Chapter 7: Punishment

106 4 8
                                    

Note for you:

So sorry kung medyo maikli lang sya.Inaantok na po kasi ako.So yan lang muna sa ngayon

Next time na ulit. :))

Janina's POV

So ayun na nga,pagkatapos akong sabihan ng teacher nila Allaeyna  at Drake ay dumiretso na ako dito sa Guidance Office.Hindi ako nakapasok sa first subject dahil mas inuna ko munang maclear ang pangalan ko para naman makuha ko na ang I.D ko.Pagdating ko dito sa Guidance Office tumambad naman sakin  ang mukha ng  terror teacher na naghahandle  dito sa Guidance,To be honest,first time ko tong pupunta sa Guidance,mabait na bata ako nuh.Atsaka takot rin akong maguidance kasi naririnig ko sa mga ibang student na  naguguidance na sobrang nakakatakot daw talaga ang mga parusang ipapataw sayo ng teacher na ito.May code name pa nga sila sa teacher na ito eh,si Miss Piggy.Ang tanda na nya pero wala pa ring asawa,uso ata sa school na to ang teachers na byuda eh,parang si Ms.Luzon.Haay,ang kumain lang buong maghapon sa loob  ng guidance room ang  alam gawin at magparusa sa mga student na maloloko.Ihahanap ko nga ito ng mapapangasawa para hindi maging terror.Haha.

"Oh anong tinatayo tayo mo dyan?"sabi ni Ms.Piggy este ng guidance teacher  sakin habang ngumunguya ng maingay sa chicharon niya at  habang subo subo ang kamay na parang weird ang itsura.Ang weird din ng pagkataba niya.Lahat sa kanya weird.

"Ahh Maam,Im here to know my punishment.Ano po bang parusa sa estudyanteng wala sa classroom niya at gumagala sa ibang classroom."

"Pagsilbihan mo ung Top 1 ng school na toh for 3 weeks at pagkatapos nun clear ka na ."

"Ahh pwede ko na pong makuha ung I.D ko  pag natapos po un?"

"Malamang,Wag kang tanga."hmp,etong tabang to.Eh sino ba ung top 1 ng school na to?

"Ehh Maam,sino po ba ung pagsisilbihan ko?"

"Ung top 1 nga.Ang tanga mo hija.Eh kasi napakalaking part ng magiging test pagkatapos ng 3 weeks at ayaw kong mahassle ang top 1 ng school na ito kasi siya ang may pinakalamalaking role para sa rankings ng mga school kaya gusto ko alagaan mo siya." Huh?Eh para sa classifications of section lang naman ung test na un ahh.Eh bakit may rankings pa??Haay.Ewan..basta mahalaga magawa ko na ang punishment at makuha ang I.D ko .Eh teka,sino nga ba ung top na un."

"Ehh Maam sino po ba ung top 1"

"Haay,estudyante ka dito and yet you dont know whos the top 1 here.Tsk.Its Drake Fernandez"

Wah.Nalaglag ang panga ko sa sahig.Joke lanh.Sobrang natanga ako sa gulat.Ang tanga ko nga para hindi malamang si Drake ang top 1 ng school na to eh sa talino nyang yun.Ang tanga ko talaga.

"Ahh.Sige po."

"Oh ano pang ginawa gawa mo dyan?Alis na."

"Eh Maam pano po ako magrereview kung aalagaan ko ang babe ko este ang baby niyo ay este top 1 ng school na toh?"

"Pwede kayong magreview ng sabay."

"Ahh.Ok po.So magiging alalay niya po ako for 3 weeks??"

"Ang tanga mo hija,paulit ulit?Kung ayaw mo edi wala kang I.D pag wala kang I.D hindi ka makakapasok at pag hin--"

"Alam ko na po,In short wala akong makakain,hindi ako makakapagtrabaho,mamatay ako.I have no future.Speaking of mamatay.gutom na po kaya pede po bang humingi?" ^_^ sabay hablot ko ng isang chicharon sabay takbo palabas ng room.

"Hoy!!!Gusto mo pa ng parusa noh?"narinig ko pang sigaw ni Ms.Piggy.Ang damot nya naman ang dami damin niyang pagkain eh  isnag chicharon lang naman parusa na kaagad haay..

Sa dami dami ng pagsisilbihan ko bakit sya pa?Masaya ako kasi makaksama ko siya kaso nakakahiya rin nuh kasi alam niyang parusa un sakin.Isipin pa nun na lokong bata ako.Mabait ako nuh.Naglakad na ako papunta sa classroom ko kaso pagdating ko dun sakto palabas na ung mga classmate ko.Hindi ko namalayan na Break time na pala.Haay,ang dami kong namiss na klase patay ako neto kay Miss Luzon.

Pumunta na lang ako sa  canteen at kumain ng noodles at mga chips.Nagulat ako ng biglang may sumulpot sa harap ko.

"Hey!How's your punishment?"sabi niya sabay wink at sabay kuha sa Piattos  na kinakan ko.

"Nangungumusta ka pa eh dapat nga kasama ka sa punishment ko ehh."si Niche  ung biglang sumulpot  ngayon.

"Haha.I'd be wiiling to help you naman eh.Ano bang parusa sayo"

"Magiging babesitter ako ay este alalay ako ni Drake Fernandez for 3 weeks."

"Wahaha!Babesitter pala eh.Im sure na gusto mo naman ung parusa sayo."

"Anong  gusto??Ung pagsisilbihan ko gusto ko pero hindi ko gusto maging julalay nuh!"

"Ahaha!I dont believe you!Tara sama ka sakin."

"Sa---" hindi na ako nakaangal at agad nya na akong hinila at papunta sa may rooftop ng School namin.First time ko lang makapunta dito.Hindi naman kasi ako gala eh.Atska ung besty laging busy kaya never pa kaming nakapaglibot sa school.Pagpasok namin dito sobrang  naamaze ako.Punong puno ng mga flowers at sobrang sarap ng hangin dito sa rooftop.Garden pala dito sa rooftop.

"Huy bakit mo ko dinala dito??"

"Wala lang.Dito kasi ako nagpapahangin pag bored ako.Namangha ka nuh.I know its your  first time here."

"Huh?Pano mo---"  ahh.Marami nga palang alam itong lalaking ito sa akin.Masyado lang akong maguguluhan kung magtatanong pa ako.Mabuti pang manahimik na lang ako.

Umupo kami sa may gilid ng rooftop.Ang sarap ng simoy ng hangin dito.Feeling ko tuloy nasa probinsya ako kasi ang dami pang halaman na nakapaligid samin.Napakapeaceful nitong place na to.

"Uhmm..Janina..do you like Drake that much?"

"Err.. h-hindi ahh."bakit ba alam nya ang tungkol dun. Eh hindi pa naman kami masyadong magkakilala at bago lang pala sya dito sa school pero bakit ang dami nyang alam.Hindi ko pa sya pwedeng pagkatiwalaan.

"Hahaha!Maybe for now,nagdodoubt ka sakin.Wala ka pa sigurong tiwala sakin.But I can't blame you,bigla bigla kasi akong sumusulpot  ehh.."

"Buti alam mo.Para kang kabute..Ayy hindi pala..para kang kulangot.."

"Huh?Bat kulangot ?"sabi niya ng takang taka habang nakatingin sakin.

"Ehh kasi ung kulangot bigla bigla na lang meron sa ilong.Minsan hindi mo mararamdaman na nandyan na pala.Parang ikaw bigla bigla na lang susulpot."

"Ngek.Ang dami naman dyan kulangot pa talaga."

"Tsk.Ang arte mo naman.Eh sa un ang gusto ko ehh.."

"Ehh hindi kasi ako naggaling sa kung saan..Pinada--Ahh.wala,wala pala.Tara na.Kanina pa  tapos ang break time oh baka maparusahan pa tayo."

"Ahh.S-sige."

Tumayo na kami at bumaba na para pumunta sa mga sarili naming rooms.Magkaiba kasi kami ng klase eh.Habang nasa klase ako,hindi ako mapakali.Ano kaya ung sasabihin ni Niche kanina?Pinada daw?Bakit niya kaya hindi tinuloy?Baka pinadance?Hmm.Baka macho dancer sya dati?Ngek..Ang panget naman ang corny pa.Ano kayang meron??Hmm.Medyo nacucurious na ako sa pagkatao nung kulangot na un ahh..

************************************************************************************************************

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Watty Paddy LandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon