Caution

1.8K 21 7
                                    

Hindi man nga siguro lahat, pero nakarinig na tayo ng mga nakakatakot na mga kwento na sadyang di tayo pinapatulog sa gabi. Maaring hindi nga ito totoo, pero sa utak natin, nagple-playback pa din yung thoughts at yung utak natin ay nagi-imagine ng kung ano-anong mga nakakatakot na sitwasyon o itsura ukol sa kung ano ang iniisip natin. At kahit nga hindi naman totoo ang mga kwentong ito, harapin na natin ang katotohanan na kaya ito nagiging viral sa social media ay dahil mahilig tayo sa mga nakakatakot na bagay.

Isa na nga siguro rito ang Urban Legend sa Facebook na naging viral at nagkaroon ng napakaraming share sa nasabing social media site. Si "Lucia Joaquin". Kung peke man at haka-haka lamang ang kwento, tinakot pa rin nito ang maraming netizens. Ipinost nga ni Facebook user Enzo Cruz ang litrato ni Lucia kasama ang isang kwento na sadyang mapapatayo sa ating mga balahibo.

Ang kwento ni LUCIA JOAQUIN

Nagising si Enzo ng mga 3:00 am dahil gusto nyang umihi. Pagtapos nito, bumalik sya sa kanyang higaan. Naiwan nyang bukas ang ilaw kaya naman tumayo syang muli upang patayin ito.
Pero nung bumalik na sya sa higaan nya, hindi na sya makatulog. Napagdesisyunan nyang sumilip muna sa Facebook upang magpa-antok. At dun na nga nagsimula ang karanasan nya sa babaeng nagngangalang Lucia Joaquin na nagsend ng PM sa kanya.

Lucia Joaquin: Hi.

Enzo Cruz: Hello.

Lucia Joaquin: Kuya, pwede po ‘bang makipag-usap?

Enzo Cruz: Ha? Tungkol saan?

Lucia Joaquin: Kahit na ano po. Wala po kasi ‘kong makausap. Nalulungkot po ako.

Enzo Cruz: Ganun ba? Bihira lang kasi ‘ko makahanap ng kausap sa mga oras na ‘to. Karamihan sa mga friends ko tulog pa.

Lucia Joaquin: Bakit po kayo gising na?

Enzo Joaquin: Actually, nagising lang ako. Nagpapa antok lang ulit ako kaya napa facebook lang.

Lucia Joaquin: Hindi kaya kuya kaya ka nagising eh dahil may gumising sa’yo?

Enzo Cruz: Ha? What do you mean ate?

Lucia Joaquin: Wala po kuya. Nga pala kuya ang pogi mo. Nung Nakita nga kita, nagkagusto ako agad sa’yo eh.

Enzo Cruz: Ha? Nakita saan?

Lucia Joaquin: Dito sa mga pictures mo. Tinitingnan ko kaya ngayon.

Noong sinabi ni Lucia na tinitingnan nya ang picture ni Enzo, tiningnan din ni Enzo ang profile ni Lucia upang icheck din yung pictures nito. At may napansin itong kakaiba.

Enzo Cruz: Bakit walang laman ang Timeline mo?

Lucia Joaquin: Kakagawa koo lang po kasi ng Facebook ko eh.

Enzo Cruz: Tapos yung profile pic mo, ang dilim ng picture?

Lucia Joaquin: Madilim po kasi dito sa kuwarto eh.

Enzo Cruz: Wala bang flash ang camera ng cellphone mo?

Lucia Joaquin: Meron naman po.

Enzo Cruz: Gamitin mo para malinaw ang picture.

Lucia Joaquin: Sige po. Nga pala kuya gawin kitang close friend Dito sa Facebook ha?!

Enzo Cruz: Sure. Sige.

Lucia Joquin: At dahil, close friend na kita, dapat magkaron tayo ng litrato na magkasama tayo.

Enzo Cruz: O Sige payag ako, Kapag nagkita tayo, pa-picture tayong dalawa.

Habang nakikipagusap sa messenger, naramdaman ni Enzo na tila nag-vibrate yung phone nya. Nung ni-unlocked nya, biglang nag flash (na para bang kinuhaan sya ng picture). Nasurpresa pa sya nung nakita nyang wala namang messages o missed calls para magvibrate ito. Ibinalik nya ito sa lamesa at nakipag usap muli sa messenger.

Lucia Joaquin: Kuya, pwede bang malaman kung ilang taon ka na po?

Enzo Cruz: Sa tingin mo? Ilan?

Lucia Joaquin: Siguro mga 18? Haha

Enzo Cruz: Binobola mo naman ako eh.

Lucia Joaquin: Hindi kuya yun ang tingin ko sa’yo dito sa picture mo.

Enzo Cruz: O sige na nga, thank you. Pero sa totoo, 25 na ‘ko eh.

Lucia Joaquin: Wow! Mukha ka talagang bata kuya.

Enzo Cruz: Salamat ulit. Eh, Ikaw ba Ilang taon kana?

Lucia Joaquin: Anong hula mo kuya?

Enzo Cruz: Mahirap hulaan eh. Ang dilim kasi ng kuha mo dito sa Profile Picture mo.

Lucia Joaquin: Gano’n ba. O sige kuya sandali at maglalagay lang ako ulit ng bagong picture.

Enzo Cruz: Oh, Sige.

Lucia Joaquin: O, ayan kuya, nakalagay na ako ng bago, check mo nga.

Enzo Cruz: Sige Tingnan ‘ko sa account mo.

Agad tiningnan ni Enzo ang timeline ni Lucia nanindig ang mga balahibo sa nakita. Nakita nya sa litrato si Lucia na nakangiti —katabi ni Enzo.

Actually medyo scary absolutely totoo yung sinasabi na "3 AM" kapag nagising ka at hindi ka na ulit makatulog o inantok.
Bakit nga ba? Kasi kapag nagising kayo ng ganung oras ibig sabaihin may kasama kayo o may gumising sayo na hindi mo alam.
Para sa kaalaman ng lahat, ang 3 AM ay "Witching Hour".  Ang witching hour ay terminong ginagamit sa mga paniniwalang ukol sa kulto na tungkol naman sa oras kung saan nagpapakita ang mga nilalang katulad ng mga witch, demonyo, at mga multo ay nagpapakita.

—Caution

SPOOKIFYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon