DFILWIAG 5

15 0 0
                                    

SKY POV

Kumakain kami ngayon ni Alexis ng agahan.

"Oh yan,kain ka ng gulay para lagi kang malakas"sabi ko at nilagyan ng gulay ang plato ko.

Maya maya napansin kong namumutla siya.Ngayon lang siya namutla.

"Alexis?namumutla ka"puna ko.

"Ate... masakit..."nanghihinang sabi niya sakin.

Agad akong lumapit sa kanya.

"Saan?s-saan ang masakit?Sabihin mo kay ate,saan?"mangiyak ngiyak na tanong ko.

Agad kong tinawagan si Josh.

"Oh bakit?"bungad nito.

"J-josh,si Alexis kasi.. namumutla.Ano gagawin ko?.."umiiyak na tanong ko habang pinapaypayan si Alexis.

"Ano?!dalhin mo sa ospital!Bilisan mo Sky,tatawagin ko lang sila Keira."Josh.

Agad kong binuhat si Alexis at naghintay ng taxi pero walang taxi na dumadaan kaya naman naglakad ako.Mabilis na lakad.

"Alexis.. wag kang matutulog ha?"sabi ko kay Alexis na hawak hawak ung dibdib niya.

Hindi niya ako sinagot at mas pumutla pa siya kesa kanina.

Napaiyak na ako.Natataranta ako.

Wala paring kahit isang taxi na dumadaan.

Napalingon ako at nakita ang isang kotse.Kakapalan ko na mukha ko para lang sa kapatid ko.

"KUYA!! please po!nakikiusap ako,.. please tulungan niyo po ako!"sigaw ko habang umiiyak sa harap ng kotse.

Lumabas naman yung driver at nagulat ako ng makitang si Ethan yung driver.

Agad niyang kinuha sakin si Alexis at dinala sa back seat.

Dahil sa nalilito ako at hindi ko na alam ang gagawin eh bigla akong nahilo.

ETHAN'S POV:

"damn!"napamura nalang ako.Nahilo si Sky at agad ko naman siyang ipinasok sa sasakyan ko.

Nagmaneho ako.Medyo mabilis dahil bigla akong nataranta.Lalo na ng makita ko yung kapatid niya na namumutla kanina.

Tinawagan naman ako nila Kevin at sinabi sa kanila ung sitwasyon ko

Nakarating ako ng ospital at agad namang may dumating na mga doctors at nurse at agad na ipinasok sila Sky at ng kapatid niya sa loob

Napasabunot nalang ako sa ulo ko.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nataranta kanina.

Hinintay ko lang na lumabas ang mga doctors

"Kayo ba ang pamilya?"tanong ng doctor.

"Kaibigan niya ho kami,ano pong nangyari sa kaibigan namin?pati sa kapatid niya?"biglang singit ni Keira.

Nandito na pala sila pati na rin sila Kevin.

"Sa kaibigan niyo,okay na siya,nagpapahinga na siya at nahilo lang siya dahil sa nataranta siya."sabi ng doctor.

"Thanks God!Si Alexis naman po?kamusta po siya?"tanong ni Amiya.

"I think... mas mabuting sabihin muna natin ito sa kapatid niya."sabi ng doctor.

Bigla naman kaming kinabahan.

Damn!

"S-sige p-po doc"nauutal na sabi ni Josh.

THIRD PERSON'S POV:

WARNING:Dont Fall Inlove with A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon