Entry #1

238 0 0
                                    

Sorry. I didn't mean to kiss you. I lost my control.  untag ni Kuya habang yakap ako. It's been half year simula nang iwan ako ng ex ko for another girl. I loved him that much. Kaya nung nagbreak kami, hindi ko kinaya. Hindi ko matanggap. From being bubbly, nice and sweet, I became snob, aloof and silent. Dahil dun, masyadong nag-alala si kuya saken. He's my stepbrother, actually. I'm adopted. My foster parents died in a car accident. 

Na-shocked ako sa ginawa ni kuya. Pero, dahil din dun, nagising ako sa katotohanang, life must go on, with or without him. Niyakap ko na lang din pabalik ang kuya ko and I started to cry. I'm sorry kuya for being a burden.  I'm really sorry. He cupped my face with his both hands and stare at me. Eto yung unang beses ko ulit makita at matitigan si kuya ng malapitan. He lost his weight, malalaking eyebags, at medyo namumutla siya. Is this because of me? You lost weight. You got an eyebags. You're not handsome anymore. I pouted. He chuckles. Yes, it's your fault. It's time for you to fix everything and start a new life. I'll give you some things that can help you busy.  Inalalayan niya akong tumayo at natungo kami sa kwarto niya. May binuksan siyang isang kahon at inilabas ang isang bagay - yung pinaka una niyang laptop. Hope this'll help you. tapos ngumiti siya. 

Wala sa loob na tinanggap ko ang laptop na binigay niya. Mixed emotions. Bakit kamo? Una, sa wakas, may sarili na akong laptop. Pangalawa, ang kuripot niya -_- magbibigay na lang yung luma pa. Pero okay na rin to. Mapapagtyagaan.

Agad akong nagtungo sa kwarto, in-assemble ang laptop na binigay niya at agad kong binuksan ang MS Word. Oo, isusulat ko lahat ng gumugulo sa isipan ko. Pakiramdam ko mababaliw ako kapag hindi ko ginawa yun. Umiiyak ako na tumatawa, o kaya nama'y ngumingiti habang nagtatype ako habang binabalikan lahat ng mga alaala namin. Pero sa panahong ito, kailangan ko nang tanggapin na wala na siya sa buhay ko.

Hindi ko namalayan ang oras, inabot na pala ako ng gabi sa kakatype.  Napahinto lang ako nang biglang magbukas ang pinto, iniluwa si kuya dala ang isang tray na may pagkain.  Enough with that. Eat your dinner first. tapos nginitian niya ako. Ngumiti din ako ng tipid. Alam kong pinapagaan niya lang ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa dala niyang pagkain. Tatlong piraso ng hotdog na hindi ko maintindihan kung inihaw ba o hilaw. Mabuti pa yung kanin, maayos ang pagkakaluto. Salamat sa rice cooker namin. Napakamot na lang siya ng ulo at hiyang hiya dahil sa hitsura ng niluto niyang hotdog. Nakalimutan kong hindi nga pala siya marunong magluto. Kailangang turuan ko siya. Kawawa magiging asawa niya kung sakali. Alam mo kuya, masarap din to. Isipin ko na lang, inihaw mo itong hotdog. Salamat nag-abala ka pa. Kumain ka na?Umiling siya. Halika saluhan mo ko. Para naman siyang bata na sumunod saken at kumain kami ng sabay sa kwarto ko. Natatawa ako sa mukhang niyang hindi maipinta habang kinakain niya ang sariling luto niya. Hindi siya nakatiis, tumawag na lang siya sa isang fast food chain at nagpadeliver. 

Ako nga pala si Maeron Xakery Kade Eisenburg.

Once Upon a CyberWorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon