DFILWIAG 9

6 0 0
                                    

SKY POV:

Nagising kami dahil sa isang sunod sunod na malakas na pito na nagmumula sa labas.

Nauna akong lumabas sa tent at nakitang medyo madilim pa at malamig.

Nag unat unat ako at nakita si Sir Ruben na siya palang pumipito.

"Go and get yourself ready!"sabi ni Sir.

Tumango naman ako bilang sagot at pumasok sa tent namin.Ang laki ng tent namin.

"Gising na guys.... Mag aayos na tayo"gising ko sa dalawang kaibigan ko.

"Hmmmm...."sabi ni Keira at gumalaw kaya napagalaw rin si Amiya.

"Gising na.."paggising ko sa kanila pero wala.

"Ah ganun.sige hintayin niyo tatawagin ko sila Kevin para sila ang gumising sa inyo"pagbabanta ko at tatayo na sana ng napabalikwas silang dalawa.

Tamo tong mga to,pagdating sa mga yun kala mo naman kung ano.

"Bilisan niyo na mag aayos nako"sabi ko.

Tumango naman sila.

Lumabas na ako at tinungo ang restroom na katabi ng resort.

Ang lawak ng restroom ng girls.

Nagsimula na akong mag ayos sa sarili ko.

Maya maya pa'y may narinig ako sa labas.

"So anong nangyari?"boses ni Lyka yun ah.

"Wala solo ko siya kagabi"boses ni Andrea.

Habang nag aayos ako ay nakikinig ako sa usapan nila.

"Hahaha,ano may nangyari ba sa inyo ni Ethan?"tanong ni Bianca.

Napatigil ako sa ginagawa ko pero agad din akong nakabalik mula dun.

"Kailangan pa bang itanong yan?"Andrea at nagtawanan sila.

Ako naman feeling ko may sumaksak sa puso ko.

Tsk.Inayos ko na sarili ko saka lumabas.Nakita ko sila sa malaking salamin pero hindi ko sila pinansin at umalis na.

Papunta na ako sa tent namin ng makita sa di kalayuan si Ethan dun sa tent namin.

Ano namang ginagawa niya dun?

Lumakad nalang ako papunta sa tent namin.
Hindi ako pwedeng magpa apekto.

"Nandyan na siya"sabi ni Keira at tumingin sa akin pati si Ethan.

Nag iwas lang ako ng tingin at pinasok sa tent yung gamit ko at lumabas.

"Sky."sambit niya pero hindi ko siya tinitignan.

"Sky!!!!!"sigaw naman ni Arjay sa akin at nagwave.

Nagwave din ako sa kanya at lumapit sa kanya.

Mukhang katatapos niya rin atang mag ayos.

"Ganda ng umaga noh!"sabi niya sakin.

"Oo naman"sabi ko sa kanya.

"Pero ang pangit mo"asar niya sakin tapos tumawa tawa pa.

"Ah ganun!"sabi ko at kukurutin sana siya pero tumakbo siya.

"Hoy!bumalik ka dito!"sigaw ko at hinabol siya.

"Bleeehhh"asar pa niya at tumakbo sa buhangin.

Hinabol ko naman siya.Buti nalang at kasama siya.. Kasi nawawala yung problema ko kapag kasama ko siya.

WARNING:Dont Fall Inlove with A GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon