--
''WAG MONG SABIHIN, PATUNAYAN MO""Mahal kita" "magbabago na ako" "seryoso na ako" "hindi na ako manloloko" "hindi kita iiwan" "hindi na 'ko babaero" "hindi na ako fuckboy" "hindi na ako nagyoyosi" "hindi na ako nag iinom" "matino na 'ko"
Ilan yan sa mga katagang sinambit mo sa'kin noong ako'y pinapangarap mo.
Na tila ba para akong isang tala na aabutin mo, tatawirin ang dagat'makikipag digmaan sa bagyo makuha lamang ako,
Naalala ko pa kung paano mo hinarap ang ama ko, kahit alam mong siga sya sa kanto at kinatatakutan.
Kung paano ka mamutla sa harap ng mga kuya ko.
Kung paano mangatal ang bibig mo dahil hindi ka makasagot ng maayos sa mga lolo ko.
Kung paano mo bolahin ang ina ko kung paano ka pagsibakin ng kahoy ng lola ko't pagigibin ng halos isang oras
At kung paano mo rin kaibiganin ang mga ate ko.
Naaalala ko rin kung paano ka habulin ng aso namin dahil tinangka mong tawirin ang bakod. At maibigay ang bulaklak sa'kin.
Kung paano ka kantyawan ng mga kaibigan mo at sabihing "pre ang bakla mo" kahit na nakakapagpababa na ng pagkalalake mo.
Tiniis mo.
Tiniis mo ang lahat makula lamang ang matamis kong "Oo"
Nakita ko ang pursigido mong makamit ang sagot mula sa'kin kaya't hindi kita binigo, binigay ko ang hinahangad mo sa mismong kaarawan mo.
Na sa sobrang tuwa mo'y niyakap mo ako sa maraming tao at hinalikan. Bagama't nakakahiya ay ayos lang.Sabi nila ang swerte ko, ang swerte ko sa isang tulad mo, na handang gawin ang lahat makuha lamang ako,
Sabi din nila na ang swerte ko dahil hindi ko na kailangan pang gumastos dahil "rich kid" ka naman.
Sabi din nila na ang swerte ko dahil ang isang gwapo't sikat na katulad mo'y pinaghihirapan ako.
Sabi rin nila na ang swerte ko dahil kapag ikinasal tayo'y may bahay at lupa na ako, na hindi ko na kailangan pang magtrabaho.Ngunit.
Sabi rin nila na ang malas ko, dahil sa manlolokong katulad mo ang ikinalagyan ko.
Na ang isang walang kwentang tao ang minamahal ko.
Na walang ibang ginawa kundi magpaiyak ng babae ang sinisinta ko.
Pero wala akong pakeelam dahil ang tanging alam ko lang ay nagmamahalan tayo.Araw, linggo, At b'wan ang lumipas naging masaya tayo, nilinis ko ang pangalan mo. Nakita ko ngang nagbago ka, pero parang may kulang.
Naalala ko pa noong pinadalhan mo ko ng mensahe sa teleponong niregalo mo sa'kin nung unang b'wan na naging tayo. Sinabi mong sasamahan mo ang mommy mo dahil bibili kayo ng regalo para sa daddy mo.
Pumayag ako dahil panatag ang loob ko.Hanggat nakita kita sa isang mahal na kainan. Nagtaka pa 'ko kung sino ang kasama mo dahil hindi ito ang ina mo. Hanggat napagtanto kong ito ang dating nobya mo
Napako ako sa kinatatayuan ko't hindi makakilos. Tila ba parang naubusan ako ng dugo sa buong katawan, hindi alam ang mararamdaman.
Nakikita kita't masayang kausap ang dati mong nobya, mga ngiting aboy langit na kailan ma'y hindi ko nakita kapag ako ang kausap mo. Mga galaw mong tanging sa kanya mo ipinapakita.
Nakikita ko rin ang malagkit at mapangakit na tingin sa'yo ng dati mong nobya.Masakit. Napakasakit.
Sabi mo ako lang, sabi ko nagbago ka na. Sabi mo hindi na ikaw yung dating ikaw. Sabi mo mahal mo 'ko, sabi mo hinding hindi mo ako sasaktan, sabi mo pa hinding hindi mo ako ipagpapalit.
Pero tila nagbago ang ihip ng hangin.
Lahat ng sinabi mo'y binigkas mo lamang.
Lahat ng ito'y isinambit mo lamang.
Naniwala ako sa mga matatamis mong salita, na kalaunan ay naging masakit rin.Minsan ko ring narining ang tinig mo kausap ang barkada mo.
Nagsasawa ka na dahil hindi mo makuha ang "pagkababae" ko.
Narinig ko ring sinabihan mo ko ng masyado akong pabebe.Ganyan na ba kayong mga lalaki? Na tanging puri lamang ng babae ang gusto nyo at kalaunan ay iiwan nyo?
Papangakuan ng mga pangakong hindi tinutupad. Papangakuan ng mga pangakong labas sa ilong. Papangakuan ng mga pangakong mapapako lamang. Pangakong nasisira. Pangakong hindi naman dapat ipinapangako.
Mga lalaking walang ibang inasam kundi ang pasarap lamang sa buhay, lalaking walang ibang ginawa kundi ang manakit ng mga damdamin naming babae.
Kaya't para sa mga babaeng sinabihan ng matatamis na salita ng inyong manliligaw. Maniwala kayo. Bilang lamang ang may kayang patunayan.
--
BINABASA MO ANG
Poetry
PoetryHalika sa'king tabi, tabihan mo ko't pagusapan natin ang sinasabi ng bawat damdamin. Hayaan nating dumaloy ang emosyon sa ating mga sarili, wag nating lagyan ng tugma, hayaan nating maging malaya.