1D - 12

1.3K 42 8
                                    


/MAELEEN/


"Mae....mae" Napagalaw ako ng may tumutusok sa pisngi ko. Inalis ko yung daliring tumutusok sakin. "Mae...Bangon na" Yinugyog naman nya ako. Napatayo ako kahit kapikit parin yung mata ko.

Nakakainis naman, nakitang natutulog, Nahirapan nanaman kasi ako nakatulog kagabi.

"Bakit ba?" Masungit na sabi ko kay Kelly, kinusot ko yung mata ko.

"Samahan mo ako hihihi" Tinignan ko sya ng masama, maganda ang ngiti sa labi nya. Pinadaanan ko sya ng tingin, mula ulo hanggang paa. Suot nya yung binili naming Dress kahapon. Bagay na bagay sa kanya ito. Para syang Model tignan, hindi naman kasi ako katangkaran.

"Saan?" Hindi parin ako umaaalis sa kama. Pumipikit pikit parin yung mata ko. Tinignan ko yung Orasan 12:56pm na pala. Kaya naman pala nandito to.

"Sa Condo ni Jerome...Naiwan nya kasi yung Guitar nya, kaylangan daw nya kasi"

"Bakit tayo pa magdadala? bakit di nalang sya umuwi at kunin sa inyo"

"Alam mo naman yun, napaka tamad.. Bilis na matutuwa karin dito Hahaha" Tawa sya ng tawa. Tumayo na ako at inayos yung pinaghigaan ko. "Directioner ka pala" makahulugan nyang sabi.

Tinitignan nya yung mga Poster na nakadikit sa pader ng Room ko. Kakadikit ko lang nung nakaraan yan na bored kasi ako.

"Yes" Maikli kog sabi sa kanya. Tinignan ko sya na nakangiti parin sakin. Ano bang ngini-ngiti ngiti nito? "Para kang tanga dyan" Umalis na ako sa harapan nya at pumunta ng banyo para maligo.

"Nakita mo na ba yung Wallet mo haha" Nilingon ko sya uli.

"Hindi nga natin nakita diba? Bat tinatanong mo pa" Hindi na nya ako sinagot at tumawa nalang sya uli. Parang tanga.

Nasa Kotse na nya kami at nag dri-dive na sya papunta sa Condo ni Jerome, pero ang tawag ko kay Jerome Okra. Parehas naming ayaw sa okra, yung pagkain nya dati hinaluan ko ng Okra kaya galit na galit sya sakin Hahaha.

"Malayo ba dito yung Condo ni Okra?" Tanong ko kay Kelly.

"Konti"

Nasa back seat yung Guitar ni Jerome, mahilig kasi si Okra sa Music, ang ganda ganda nga nung Boses nya. Lagi nga nya akong kinakantahan pag umiiyak ako.

Tumunog yung Cellphone nya, kaya sinagot nya yung tawag nito.

"Hello...oo papunta na kami....Hahaha Sige.....Papunta narin sya?.....Sht!....sige bye bye" Kinagat nya yung iba-bang labi nya, pilit na pinipigilan nyang mapangiti. Ano kayang pinag usapan nila nung kausap nya?

"Sino yun?"

Nilingon nya ako pero binalik din nya yung tingin nya sa daan. " Jerome"

Nang makarating na kami sa BSG Biulding kung saan nandun yung Condo ni Jerome. Nasa 3rd floor ito kaya sumakay kami ng Elevator. Hindi mapakali si Kelly at maya't maya ang tingin nya sa kanyang Cellphone. Minsan ma papangiti sya at bigla nalang titili para syang baliw, parehas sila ng kapatid nya.

"Let's go!!" Hinila na nya ako palabas ng Elevator at hinanap namin yung Condo ni Okra na hindi naman masyadong malayo. May Pinindot sya at bumukas na agad yung Pinto.

Sumalubong samin at Topless na si Jerome, kitang kiita tuloy yung ABS nya punyete! Umiwas ako ng Tingin dun, maraming beses na ako nakakita ng Topless na lalaki, yung iba nga sigaw na sigaw yung malalaking tyan, na puro alak yung laman. Kaso First time kong makakita ng malapitan hihi.

Directioners & One Direction//One Direction TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon