Third Day

6.2K 58 6
                                    

I woke up early again. Eventually, I didn't know kung nakatulog ba talaga ako. Iniisip ko pa lang na 'this is gonna be the end of our what-so-called relationship' ay feeling ko lugmok na lugmok na ako. Mahirap lang kasi talaga iwasan ang nakasanayan. It feels like na parang hindi ko na 'to mararamdaman ulit. Is it possible right? The first and last thingy. Masisisi niyo ba ako? Morning, lunch, hapon and evening. Lahat ng oras ay kausap ko siya. Then now? Mawawala na lang ito na parang wala na lang talagang nangyari. It hurts. So much.

I texted Candice. I told her my morning greetings and then I also told her na magreply siya kapag gising na sila Brendt.

*New message received*

"Maria bakit? Tulog pa sila."

Me: "Okay lang. Mamaya na lang. Matulog ka na din muna, anong oras pa lang oh." yes, wala pa ngang 6 ng umaga oh.

"Hindi na ako inaantok eh. Lamig kasi. Uuwi na din siya mamaya eh. Family niya naman kasama niya."

Me: "Ganoon talaga. May time sa friends then next naman of course sa family. Pero okay lang yan, magkikita pa naman kayo."

"Magkikita nga. Pero 'di ako sanay na hindi siya kasama. Tagal nun eh."

"Gising na si mayor. Uuwi na daw siya."

Ayaw ko siya kausapin or replyan man lang. Ayaw kong mabasa ang text niya na magpapaalam na siya for real. Hindi ko kaya. Pwede pa bang i-extend yung araw? Dati kasi yung 'bye' niya ay pansamantala lang, saglit lang ganun, pero, samantala ngayon, 'permanente' na ata. Sana hindi. I hope it's not the end for us.

Sakit sa puso. Maluluha ka na lang talaga. Nakakainis. Okay naman na lahat eh. Bakit pa 'to dumating? Iniisip ko na lang ngayon na 'everything happens for a reason'. Yes, tama! Iyon na lang iisipin ko. Be positive.

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Hanggang sa pagtulog ko pa din ba 'masakit pa din sa puso?'. Hanggang sa pagtulog ko ay may nakikita akong tao na namamaalam sa akin. Hindi ko maaninag kung sino siya pero masakit lang talaga isipin na feeling ko siya si Brendt. Si Brendt na mahal ko. Si Brendt na baliw. Si Brendt na sweet. Si Brendt na napakabait. Si Brendt na kinakantahan ako. Siya ang nagbigay sakin ng dahilan kung bakit simula ngayon ay 'I hate goodbyes'.

Pagdilat ko ng mata, mamasa-masa ang mata ito. Natutulog na lang nga ako ay umiiyak pa pala ako? Aww. Ayaw kong buksan ang phone ko. Sa kadahilanan na, mababasa ko na ang liham ng pamamaalam ng aking mahal para sa akin. But still , I do not have a choice, right? I need to do it.

"Maria uuwi na ako. Mag-iingat ka ah? Study hard. Kumain ka. Wag kang magdiet. Usap na lang kayo ni Candice 'pag may time kayo. Thank you. Thank you. Keep safe. GODbless. Lovelots. Bye."

At dahan-dahan nang nawawasak ang aking puso. Sana ay mabuo pa siya. Sana. Wala nang 'i love you' napalitan na ng 'lovelots'. Opo, hindi na ako magdi-diet. Hindi na po ako magpapa-abs. Kakain na po ako ng maayos. Magi-ingat po ako, ikaw din. Wala na akong balak magreply sa kanya. Ayaw ko na. Ang sakit sakit. Sobra

*Another text message*

"Tulog ka na ata. Pasensya na ah? Ingat."

Yes, nakatulog ako noong mga panahon na tinext mo sa akin 'to. Pero alam kong umalis ka na kasi anong oras na. So para saan pa kung rereplayan kita 'di ba? I dont want to say goodbye to you. Mahal kita eh at alam kong hindi pa naman  ito ang huli.

I texted Candice na ayaw ko siyang replyan kasi ansakit kaya. Nag-usap pa din kami ni Candice about doon sa paghahatid nila kay Brendt sa NAIA. Hindi daw makakasama si Candice kasi may family outing sila so sila Sean na lang daw ang maghahatid. Is it for real? I hope it's not. Please?

Three Perfect DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon