Chapter 1

14 0 0
                                    



Living a life na akala ng lahat perpekto ang buhay. Yun ang pinakaiinisan ko dahil hindi nila alam na kung sino pa itong taong akala nila perpekto, ito pa yung sobrang may kulang sa buhay.

Ganito naman talaga diba? Kasi wala naman perpekto sa buhay. Sabi sabi lang nila yun dahil alam ko na kahit anong gawin natin, may kulang pa rin.

Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng magkulang sa akin, yung pagmamahal pa nya? Oo na, alam kong madami na sa atin ang nakaranas ng ganito at marami na rin sa atin ang sasabihin cliché tong love story ko. Aba naman, kahit ganito ka cliché ang storya ng buhay ko at kahit andami ko ng nababasang storyang ganito, ang sakit pa rin. Ang hirap pa rin.

Mahirap na, hindi mo sya kayang i-let go. Mahirap na mas gugustohin mo pang masaktan kaysa ang iwanan sya? Mahirap kasing gawin yung let go na yan dahil meron pa sa puso kong nagsasabing may pag-asa pa, na pwede pa kami. Oo, sasabihin nyo'ng sa umpisa lang yan at sa umpisa lang mahirap.

Nakakarelate naman ako sa lahat ng taong nagsasabihing, mahirap talaga at masakit. Paano kung bukas ako na mahal nya at hindi na sya? Yung mga ganun ba? Lalong nagpapahirap sa sitwasyon yung mga pag-asang pumapasok sa isipan natin at wala naman talagang patutungohan.

May isang point sa buhay ko, sabi ko sisimulan ko na sa araw na ito, hindi ko na sya mamahalin, susuko na ako pero ano ba naman ang nangyari, nung nakita ko syang papalapit biglang sinabi ng puso ko na bukas ko nalang sisimulan at hanggang ngayon naging puro bukas nalang. Hindi na talaga ako titigil sa katangahang ito.

Hindi nyo rin naman masisisi na masaya ko naman syang nakakasama araw-araw. Oo, araw-araw talaga dahil sa kanya ako nakatira. Ulila ako at walang kapatid, ganun din sya. Parehas kami, hindi nga lang magkaparehas yung mga nararamdaman namin sa isa't isa. Ako mahal ko sya at sya naman mas mahal yung babaeng gusto nya.

"Bhe, gising na nahanda ko na ang almusal mo."

Gumulong ako sa kama at nakita ko sya. Ang taong mahal ko, ang taong nagligtas sa akin sa kapahamakan at ang boyfriend ko.

Oo boyfriend ko sya. Ano, sasabihin nyo naman na boyfriend ko naman tapos nagdrama pa ako?

Ganito kasi yun, hindi sya mahal ng babaeng gusto nya at sabi ko mahalin nya lang ako baka sakaling gumana.

Alam naman kasi nyang mahal ko sya kaya ayun, pagkatapos ng ilang buwan nyang pag-iisip ay niligawan nya ako kaya sa loob ng isang taong panliligaw, napasagot nya ako.

Hindi naman ako easy to get noh. Gusto ko rin naman maramdaman na mag eeffort sya at talagang gusto nya akong maging girlfriend para naman sa ganun hindi masayang ang oo ko at ang pag-asang mamahalin nya ako.

Nginitian ko sya, "Good morning bhe. Bakit hindi mo ako ginising?"

Nilakihan nya ang pagbukas ng pinto at pumasok sa kwarto ko. Oo kwarto ko. Dalawang taon na kaming magkasintahan at sa maniwala kayo o hindi, wala pang nangyari sa amin. Ayokong mahalin nya ang katawan ko habang ang puso ko naman nag-aasam pang makamit ang kanyang pagmamahal. No way!

Tumabi sya sa akin at tinulungang iangat ang sarili ko para maupo. Hinalikan nya ako sa pisnge at tiningnan sa mga mata pagkatapos, "1am ka na kasing umuwi kaya gusto kong matulog ka pa. Ayoko naman mandisturbo sayo dahil alam kong stress ka sa trabaho mo."

Napangiti ako, 9am na nung tiningnan ko ang relo at Sunday ngayon kaya walang trabaho.

"Thank you." Niyakap ko sya, ganun din yung ginawa nya sa akin.

"Tara kain tayo, nalipasan ka na." Humiwalay sya sa pagkakayakap at tinulungan akong bumangon sa kama.

Hindi na ako nahihiyang nakikita nya akong bagong gising o wala pang toothbrush dahil madaming beses na nya akong nakikitang ganito.

LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon