-1-

501 7 0
                                    

Ciane's Pov

Kakauwi ko pa lang galing hospital at dederecho ako kaagad kina Alexis.

Bumuntong hininga ako.

Pagod na pagod na pagod na ako sa totoo lang. Physically hindi pa ako gaanong pagod pero emotionally, I am. Hindi ko kayang nakikita ang kapatid ko sa hospital na sinasaksakan ng kung anu-ano para lang mabuhay. Naaawa ako sa kaniya gayon ang bata bata pa niya para maranasan ang lahat ng paghihirap na ito. Kung sana ako na lang ang nahihirapan at hindi siya. Tinigil ko muna ang pag-aaral ko para mabantayan siya 24 hours.

Kung sobra akong nahihirapan paano pa kaya ang mga magulang ko. Araw gabi nagmamalimos sila para sa puso ng kapatid ko. Pero hindi ganuon kadali makahanap. Minsan nga sumagi sa isip nila ang gumawa na lang ng illegal pero pinigilan ko ito. Oo, gusto kong mabuhay ang kapatid ko pero hindi sa maling paraan.

Wala ni isa sa pamilya ko ang may match sa puso ni Gabriel. Hindi ako nakasabay nun sa kanila kaya nahuli ako. Bukas makalawa ko pa malalaman ang resulta.

Nang makarating ako sa tapat ng gate nina Alexis ay nakita ko kaagad si Manang sa labas.

“Manang, andiyan po ba si, Alexis?” tanong ko sa kaniya.

“Ah... Nasa kwarto niya, hija.” nag-aalangan na sabi niya.

“Okay po, puntahan ko lang po siya.” akmang lalakad na ako ng.

“HUWAG!” sigaw niya at ikinagulat ko ng sobra. “Kumatok ka muna, hija bago ka pumasok.” sabi niya at tumango na lang ako.

Ang weird niya ngayon ah. Naglakad na ako patungo sa kwarto ni Alexis. Si Alexis ang boyfriend ko. Matagal na kami almost 2 years na rin, nakilala ko siya sa coffee shop na ka-school mate ko rin pala. Mabait siya. Maalagain. Kilala siya ng pamilya, legal kaming nagsasama wala namang problema sa mga pamilya namin basta huwag lang daw pababayaan ang pag-aaral. Mapagmahal siya, sweet, topakin minsan, gwapo at higit sa lahat mahal niya ang kapatid ko na si Gabriel. Inaalagaan niya ito kapag nakatulog ako sa hospital o di kaya naman pinapatawa niya ito kapag malungkot siya. Ang swerte ko sa kaniya dahil kahit pagod na siya sa eskwelahan ay may oras pa siyang bisitahin ako at ang kapatid ko sa hospital.

Nasa tapat na ako ng kwarto niya. Kinatok ko ito.

*knock knock*

Pangalawa ko ng katok pero hindi parin niya binubuksan. Nandito ba talaga siya? Tulog ba siya?

*knock knock*

Kumatok ulit ako. “Alexis, nandiyan ka ba?” tanong ko na sa may pintuan. Nilapit ko ang tenga ko kasi parang may naririnig akong kakaiba sa loob. Mga paa?

“Sandali lang, Ciane!” rinig kong sabi niya.

Maya maya pa ay bumukas ang pintuan at nakita ko ang pinagpapawisan niyang mukha at katawan.

“Okay ka lang?” tanong ko sa kaniya. Taas baba ang hininga niya na tila hinihingal. Lumingon siya sa kwarto niya kaya napalingon din ako doon. Nakakita ako ng isang manipis na damit sa gilid ng kama niya. Magulo rin ang ayos ng kaniyang kama. May ginagawa ka ba, Alexis?

“Tara, Ciane kain tayo.” sabi niya saka sinara ang pinto at hinila ako pababa. Nakahubad parin siya.

“Ya, pahanda ng pagkain.”

Umupo kami sa upuan. Binaba ko ang bag ko at sinandal ang ulo sa likuran ng upuan at pumikit. Pagod? Oo, pagod ako. Lalo na ngayon na parang may iba kay, Alexis.

“So, sinong nagbabantay kay Gabriel?” tanong niya.

Minulat ko ang mata ko ng marinig ang sinabi niya.

Walang HangganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon