--
"Sa mundong makasalanan"Sumapit na ang gabi, takot ay mababakas sa babaeng nasa aking tabi, nakikita ko kung pa'no manginig ang mga daliri nya, at kung paano sya tumingin sa madilim na lugar na kanyang tatahakin.
Maging ako'y takot din, takot na umuwing magisa, takot na tahakin ang daan patungo sa aming tahanan.
Daan kung saan mga himig ng hangin at mga punong sumasayaw ang iyong makikitaSa bawat paguwi'y takot ay laging baon,
Dahil sa unang kantong may liwanag na may maliit na tindahan manginginom ay naroroon.Probinsya palang ay kinatatakutan na, paano pa kaya kung tayo'y mapuntang Maynila.
Hindi lamang sa Maynila, maging sa ibang lugar.
Hindi ko na babanggitin pa pagka't masyadong marami.Dumako tayo sa totoong realidad ng ating syudad.
Ang iyong ama ay may bisyo. alak, droga, sigarilyo, na sa t'wing sasapit ang gabi'ng sya'y uuwi't makikita mo ang pagkapula sa dalawa nyang mata.
Sa iyong ina na sinasabing ilaw ng tahanan, na syang magaaruga sa inyo hanggang pagtanda, na sya ang unang iintindi, unang magtuturo sa realidad ng buhay, na syang kaagapay mo, ang iyong ina na nasa sugalan katabi ang kinakalantari nya, maririnig mo ang lakas ng kanyang mura kapag sya'y natatalo. Ang iyong ina na may hawak na sanggol na halos mamatay na sa gutom.
Ang iyong panganay na kapatid, ang iyong kuya na nasa sekondarya palamang ay tumigil na, pakiwari't naimpluwensyahan ng barkada at ng marijuana, hithit doon hithit dito na halos wala ng makain maipangbili lamang ng kailangan.
Ang iyong kuya na babae ang kaligayahan.
Ungol dito ungol doon
Eto ba talaga ang sinasabing anak na magaahon sa inyong pamilya?Ang iyong Ate na mas matanda lamang sa iyo ng ilang taon, na hindi mo malaman kung anong trabaho ang meron sya at nagagawa nyang makabili ng magagandang gamit na meron sya.
Ang bunso mong kapatid na nasa sekondarya lamang ay tumigil na dahil nabuntis ng kung sino lang.
At ikaw, na halos pagchismisan ng mga chismosa ilang bahay ang pagitan mula sa inyo.
"Feeling birhen katulad lang din naman ng ate at kapatid nya"
Ito na ba talaga ang mundong kinagisnan ng bawat isa?
Ngunit wag kang mawalan ng pag asa, bumangon ka't hayaan mong ipagpatuloy ang buhay.
Hindi man para sa sarili mo kundi para sa pamilya mo.
Bumangon ka't bigyan ng hustisya ang naaapi.
Bumangon ka't bigyan ng hustisya ang babaeng nabababoy ng kung sino lang.
Dahil isang araw masasaksihan ko ang pag tungtong mo ng entablado at pagsabit ng medalya sa leeg mo
Makakapasa sa pagsusulit na kukunin mo at masasabi mong"Sulit ang paghihirap ko"
Atty, Dela Cruz
--
BINABASA MO ANG
Poetry
PoetryHalika sa'king tabi, tabihan mo ko't pagusapan natin ang sinasabi ng bawat damdamin. Hayaan nating dumaloy ang emosyon sa ating mga sarili, wag nating lagyan ng tugma, hayaan nating maging malaya.