1D - 58

880 30 1
                                    

Hello LEGEND's Katcuties29 salamat sa Vote and Comment. Dedicate to sayo, pero hindi ko pa malagay sa Phone lang kasi ako nag Type ngayon. Pero pag nag online ako sa laptop Lalagay ko agad. Salamat muahhh.

ZAYN POV.

Kinakabahan. Natatakot. Hindi mapakali. Ayan ang nararamdaman namin ngayon. Pag tapos sabihin ni Paul na nawawala si Louis, na may kumuha sa kanya, hindi na kami mapakali dito. Natatakot kami na baka kung anong gawin nila kay Louis, na baka saktan nila sya. F*ck!Dapat ako yung nasa kalagayan nya hindi sya. Hindi si Louis. Ako ang may kasalanan nito.

"Baka patayin nila si Lou" Si Harry. Lahat kami natatakot na baka nga gawin nila yan kay Louis. Hindi nagkakailang kayang pumatay yung mga G*go na kumuha kay Louis.

"Hindi dapat nangyayari satin to!" Pinaglakbay ni Liam ang kamay nya sa ulo nya. Yumuko ako, alam ko naman na kasalanan ko lahat. Bakit ba kasi si Louis pa yung kinuha? Diba ako naman yung Kaylangan nila?

"Kung iniisip mong Kasalanan mo ito Zayn, ako na ang nag sasabi sayo. Hindi mo kasalanan to" -Liam

Alam kong pinapagaan lang nila yung Loob ko, kaya nila sinasabi yan. Panong hindi ko ito kasalanan? Ako yung binabantaan nila, ako yung gusto nilang makuha. Hindi si Louis.

"T-tumawag na tayo ng Pulis" Tumingin kami kay Micah na namamaga yung mata sa kakaiyak. Hindi lang sya ang umiyak, pati yung apat pang babae dito nasi Angel,Mae,Jel at Eurika pwera lang kay Ellah na busy sa pagkain.

Naaawa ako kay Micah, alam kong alalang alala narin sya dahil Boyfriend nya yung kinuha. Naiinis ako! Gusto kong sumugod kung saan nila dinala si Louis at pag sasapakin ko yung mga sira nilang Mukha! Sh*t.

"Gustuhin man namin, ka-kaso... Mapapahamak si Louis pag nagtawag tayo ng Police!" paliwanag ni Paul. kahit sya hindi narin nya alam yung gagawin nya.

May nagiwan nang Papel sa tapat nang bahay kanikanina lang. at hindi namin alam kung sinong G*go ang nag lagay nun duon. Kung nakita ko lang sya, hindi ko hahayaang makalakad pa sya, sisiguraduhin kong malulumpo sya. Bwiset talaga!

"Hi-hindi naman nila ma-malalaman" Hinawakan ni Mae yung likod ni Micah, nahihirapan narin kasi syang mag salita. Tsss hindi naman makakatulong yung pag iyak nya. Pag bumagsak ba yung luha nya lalabas agad si Louis? Hindi naman.

"Hindi sila tanga Micah! malamang may mga Mata sila sa labas" Inis na sabi ko sa kanya. Naiintindihan ko naman talaga sya, pero ang tumawag nang Police.. Ikakapahamak lang ni Louis yun.

"May magagawa ang mga Police Zayn! Dapat hindi sya yung nandun.. dapat -" Tumayo ako at humarap sa kanya.

"Na dapat ako yung nandun? Na dapat ako yung Kinuha nila? ayun ba yung sasabihin mo? Alam ko naman Micah! Alam ko!" Hinawakan ako ni Liam sa balikat at pinaupo. Ayaw ko mang sabihin sa kanya yun, ayoko lang ipamukha nya sa akin lahat.

"Umakyat ka na muna Micah! Kami nalang gagawa nang paraan" Sabi ni Paul. Narinig ko yung palapag nang pag akyat nung Lima. Sumama na ata sila para pagaanin yung loob ni Micah.

"F*ck! Sinipa ko nang malakas yung lamesa sa harap ko. Gusto kong ibuhos lahat ng inis ko, gusto kong manakit ngayon.

"Zayn!" Sigaw ni Liam. Naramdaman kong may tumabi sa akin. Si Niall.

"Ma aayos natin to" Bulong nya sa akin. Kahit papano nawala yung inis ko sa sinabi nya. Sana nga maayos agad to.

" May na iisip akong Plano" Tumingin kami kay Harry. Ano naman kayang Trip nitong kulot nato.

"Sana naman maganda yan" Singit ni Liam.

" Ahmm. Kaylangan ko ang tulong ni Eurika!" Tinignan ko sya nang masama. Bakit Kaylangan pa nang tulong ni Eurika? Baka mapahamak lang sya.

Directioners & One Direction//One Direction TagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon