©2015written by DooNathhhs
~*~
Huling Sayaw
"Hi. Sana makapunta kayo ng kapatid mo sa debut ko. Aasahan ko kayo ah."
Nagulat ako ng biglang ichat sakin to ng ex ko. Almost 6 months palang kaming break. Akala ko galit sya sakin. Yung tipong hindi na nya ako papatawarin.
Pero hindi.
Hindi man lang sya nagtanim ng galit kahit na linoko ko sya.
Yes, I cheated on her. At ang mas masakit, nagawa ko 'yun sa mga panahong down na down sya sa acads nya. Sa mga panahong kelangan na kelangan nya ako. Masama na kung masama. Wala rin akong pakielam dati kasi malabo na kami. Minsan, 3 days na walang communications dahil sa acads nya. Noong una, naiintindihan ko sya pero hanggang sa nagtuloy tuloy, hindi ko na nararamdaman 'yung presence nya.
So naghanap ako ng ibang girl. 'Yung girl na hindi busy. 'Yung girl na nagkakaintindihan kami which means yung kacourse ko.
Naging masaya naman ako sa pinalit ko pero habang patagal ng patagal, narerealize ko na I'm still not over with my ex. Sya parin lagi kong naiisip tuwing kasama ko 'yung girlfriend ko. Pero wala na akong magagawa. Alam kong galit sya sakin. So, hindi na rin ako nagparamdam.
Back to the story, oo ininvite nya pa kami ng kapatid ko sa debut nya. Nung kami pa, kinekwento na nya sakin kung gaano kahalaga sakanya ang kanyang 18th birthday kasi daw eto ang gabi kung saan magiging princess sya.
At gusto nya ako 'yung prince nya. Pero wala na.
I decided na pumunta sa debut nya. Oo makapal na mukha ko, pero gusto ko syang makita ulit. Namimiss ko na sya.
Buong program, nakatingin lang ako sakanya.Ang ganda nya talaga.
Mixed emotions ang naramandaman ko. Masaya at nasasaktan. At mas lalo akong nasaktan nung nag18 roses na kasi kasali pala dun 'yung nanliligaw sakanya ngayon.
Ang saya saya nya habang nagsasayaw sila. I remember, ganyan din sya kasaya dati nung ako pa ang kasayaw nya nung kami pa.
Ganyan yung mukha nya tuwing magkasama kami, nagkukulitan.
Ganyan 'yung babe ko nung nasa akin pa sya dati. Bigla nalang akong napaluha. Kasi gusto ko ako ulit. Kami nalang sana ulit. Ang sakit sakit pero ang kelangan ko nalang gawin ngayon ay maging masaya para sakanya.
Sobra ko syang nasaktan noon. Gabi gabi raw sya umiiyak noon at hindi makapagconcentrate sa studies nya. Minsan, tumatawag pa sya sakin para makipagbalikan.
Oo, binaba nya yung pride nya para sakin. Okay lang sakanya magmukhang desperada basta lang magbalikan kami. Pero ako tong si gago, mas lalo ko pang sinaktan. Mas lalo akong nagpopost ng mga photos namin ng babae ko para mas lalo pa syang masaktan. Sobrang nagsisisi ako ngayon.
Sana pala pinahalagahan ko pa sya noon. Sana pala mas lalo ko pa syang inintindi.
Hindi na ako naghesitate na isayaw sya nung afterparty. Nahihiya ako pero gusto ko talaga syang isayaw. So ayun, nilapitan ko sya, at nakangiti lang sya sakin. Ang tamis ng ngiti nya.
Napapaiyak nanaman ako. At nahalata nya yun. Napayakap ako sakanya habang sumasayaw kami. Ang sarap sa feeling kahit sobrang sakit. After ng sayaw na 'yun, umalis na ako agad. Hindi ko na kaya itago 'yung nararamdaman ko, 'yung regrets ko. Sya parin kasi e. Sya parin at siya lang talaga. Ngayon, magmemed na sya. At balita ko, hanggang ngayon, nililigawan parin sya nung boy na yun. Same silang magmemed dahil pareho sila ng school. And I'm happy for her kahit hanggang ngayon, siya parin.
Lesson? Always understand your girlfriend/boyfriend lalo na pagdating sa acads. Syempre mas priority nila ang kanilang pag-aaral kesa satin. Nandito lang tayo para maging inspirasyon at pangtanggal ng stress sa kanila. We should be the strength of one another :)
Him, full of regrets
End
~*~