Chapter 3

7 0 0
                                    

Sunday. Paalis na kami via Cebu. Ilang sandali nalang ay magla-land na ang eroplano sa Cebu at sasakay naman kami ng Jet papuntang Bohol.

Hindi pa rin ako excited. Hanggang ngayon nababagabag pa rin ako sa mga nangyari. Pero buo na ang desisyon ko, ngayong magpaparelax kami at walang trabahong iisipin, gusto kong pag-usapan ang relasyon namin. Dalawa lang ang kakahantongan neto, ang uuwi akong single pero atleast alam kong binigyan ko lang ng halaga ang sarili ko kahit masakit o kaya masaya kaming uuwi at wala ng Hazel sa buhay namin.

Chill lang naman kasi ang relasyon namin sa loob ng dalawang taon. Walang nanggugulo, kung mag-aaway man kami dahil lang sa simpleng tampohan o kaya iniinis nya ako ng sobra kapag inaantok ako. Ngayon, hindi ko na alam. Parang sa loob ng dalawang taon nagsinungaling si Lance sa akin.

Kahit na sabihin nya sa aking mahal nya ako, parang ang hirap ng paniwalaan. Nung una malaki talaga ang tiwala ko sa kanya kasi tanggap na tanggap ko rin naman sa sarili ko na hindi pa nya ako mahal pero habang tumatagal naniwala akong ako na ang mahal nya. Kailan nya ba kasi ulit nakita si Hazel para malaman ko kung kelan nya akong sinimulang pagtaksilan?

Kinuha ni Lance mostly sa mga gamit ko nung pababa na kami ng eroplano hanggang sa makasakay kami sa sasakyan at sakay ulit ng jet. Hindi masyadong magulo at matao dahil hindi summer season.

Nung marating na namin ang Bohol, may sumalubong sa amin at pinasakay kami sa sasakyan. Sabi ni Lance kasama na raw yun sa binook nya sa Hotel.

Mga 30 minutes lang ang binyahe namin mula sa pier hanggang sa hotel kaya hindi ako nakatulog ng maayos. Inalalayan ako ni Lance pababa hanggang sa kwarto dahil alam na alam nya ang bruha kong ugali kapag inaantok ako.

"Tulog ka muna bhe, pasyal tayo mamayang hapon pagkagising mo." Nginitian nya ako.

Tumango ako habang in-on nya ang aircon at nag ayos sya ng gamit. Hindi nagtagal ay nakatulog ako ng tuloyan.

Nung magising ako, bandang 2:30pm, napatayo kaagad ako. Hindi pa kasi ako nanghahalian at tyak lalong lalo na si Lance. Ayaw pa naman nun ang kumain mag-isa o kaya hindi ako kasama. Inikot ko ang paningin sa paligid pero wala sya. Binuksan ko ang kurtina ng bintana at napamangha ako sa ganda ng dagat. Sandali kong tinitigan ang ganda sa labas bago ako lumabas para hanapin si Lance.

Nagpunta ako sa restaurant at dun ko sya nakita. Tahimik na nagbabasa ng newspaper.

Umupo ako sa harapan kaya napatigil sya.

"Okay ka na? Hindi ka na inaantok?"

Napangiti ako. "Oo bhe, mabait na ako." Yun naman talaga ang gusto nya'ng itanong eh. Halos lahat kasi ng away namin nagsisimula kapag antok na antok ako o kaya bagong gising.

"Mabuti naman." Nakita ko syang nagsmirk. Ansama rin ng ugali neto.

Tinawag nya ang waiter at sinerve na ang pagkain. Naks! Sya ang nag-order.

Wala nang salita-salita, nilantakan ko na ang pagkain dahil sobrang gutom na gutom na talaga ako. Kumakain rin sya at as usual tahimik lang. Iniisip kong mas una kong mauubos ang pagkain dahil sa bilis ng pagkain ko pero wala naman sya'ng pake.

"Tubig" sabi nya habang punong-puno ng pagkain ang bibig ko. Tumango lang ako. Hindi naman ako ganito ka gutom sa iniisip ko pero feeling ko masarap lang talaga ang pagkain.

Nang maubos ko na ang pagkain, gusto ko nalang maiyak dahil sa dinami-dami ng naubos ko, kahit pagkain ni Lance ako na ang kumain, ay gutom pa rin ako.

Tinatawanan lang ako ni Lance dahil umorder ako ng dalawang beses. Hindi naman sya nagrereklamo. Sayang-saya pa nga sya'ng pinapanood akong kumain.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon