Warning: Don't Make Fun of Lucia Joaquin's Identity featuring 3:00 AM as Devil's hour and Possession.
Trending ngayon ang Multo sa FB na si Lucia Joaquin na nagchachat sa mga lalaki. Whether na si Lucia ay totoo o Hindi hindi dapat gamitin ang katauhan ng isang Multo sa kahit anong paraan ng mga Biro.
- --------------------------------------—------------
Tulad ng mga Previous articles ko, nabanggit ang "Ethereal Plane" na dimension ng mga Espiritu at ibang Ethereal Entities tulad ng mga elves at iba pa. The fact that ang Ethereal Plane ay nasa Mundo lang din natin, nakikita ng mga Spirits ang bawat galaw natin. So let us assume na hindi totoo si Lucia Joaquin pero ang ibang spirits ay nakikita tayo na kinakatakutan o ginagawang katatawanan ang katauhan ng isang multo, ano kaya ang maiisip nilang gawin to decieve and scare us more? Probably, ang mga Taong nagpapanggap bilang Lucia ay kanilang paglaruan. What's worst is kapag ang taong nagbabalat kayo as Lucia ay kanilang i-posses.
- ------------------------------------------------------------
Labag sa law of Heaven na ang spirits ay makipag interact o makialam sa buhay ng mga nabubuhay but there are instances kung saan maari nilang magalaw ang katawan o makapasok sa katawan ng isang Mortal.Una: Kapag ang Spirituality ng isang tao ay mahina. Sila ang mga tao na kadalasang mag-isa, mababa ang self-esteem at tahimik lamang. Dahil iniisip nila na mahina sila at wala silang silbi nagkakaroon ng pagkakataon ang mga Espiritu upang masakop ang katauhan nito dahil walang sapat na lakas ang taong ito upang labanan ang masasamang espiritung ito.
- ------------------------------------------------------------
Ikalawa: Kapag mahina ang consciousness natin. Tinaguriang Devil's Hour ang 3:00 am dahil ang katawan natin ay mababa ang depensa. Sa mga oras na ito madalas umatake ang mga Incubus at mga succubus. Madalas sa mga horror movie tulad ng Paranormal activity umaatake ang mga Espiritu sa mga bida.- --------------——--------------———-------------
Ikatlo: When we are inviting them. Hindi nila tayo magagalaw or mapapasok if hindi natin sila aanyayahan na mismo sila ang pumasok sa atin. So paano nga ba natin sila naiinvite. Syempre kaunaunahan jan ang Exorcism. Sa exorcism gumagamit ng mga ritual upang mag-summon ng spirits or devils. Halimbawa nito ay ang mga Medium na hinahayaang papasukin ang espiritu sa kanilang katawan upang makausap ang mga mortal.Ang pag gamit ng Spirit of the Glass, Ouija at spirit of the coin. Kahit hindi balak na magpasakop sa mga espirito ng mga gumagawa nito, mapapansin natin na once na ginagawa nila ito ay may mga insidenteng nagagalusan o nagagalaw sila ng mga spirito. Bakit? Simple lang, dahil sa pag invite nila sa mga espirito ay they let their spiritual guards down.
The same sa Law ng mga witches, hindi sila maaring pumasok sa bahay ng isang tao hangga't di sila inaanyayahan.
- ------------------------------------------------------------
Ikaapat: Pag-kwekwentuhan tungkol sa masasamang Espirit at Pagbibiro tungkol sa kanila. Though napakasimpleng bagay ngunit this excite them a lot. Maraming beses ko ng naranasan to. Kapag nakikita at naririnig nila na sila ang topic gagawa sila ng paraan upang mas mapansin sila in short magpapansin sila lalo. But not all the spirits will feel funny and happy as them being a topic yung iba naproprovoke or nagagalit na magiging dahilan upang i-posses nila ang katawan ng taong ginagawa silang biro. Saksi ako dito noong highschool ako, sa Bataan National High School noong 2nd year ako. Isang kaibigan ko sa kabilang section ang naposses dahil ginawa niyang biro ang possession ng espiritu.
Kaya ang mga tao sa FB na ginagawang katatawanan si Lucia Joaquin, I suggest na itigil niyo na ang kalokohan niyo. Kahit hindi totoo si Lucia ay maaring ibang espirito ang magbigay buhay sa kathang isip na Multo sa FB na ito. Who knows, ang ibang ginagawang trip si Lucia ay napaglalaruan na pala ng mga espiritu sa oras na ito.
---------
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY
HorrorMahilig ba kayong magkwentuhan ng nakakatakot? Pinag uusapan nyo ba SILA? Kung oo, para sa inyo ang kwento na to. © spookify