Noon

1.8K 9 0
                                    

Noon

Noon, palagi tayong magkasama mula umaga hanngang gabi , nagsasaya sa isang tabi

Noon, palagi tayong magka usap mula pagpuntang paaralan hanggang sa paguwi, at kahit sa cellphone palagi tayong mag katext

Noon palagi kang anjan tuwing kailangan kita , isang tawag ko plang anjan kana ,

Noon palagi kitang kasama sa mga kalokohan ko , sa galaan at higit sa lahat sa iyakan.

Noon palagi kitang karamay sa lungkot,  galit at higit sa lahat sa saya

Noon ikaw ang aking sandalan,  sabihan ng sikrito at higit sa lahat ang aking tagapagtangol

Lahat ng karanasan ko noon na kasama ka , ngayo'y nagbago na masyado akong nasaktan at nagbigla na sa isang iglap bigla kang nag iba

Di ko lubos maisip na mamahalin pala kita, na sa tuwing nakikita at nakakasama kita ay saya aking nadadarama

Di ko lubos maisip na ang dating kaibigan lang ang tingin ko ay nag iba na , lungkot ang aking nadarama tuwing may kasama kang iba,  nasasaktan ako tuwing tumatawa ka ng dahil sa kanya.

Di ko lubos maisip na ang taong nagpapasaya sa akin ay ngayo'y nagpapaiyak sa akin.

Di ko lubos maisip na iiwan moko di dahil sa mahal kita kundi dahil sa may mahal kana.

At alam mo ba kung ano ang mas masakit?  Minahal kita ng di mo alam, na di mo ramdam at alam kung wala kang pakialam dahil ako , ako ay isang kaibigan mo lang

At nasasaktan ako pag nakikita kang nasasaktan, magiging masaya ako para sayo kahit alam kung masakit,  sakit man ang dulot nito tatangapin ko dahil sa mahal kita

Di ko lubos maisip na ang dating ikaw ay nagbago na , Di ko lubos maisip na ang dating kaibigan ko ay nawala na

At ngayong masaya kana sa piling niya paalam kaibigan, mahal na mahal kita maghihintay parin ako sa iyong pagbabalik at sana sa panahong yun ay mag hihilom na ang sugat na naidolot mo.

Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon