Chapter 2

2 0 0
                                    

Xyra's POV:

Andito na kami ni Shen sa classroom, nakaka-inis kasi di kami magkatabi ng upuan.
By surname kasi yung seating arrangement namin.
Ang layo namin ni Shen sa isa't isa ,L kasi yung sa kanya yung sakin naman Y ,diba ang layo?

Wala akong maka-usap kasi tulog yung katabi ko. Ako kasi yung nasa pinaka huling upuan ng classroom namin kasi nga Y yung surname ko ,wala atang Z na surname dito samin eh .Kaya wala talaga akong maka-usap maliban dito sa natutulog na lalaki.
Grabe naman tong lalaking to ,first day ng pasukan tulog agad.
Iba na talaga kapag tamad.

Hmm , describe ko siya para sa inyo.

Medyo magulo yung buhok niya na may pagka brown ,may earnings na kulay itim.
Speaking of earnings ,naisip ko agad si cold guy.
Di kaya si Cold guy to O_O .Nako wag naman sana.

"Stop starring at me" sabi nung guy na natutulog.

Ohh shit ,nakakahiya naman .In fairness ha  ang lakas  ng radar niya .Nahuli niya tuloy akong tumingin sa kanya.

"Sorry" nahihiya kong sabi .

Agad niya namang tinaas yung ulo niya.

O_O

Oh shit .

Si cold guy nga.

Tumayo lahat ng mga balhibo ko nung tumingin siya sa mga mata ko.
Agad ko namang iniwas yung mga mata ko mula sa kanya.

The hell,anong klaseng mata meron siya?

"Name?" Malamig niyang tanong .

"H-ha?" tanong ko.

"Tss, Anong pangalan mo?" Sabi niya ulit .

"I-i'm Xyra,i-ikaw?"

"None of your business" sabi niya sabay subsob ulit ng ulo niya sa lamesa.

Ewan ko ba kung maiinis ba ako sa kanya or what.
Sinagot ko ng mabuti yung tanong niya ,tapos ako ninone of business niya lang.
Walang kwentang kausap to eh no?

Di ko na ulit siya tinignan ,baka mahuli niya ako ulit .Nakakahiya yun no.

Patingintingin nalang ako sa room namin upang suriin kung anong klase room meron kami ng agad namang umingay yung room namin.

"Kyyaaaaahhh" tilian ng mga classmates kong babae nung pumasok si Drex.

See kahit wala pa siyang ginawa kinilig na lahat ng mga babae ,pano nalang kaya kung ngumiti siya gaya nung ginawa niya samin ni Shen . Laglag panty siguro tong mga classmates kong babae . Hahaha joke

Nakita ko namang umupo siya sa bandang likuran ni Shen.
Kinikilig siguro yung bruhang yun hahahaha.

Agad namang tumahimik yung classroom nung may pumasok na lalaki na may dalang upuan.

Para siyang Gangster base palang sa suot niya.

Instead kasi sa slacks eh yung parang may hiwa sa tuhod na jeans yung suot niya , naka bukas yung polo niya kaya kita yung panloob niyang t-shirts na kulay black , yung necktie niya nakasabit lang sa leeg niya , airmax yung shoes niya instead ticktock shoes.

Seriously? Pano nakapasok tong lalaking to?

Di siya mukhang studyante sa itsurang yan eh.

Agad namang nanlaki yung mga mata ko nung nakita kong papunta siya sa pwesto ko .

*BOGGGSSSSHHHH*

Napatakip ako ng tenga dahil sa sobrang lakas ng paglagay ng upuan niya sa gilid ko . So debale nasa gitna ako ni Cold guy at ng lalaking to.

Agad namang nagsitinginan lahat ng mga kaklase namin sa kanya.

"What? Ngayon lang ba kayo nakakita ng Gangster ha?" Maangas na sabi nung lalaki .

Agad naman silang nagsiiwasan ng tingin.

Seriously? Takot sila sa lalaking to?

"Excuse me lang maangas na lalaki ha, di mo ba ako nakikita? Kung makalagay ka ng upuan kala mo naman walang tao sa tabi mo,di mo ba alam na masakit sa tenga yung ginawa mo ha?" Naiinis kong sabi sa kanya.

"I don't care" sabi niya sabay smirk.

What the? Iniinis ba ako ng lalaking to?

"Could you two stop quaking like a duck? It's so annoying." malamig na sabi ni Cold guy.

Nagising na pala to.

"Pre,wag mo kong Englishin ha! Makakatikim ka talaga sakin ,kami mukhang Pato? Siya oo (sabay turo sakin) ,pero ako? Aba putang*na ka pala eh,eh ikaw ano tawag mo sa sarili mo ? Baboy na mahilig ma- booggssshh" di na natapos yung sasabihin sana ni Maangas dahil sinuntok siya ni Cold guy.

Goosshh..!

Kung di sila pinigilan ng mga lalaki naming classmates eh baka  may rambulan na nangyari dito sa classroom namin.

"Just so you know,I'm a gangster too,you Asshole" malamig na sabi ni Cold guy kay Maangas sabay labas ng classroom .

Seriously? I'm between with the Two Gangsters?

~~~~~~......~~~~~

A/n:

Ang hirap pala magsulat ng Gangster story . Gosh.

3-31-2017

My Cold And Bad Boy GANGSTERS Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon