Devon
My mother was preparing our dinner while I patiently sat on the couch, thinking of what happened earlier. That's so weird.
"Kain na," Mom said. Tumayo naman na ko at umupo sa harap ng mesa. Just like what she always does, nilagyan niya ako ng kanin sa plato ko at tinanong kung aling ulam naman ang ilalagay niya para sa akin.
"Beef brocolli, Ma." I replied.
My mother's name is Analise and she's the only family I have since grade four. Diba nga, lumayo kami sa mga relatives namin. So dalawa lang kaming magkasama hanggang nagkolehiyo ako. 'Yung tatay ko naman, sundalo at namatay sa misyon.
My mother doesn't even have close friends. Friends? Siguro kapitbahay namin? Nagpapalitan lang sila ng ngiti kapag nagkakasalubong. Wala talagang yung close niya, yung kasabay niyang magzumba, maggrocery, shopping or kahit i-invite kapag may okasyon. That's why I feel sad everytime I go out with my friends. Maiiwang mag-isa nang matagal si Mama sa bahay.
"On my way home, something weird happened,Ma." I said. Nabitawan niya naman yung kutsara at tinidor niya at tumingin sa akin. "Plus that reaction, Ma. Weird din."
"What happened, Devon?" The tone of her voice sounded serious.
"Ma, huwag ka nga seryoso masyado. Nakakatawa nga. A guy asked me if vampire daw ako?" Natatawa-tawa kong kwento kay Mama. I expected her to laugh and gave comments about the guy like baliw, hilo or malakas trip. But she became more serious.
"Ma?"
"Lock all the doors." Bigla na lang siyang tumakbo palabas. Sinundan ko naman siya. Anong ginagawa ni Mama? Don't tell me takot siya sa bampira. Is she afraid of something that do not even exist?
Nakita kong ni-lock niya ang gate kaya natawa naman akong sinundan siya palabas.
"Vampires can jump way higher than our gate, Ma." I joked. "And I'm not a vampire, right?"
Akala ko ay mas ikakakalma ni Mama ang sinabi ko pero bigla niya na lang ako hinatak papasok ng bahay. Isinara niya ang lahat ng bintana at pinto. Binaba niya rin ang mga kurtina nito.
Hindi siya kumikibo. Patuloy lang siya sa ginagawa niya habang nagtataka na ko.
"Ma, you're scaring me." I said. Naniniwala kaya si Mama sa mga bampira? Totoo ba sila? Hindi ba gawa-gawa lang sila ng imahinasyon ng tao?
Dapat pala ay hindi ko na pala sila nabanggit.
I was about to go upstairs when she finally said a thing. "Maraming kriminal ang nagkalat sa paligid. Baka yung nakasalamuha mo kanina ay adik kaya ganoon ang mga sinabi."
I just shrugged and went straight to my room. My Mom can be weird sometimes. Is this the result of being always home alone?
Umupo muna ako sa kama at nagbukas ng Facebook sa aking laptop. Dahil Friday ngayon, sunod-sunod ang mga posts ng mga friends ko sa FB sa kanya-kanya nilang gala. Habang nagsscroll ay nagpop up naman ang convo namin ni Rosie.
Rosie
Wait ka namin. Pinasundo na kita kay Jiro.
Nagulat naman ako sa nabasa ko. Seriously? At sa lahat ng susundo, si Jiro pa talaga. They really think I like Jiro, huh. I was about to type my reply when another message popped up in my screen.
Jiro
Yo, I'm outside.
Napadabog naman ako. Nakakainis, sobrang nakakainis. Bakit ba pilit na pilit sila sa akin? Ilang beses na kong humindi.

BINABASA MO ANG
Her Protector
VampirosEveryone thought that the existence of a vampire-human hybrid was impossible until Devon Salvatorre was born, the first and the only one of her kind.