Chapter 2: Pangit

18 2 0
                                    

Chapter 2: Pangit

Sasha's POV

Eto ako ngayon, nakaupo sa ilalim ng puno, pingalalaruan ang mga damo.

Paano n'ya nagawa sa akin 'yon?

Next month! One year na kami next month, pero sinayang n'ya lang lahat ng pinagsamahan namin?!

At ang dahilan n'ya ay hindi na s'ya masaya sa akin? Napakawalang kwenta talaga!

Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko. Agad ko s'yang tinignan at tumaas ang kilay ko.

Sino naman 'tong lalaki na 'to?

Naka white v-neck shirt s'ya, at may hawak s'yang coca-cola na nasa can.

Kinuha n'ya 'yung panyo n'ya sa bulsa saka iyon binigay sa akin. Eh? Sino ba 'to?

“Oh iyan panyo, 'wag ka na umiyak. Ang pangit mo e.” sabi n'ya kaya napanganga ako!

Ano? Ano daw ako? Pangit?! Langya!

“Baliw kaba? Do I know you?” tanong ko sa kanya at 'di ko pa rin tinatanggap ang panyo. Napakakapal ng mukha neto, lalapit tapos mananabi ng pangit tsk!

“'Di ako baliw, at hindi mo ako kilala.” sabi n'ya. Lalong kumunot ang noo ko. “Tanggapin mo na 'yung panyo, tutulo 'ying sipon mo mas lalo kang papangit.” deretsahan n'yang sabi.

What the?!


“Hindi ako pangit!” inis na sabi ko at galit na tinanggap ang panyo n'ya.


Hmm, ang bango ng panyo ah.


“Pangit ka, tatanggapin mo din naman pala ang dami mo pang arte tss.” sabi n'ya at saka s'ya uminom sa can na hawak n'ya.


“Sino ka ba ah?” inis na tanong ko at pinunanasan ko pa ang luha ko.


Lintek na luha 'to ayaw tumigil huhuhu.


“Pinakagwapong nilalang sa mundo.” malakas na loob na sabi n'ya.


Hanep sa yabang! Pambihira!


“Gwapo, yabang ah.” sabi ko naman at umirap pa ako.


Tumayo naman ako at nagpapag ng damit.


“Uh bakit? Sige nga sabihin mo nga pangit ako?” hamon n'ya sa akin at tumingin ako sa kanya. Nakatayo na din s'ya ngayon.


Tinignan ko ang mukha n'ya.


Omayghad! Ang gwapo n'yaaa!


“Tss.” 'yan na lang ang nasabi ko kasi 'di naman s'ya pangit. Ang gwapo n'ya e.


“See? You can't say that I'm ugly. Gwapo ako, at alam kong alam mo 'yan hahaha.” napakahangin naman! Nakakairita.

Oo na, mas gwapo din s'ya sa papa, at dalawa kong kuya.

“Salamat sa panyo, ibabalik ko na lang 'pag nagkita tayo ulit.” sabi ko at saka ko inilagay sa bulsa ko iyong panyo.


Naglakad na ako paalis, pupunta ako kung saan pwede kong ilabas ang nararamdaman ko. Saan pa nga ba? Edi sa bar?


First time kong pupunta pero okay na 'to! Gusto ko lang talaga makalimot kahit sandali. Ang sakit sakit naman kase e!

Pumara ako ng taxi at sinabi ko kung saan ako pupunta.

I just can't stop loving youWhere stories live. Discover now