Green's POV
The discussions continued despite some arguments caused by Lyrei earlier. Honestly, I find the lesson exciting.
After a while, dinismiss na kami ni Prof. Me and Zy decided to follow Klyeo na sinundan din si Lyrei.
Naabutan namin si Klyeo na nakaupo sa bench na tulala.
"Dude! San na siya pumunta?"ako
"She's hurt"
"What?! May sugat siya bro!!!???"
"Baliw! He mean emotionally" singit ni Zy
"Ayy sige tara sundan na natin siya"
Tumayo kami at nagsimulang lakarin at ikutin ang buong campus para hanapin si Lyrei.
Mag-iisang oras na kaming naghahanap pero wala kaming Lyrei na nakita.
"Dude, tawagan mo na kaya?Baka kung saan na napunta yun"
"No need alam ko kung saan pumunta si Ly"
Zy's POV
"Wait, sigurado ka ba na sa ganitong klase ng lugar sita pupunta?" tanong ko.
"Dito kami pumupunta ni Ly kapag stress kami pareho"
"Bakit sa mall?"
"Kapag nakakakita kasi siya ng mga taong masaya, sumasaya siya"
Natahimik kami.
"Hello?"
"Yeoboseyo?"
"Ly!!! Asan ka? Kanina ka pa namin hinahanap"
"Utang na loob Zy! I need space"
At tuluyan niya nang ibinaba ang telepono.
"Anong sab?!" Green
"She needs space" Ako
Lyrei's POV
Nasa isang fashion botique ako ngayon. Tumitingin ng mga shoes at bags. Nilapitan ko yung isang dark blue na sling bag. Balak kong bilhin, I'm sure original naman to.
Hahawakan ko sana nang may biglang humawak sa kabilang dulo.
"Miss ako nauna dito"sabi niya
"Duh!, you saw it. Ako unang humawak" Ako
"Ako"
"Ako"
"Sabi ngang ako"
"Irereport kita!"
Naghilaan kami hanggang sa nakuha na niya. Nakakabanas ako naman nauna eh.
"Talagang likas sa yo ang pagiging maldita"
"Gosh! You startled me!" Isang babaeng maputi at mahaba ang buhok ang tumambad sa akin. Na hindi ko naman kilala.
"Hindi nakapagtataka. Dala na rin siguro ng naranasan mo nung bata ka pa lamang. Nung iniwan kayo ng papa mo, July 28, 2000. Matinding poot hindi lamang sa kanya kundi sa mga taong hindi mo kilala ang nararamdaman mo"
"Sino ka ba ha? Bakit parang kilalang kilala mo ako"
Hindi siya sumagot.
"Sabi ko sino ka !!!!" tuluyan na akong napasigaw. Nakararamdam ako ng takot.
"Adoya Neva More"
"Lyrei!!!!!" Napalingon ako at nakita ko si Klyeo. Tumingin ako sa babae pero wala na siya.
Saan kaya siya nagpunta? Sino ba talaga siya?
YOU ARE READING
It Is Not A Movie
FantasyLyrei, Zy, Klyeo, and Green were just ordinary individuals hoping to change the fate of their lives. But until they met Eerah, isang hindi pangkaraniwang manghuhula na nakakapaglakbay sa mga panahon, everything gets weird. Paano pag nabigyan sila ng...