MAHAL KITA

1.2K 10 0
                                    

MAHAL KITA

Ang makahulugan na salita ngunit marami ang na ang nasaktan at marami ng napaiyak.
Bakit nga ba naimbinto ang salitang MAHAL KITA kung sakit naman pala ang dulot nito? 
Bakit nga ba sinasabi ang salitang mahal kita kung hindi naman pala totoo?
Bakit nga ba nagpapangap ang isang tao na mahal ka kung hindi ka naman pala paninindigan?
Bakit nga ba nanliligaw ang mga lalaki kung sasaktan at iiwan kang luhaan sa isang malamig at madilim na gabi sa isang sulok na kung saan ikaw ay naisasantabi.
Bakit nga ba nagmamahal ka kung sa huli puno ito ng pagdurusa
Bakit nga ba patuloy kang nagmamahal kahit sinukuan kana? Pilit mung pinaglalaban ang bagay na sa kanya patapun na? Dahil ba sa Pinanghahawakan mong mga salitang sinabi nya?  Sa mga pangako nya?  Dahil ba sa sinabi nyang "mahal kita" patuloy kang umaasa sa bagay na alam mung matagal nang tapos,  pilit mung inaayos niyayapos ngunit sya pilit kumawala at sinisira ang nasimulan nyong pangarap. Bakit ba patuloy kang nag mamahal sa taong pinagmukha kang kawawa, at pinagmumukha kang tanga .
Maraming BAKIT ang hindi masagot sa isang simpleng salita lang ngunit million na ang nasaktan, isang salita na masarap pakinggan ngunit katagalan mawawalan ng saysay,  isang katagang nag bibigay kulay sa buhay mo ngunit katagalay unti unting kang pinapatay sa kalungkutan at sa kadiliman at dahil yun sa salitang MAHAL KITA na binigyan mo agad ng kahulugan na sa kanya ay laro lang, na sineryoso mo pero sa kanya biro lang. Masakit? Oo masakit dahil na paniwala ka niya na MAHAL KA yun pala pinag lalaruan ka lang at pinaikot pinagtawanan kinakawawa pero tadhana ang may gawa ang may pakana bakit? Upang matutu ka dahil ang tadhana ay magpaglaro kaya kailangan mo maging handa sa mga posibling mangyari. Masakit ang magmahal oo,  kasi lagi namn talaga katambal ang kasiyahan at kalungkutan ang sakit,  pait at paghihinagpis sa salitang MAHAL KITA na iyong pinili at pinaniniwalaan na ayaw mung pakawalan kahit ikaw nalng ang lumalaban , oo mahirap ngunit kailangan mung bumitaw at palayain siya nang maging malaya kana rin sa isang halwa na puno ng kasinungalingan ,mahirap lang kalimutan mahirap man pakawalan ang salitang MAHAL KITA hanggang sa naging PAALAM na yun ang dapat at kailangan mung gawin upang siya ay mawala narin at sugat sa puso ay maghilum na ng tuluyan.  May kulang ba? Oo yang puso mo na kailangang ma bou pero kailangan mong maghintay sa tamang panahon at karapat-dapat na tao na hahawak sa puso mo at totoong magmamahal sayo ng panghabang buhay at sabihin ang katagang "MAHAL KITA" na puno ng saysay at boung puso, yung taong di puro pangako na lang na lagi namang napapako yung taong di kaa susukuan, di ka iiwan at ipaglalaban ka sa ano mang unos ang dumating. Isa lang ang taong para sayo at kung may mga tao mang dumating sa buhay mo at sinaktan at iniwan kang luhaan magpasalamat ka dahil binago ka nila ang mahina at tangang ikaw isa silang pagsubok na dumaan lang at nalagpasan mo kaya maligayang bati dahil sa katatagan mo matatagpuan mo sya 😊 ISANG KATAGA, DALAWANG SALITA, NA MAY APAT NA LETRA maraming nang nagdurusa ngunit marami ding napasaya, maraming napaluha ngunit marami ding napangiti SIMPLENG SALITA NGUNIT MASARAP PAKINGAN ang mahal kita puno ng kahulugan marami ang naguguluhan ngunit sa tagalay mabibigayan kasagutan ang mga tanong na BAKIT?  KUNG IKAW AY NATOTO na.

Spoken Poetry Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon