng :)) )

"So , Ms.deGuzman is our last one . So , Class dismissed ! " Sabi ni Ms.Fluffy ."Nice to meet you Third year - Ipil-Ipil ! " Dugtong nya . 

Lumabas na kami ni Sheena sa room . Naglakad sa hallway at lumabas sa Gate . 

"Wala ng balikan aa ." Sabi ni Kuya Damulag , Guard ng school . Tinatawag ko syang Kuya Damulag kasi kamuka niya si Damulag sa Doraemon .

"Sige kuya , Hindi na ako papasok bukas kasi walang balikan . " Sabi ko sabay himas sa malaki nyang tyan . 

"Ahahaha . " Tawa nya .  

Habang naglalakad napatingin na lang ako sa isang malaking tarpaulin na nakalagay sa dingding sa school .

WELCOME TO SHALMACAJ HIGHSCHOOL ! 

Travel Through the World of FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon