Chapter 1

9 0 0
                                    

"HOOOOYYYYYYYY GISING NA!!!!!"

Agad naman akong napabangon ng dahil sa lakas ng sigaw ng Bestfriend ko.

"Ano bayan! Kainis ka naman Shen eh,ang sarap pa ng tulog ko, paepal ka "naiinis kong sabi habang ginugulo ko yung buhok ko.

Ayaw na ayaw ko talaga yung ginigising ako ng maaga eh .

"Aba ikaw pa may ganang mainis ha,hoy para ipaalam ko sayo ikaw magluluto ng agahan ngayon kaya bilisan mong kumilos jan baka malate pa tayo! First day na first day malalate tayo ,mahiya ka naman oy" sermon niya habang hinihila ako patayo.

"Oo na,bitiwan mo na ako" sabi ko sabay hila ng kamay ko mula sa kaya.

"Good ,sige na maliligo muna ako" sabi niya sabay labas ng kwarto ko .

Pagkatapos kong ayusin yung higaan ko eh bumaba na ako para magluto.

Magpakilala muna ako sa inyo habang nag luluto .

Ako nga pala si Xyra Yu ,half korean ,16 years old ,at yung bestfriend ko naman ay si Shen Lee ,half korean ,16 years old din .
Nakatira kami sa iisang bahay, magbestfriend na kami mula nung sinilang kami ng aming magbestfriend din na Mommy .
Pareho kaming may kaya sa buhay ,magka business partner yung mga mommy namin .
Pareho na kaming walang daddy,yung daddy ni Shen patay na, samantala yung daddy ko naman missing in action inshort di namin alam kung asan na siya .
Magbestfriend din kasi yung daddy namin ni Shen ,parehong Korean yung daddy namin.
Mahaba yung story kung pano namatay daddy ni Shen at pano din nawala daddy ko .
Kaya next time ko nalang ekwekwento .

"Shen,tapos ka nabang maligo jan?" Tanong ko kay Shen.

Magkalapit lang kasi yung kusina tsaka banyo namin.

"Oo ,teka lang magtotowel muna ako" rinig kong sabi ni Shen.

"Ok, una nakong kumain ha?" Paalam ko sa kanya. Luto na kasi yung niluto ko .
Eggs ,chicken loaf and rice lang yung breakfast namin kaya madali lang talaga maluto tong mga to.

"Osge,para pagkatapos mong kamain maligo kana ,ako naman yung kakain,and please lang Xyra dalian mong maligo ha?" Sabi niya na kakalabas palang ng banyo ,amoy na amoy ko yung shampoo na ginamit niya.

"Oo na ,at hoyy shampoo ko ba ginamit mo?" Tanong ko sa kanya ,alam na alam ko kasi amoy ng shampoo ko .

"Ahehehe oo ,ubos na yung sakin eh .Ge na kumain kana jan" sabi niya sabay takbo papuntang kwarto niya.




Nasa school na kami ni Shen. Buti nalang talaga di kami na late,hahanapin pa kasi namin yung mga classroom namin.
Alam nyo na kapag first day of school, titingan mo pa yung bulliten board ng school nyo para hanapin kung san classroom ka na bibilang ,at nakakapagod yun kasi tudo siksikan kami sa sobrang dami  ng studyante na naghahanap din ng mga classroom nila.

"Aray ko naman" daing ko ,yung paa ko kasi natapakan ng isang estudyante.

"Bestfriend ok kalang?" nagalala na tanong ni Shen.

"Ok lang ako ,yung paa ko kasi natapakan" sabi ko ,habang sinamaan ng tingin yung likod ng estudyante na nakaapak ng paa ko.
At ang hinayupak di man lang ako tinapunan ng tingin.

"Sino naka apak sayo Xyra? Turo mo sakin" naiinis na sabi ni Shen .
Kaya lab na lab ko tong Bff ko eh ,napakacaring kasi niya sobra.

Agad ko namang tinuro yung lalaki na nakaapak sakin.

"Siya,tara labas muna tayo dito , wag mo ng patulan yang lalaking yan." sabi ko sa kanya sabay hatak ng kamay niya ,susugurin na niya kasi yung lalaki eh.

Ang war freak kaya ni Shen, baka mapano pa niya yung lalaki.
Ayaw ko ng gulo no ,first day na first day baka maguidance pa kami.

"Nako di pwede yun Xyra ,bitiwan mo kamay ko bilis, naiinis  din ako sa lalaking yan ,tinulak din niya ako kanina ,kaya papatulan ko nayan " sabi niya ,binitiwan ko naman yung kamay niya.

Naiinis na kasi ng sobra si Shen. So may kasalan din pala kay Shen yang lalaking yan.
Buti lang din sa kanya na awayin siya ni Shen no ,para fair.

Ok ang sama ko XD .

"Hoy lalaking naka jansport na kulay blue namay hikaw sa kaliwang tenga , tumingin ka sakin !!" sigaw ni Shen ,ayan sumabog na si Shen ,lagot talaga yang lalaking yan.

Agad namang humarap samin yung lalaki.

What the!

Ang cold ng mga mata niya.

Nakita ko naman na napatigil din si Shen . Nacocoldan din ata sa mata nung lalaki .

"Bakit?" Cold na sabi nung lalaki .

Grabe sa north pole ba pinanganak tong lalaking to ..

Ang cold niya sobra.

Ang dating maingay at siksikan na Estudyante eh natigilan din .

"Ahhm ,w-ala s-orry sa abala" nauutal na sabi ni Shen .

"Tsk" sabi nung lalaki sabay alis, agad naman akong napulunok nung dumaan siya sa gilid ko.

Grrr. So cold

Pag kaalis nung lalaki eh balik naman sa maingay at siksikan yung mga estudyante.

Nagkatinginan kami ni Shen ,sabay bulong ng 'Cold guy' .

"Excuse me ,anong pangalan nyo ? Ako nalang maghahanap ng mga names nyo ,alam ko kasing nahihirapan kayo sa siksikan dito" narinig naming sabi mula sa likuran namin.

Agad naman kaming tumingin sa likuran namin .

O_O

Yan yung mata namin ni Shen .

Omaygosh ulit.

Ang pogi niya 😻.

"Erhm,keme be esti kami ba kausap mo?" Tanong ni Shen.

Napatawa ako ng mahina ,grabe ang pabebe ni Shen.

"Ah yes ,so ano name nyo?" Tanong niya ulit .

"Ahm , Xyra Yu at Shen Lee" sabi ko

"Ok ,wait lang " sabi niya sabay alis papuntang bulliten board .

Agad naman kaming nagkatinginan ni Shen sabay impit na tumili .

"Grabe Shen ,ang daming nangyari dito ,una yung Cold guy ngayon naman yung Pogi guy kyaah" impit kong tili.

"Oo nga Xyra eh ,wait wag ka munag tumili jan , parating na si Pogi " sabi niya.

Agad naman akong tumigil ,nakakahiya kaya kapag nakita niya akong kinikilig no.

"Ang bilis mo namang bumalik ,pano mo nagawa yun?" Fc kong sabi .

"Secret nalang yun,ahm nakita ko na name nyo 4-A ,classmates tayong 3" sabi niya sabay ngiti.

Agad naman akong kinurot ni Shen sa likod.
Kinilig ata to ,pesti ang sakit nung kurot niya ah.

"Ah ganun ba,salamat sa tulong---" Pinutol naman ni Pogi yung sasabihin sana ni Shen.

"Drex, I'm Drex Park,nice to meet you two ,cge una na ako ,see u nalang sa classroom. May ipapasa pa kasi ako sa faculty. Bye" sabi niya sabay Alis.

"Bye" sabi ni Shen.

"Grabe talaga tong araw nato ,tara na nga Shen baka malate pa tayo" sabi ko sabay hila kay Shen na kinikilig parin.

~~~~~~~~...~~~~~~~

A/n:

So musta? Baduy or boring Hahahahaha .
Ang OA hahahahaha.

(If meron man nagbabasa nito 😅)

My Cold And Bad Boy GANGSTERS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon