Chapter One

632 18 0
                                        




Devon

Maaraw sa labas ngunit umuulan. Naalala ko ang sinabi sa akin tungkol ng mga pinsan ko rito. May kinakasal daw na tikbalang. At dahil do'n, paniwalang-paniwala ako noong bata ako na may mga kakaibang namumuhay din sa mundong 'to maliban sa aming mga tao. May mga nilalang na sadyang kakaiba sa amin.

Nasa gilid ako ng classroom kaya nasisinagan ako ng araw. Mainit sa pakiramdam ang pagdampi nito sa aking balat ngunit malamig naman ang ihip ng hangin na nagmumula sa labas. Naghahalong init at lamig. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko ang nararamdaman ko ngayon. Malamig ang hangin ngunit mainit ang sinag ng araw.


"Dev, hoy." Bigla naman akong napalingon sa katabi ko, si Rosie. "Inom daw mamaya. G ka ba?"

"Pass," bulong ko.

"Nakakailang tanggi ka na. Sumama ka na. Minsan lang 'to tsaka hindi naman tayo papalasing nang sobra 'to naman," bulong niya. Nginitian niya ako at sinubukan pang magpaawa. Hindi mo ko makukuha sa ganyan, Rosie.

"Ayoko, okay?"

"Kahit kasama si Jiro?" Nakangising tanong niya sabay hampas sa akin. Akala niya yata ay mapasasama niya ako. "Sumama ka na."

"Ano gagawin ko kay Jiro?" masungit kong tanong sa kanya.

Magsasalita pa siya sana pero nginuso ko sa kanya ang prof namin na nasa tapat ng pinto. May kausap itong estudyante na walang iba kung hindi yung may pangalang kababanggit ko lang.

"May kinakasal sigurong tikbalang," bulong ng kaklase kong nakaupo sa harap ko. Natawa na lang ako. Kung nandito lang siguro ang mga pinsan ko, parehong-pareho ang sasabihin nila.

Kamusta na kaya sila? Saan na kaya sila nag-aaral? Simula kasi nang mag grade four ako hanggang ngayong college, hindi na kami nagkita. Lumipat kami ng bahay ni Mama sa dahilang hindi masyadong klaro sa akin. Ang alam ko lang, away pamilya ang nangyari at pinapalayo na kami roon. That was what my mother told me.

Pumasok na ang prof kasabay ni Jiro. Nagtama ang paningin naming dalawa. Ngumiti siya sa akin at siya namang agad kong pag-iwas ng tingin. Itinuon ko sa notebook ko ang atensyon ko. Dinig ko naman ang pag-urong ng bangko sa likod ni Rosie. Doon nakaupo si Jiro.

"Jiro, mamaya ha," sabi ni Rosie.

Nagsimula na ang klase. Dire-diretso sa pagsasalita ang prof namin habang ako ay tulalang nakatingin sa labas. Huminto na ang pag-ulan at medyo kumulimlim. Sa sobrang boring, para yata akong makakatulog sa desk ko nang hindi ko namamalayan.

"Okay, open your books at page 92. Read the whole article. After that, answer the questions at page 93." Prof said.

Isa-isa kaming nagsipaglabas ng libro na pinapadala ni Sir. Tamad na tamad kong kinuha ang akin at namili ng gagamitin kong ballpen.

"Sir, anong page po uli?" tanong ng isa kong kaklase.

"Pages 92-93, Mr. Inuarez," Sir replied.

Pagbuklat ko ng page 92 ay napatitig ako sa images na nandito. Patungkol sa mga bampira ang nilalaman nito. Mukhang galing sa movie ang mga images na ginamit dito. Makalumang movies siguro dahil black and white pa.

"Sir, page ano po uli?" tanong ng isa ko pang kaklase.

"Ulit-ulit, Ms. Torres?"

Napayuko naman yung kaklase kong nagtanong. Halata namang si Sir ay naiinis na kaya ako na rin ang sumagot.

"Page 92-93."

Tumingin sa akin ang prof ko saglit at bumalik din sa pagbabasa. Nginitian naman ako ng kaklase kong nagtanong. Tumango lang ako sa kanya bilang tugon.

Nagsimula na akong magbasa. It said that ang mga bampira raw ay takot sa araw at may kanya-kanyang special abilities. Ngunit hindi nagtagal, nakapaglalakad na ang mga bampira sa ilalim ng araw dahil sa mga gamot na ini-formulate nila.

Bigla kong naalala, three years ago ay may balita na may mga namatay at dinukot daw na bampira ang may kagagawan. Wala raw dugo ang mga bangkay at butas ang leeg. Sobrang matunog ang balita na iyon nung grade 12 pa lang ako. Marami namang nagsabi na baka modus lang ito ng mga kriminal upang ma-i-divert sa mga bagay na walang katotohanan ang atensyon imbes sa krimen.

Napahampas naman ako sa table ko nang marinig ko ang sobrang lakas na pagbabasa ni Jiro. Napatingin ako sa kanya. Patuloy pa rin ito sa pagbabasa kaya't tinapik ko na ang desk neto.

"Why?" He mouthed.

"Hinaan mo ngang magbasa. Bumulong ka na lang, pwede?" I said. Nag-angat naman ng ulo si Rosie at nakisali sa amin.

"That's what I'm doing." Jiro answered.

"Hindi ko naririnig si Jiro," dagdag naman ni Rosie. Anong hindi naririnig? Ang lakas niya kayang magbasa. Dinig na dinig ko.

A smile formed in Rosie's lips. Umiling-iling ito at bumalik sa binabasa niya.

Tinignan ko na lang silang dalawa nang masama at bumalik sa binabasa ko. I swear, dinig na dinig ko magbasa si Jiro. Paano magiging bulong iyon?

Nang matapos na ang klase ay agad akong nagligpit ng gamit. Umupo sa desk ko si Rosie at hindi pa man bumubuka ang bibig neto, alam ko na ang maririnig ko.

"Pumayag ka na, please. Konti lang iinumin natin."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-aayos ng bag ko.

"Kasama nga si Jiro. Sumama ka na," sabi niya kaya agad ko siyang hinampas sa braso.

"Ano ba aray!"

"Tumigil ka kaka-Jiro mo ha. Kapag ikaw narinig, baka ano pa isipin no'n."

Tinignan ko si Jiro na kausap ni Sir sa labas. Buti na lang malayo-layo sila sa amin kung hindi lang talaga, baka nakalbo ko na si Rosie.

"Hoy gaga, ano bang kaartehan iyan? Can't you remember what happened last month!? You kissed his neck!"

Nanlaki lalo ang dalawa kong mata. This time ay tinamaan na talaga sa akin si Rosie. Binagsakan ko ng libro ang paa niya. Kung hindi siya tatahimik, bibig niya na ang pupuntiryahin ko.

"Tangina naman. Ang sakit!" sigaw nito sa akin.

"Don't you dare mention it again or else ikaw na ang ibabagsak ko sa sahig next time." Kinuha ko na ang bag ko at iniwan si Rosie. Nilampasan ko lang din si Jiro na nakikipag-usap pa rin sa prof namin.

Just to be freakin' honest, I would never ever kissed Jiro. Kahit sa ano mang parte ng katawan niya. That was not a kiss! Hindi man lang dumikit itong mga labi ko sa balat ng leeg ng kumag na iyon.

It's just that. . . ah, hindi ko talaga alam! I did not know if it was because of the alcohol but I swear, hindi ko 'yon sinasadya. Like I was not thinking straight that time.

I just felt that feeling nang masugatan si Jiro sa bandang leeg dahil sa design ng jacket na sinuot niya. Nagdugo ito at natulala ako roon. And that's it! I almost kissed his neck. I ALMOST, okay?

"Sorry." Nabigla ako nang may nabunggo ako habang naglalakad. Nakalabas na ko ng school at malapit na sa street kung saan kami nakatira. Nakayuko lang yung lalaki at wala man lang balak mag-angat ng tingin.

Linampasan ko na lang siya dahil nagsorry naman na ako pero bigla akong napatigil nang maramdaman kong nakasunod siya sa akin.

Sinimulan na akong kabahan nang sumabay na siya sa akin maglakad. So I stopped. Maraming tao rito kaya panigurado matatakot naman siyang gawin kung ano mang balak niya.

Humarap siya sa akin. Kitang-kita ko ngayon ang mukha niya. Sorry hindi naman sa judger ako pero hindi naman siya mukhang manghoholdap. Mas mukha pa ngang mayaman sa akin ang isang 'to.

Umawang ang bibig niya na para bang may gustong sabihin. Lalakad na sana ako uli nang bigla siyang magsalita.

"You're not a vampire, are you?"

Her ProtectorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon