CHAPTER 1

7 0 0
                                    

"Jinx tulungan mo naman ako. Hindi ko na keri yung mga bata eh. Ikaw na lang magturo." Pakiusap ni Peter.

May dance competition kasi sa bayan nila at sya ang naatasang magturo sa mga pambato ng sitio nila. Kaso hindi sya gaano matyaga sa bata kaya lagi na lang sya nagrereklamo sakin. Oh yeah, may pagka-beki din sya. Pero feeling ko echos lang nya yun. Uhmp.. Anyways.

"Gagi ka bakla. Alam mo namang may tinuturuan din ako. Tsaka ang layo kaya ng bahay nyo."
Ang bakla ko din magsalita. Nahahawa na ko sa kanya kasi.

"Sige na besh. Bigay ko na lang sayo kalahati ng T.F ko. Maawa ka naman sa beauty ko. Nalulusaw na konsumisyon sa mga batang yun."

"Hay naku ka talaga. Bakit kasi tinanggap-tanggap mo pa? Tsaka bakit kasi may bata sa team nyo?"

"Cute daw kasi. Cute lang naman kapag natuto ng ayos. Eh hindi naman marunong sumunod. Ahay naku girl. Utang na loob tulungan mo na ko."

Halos lumuhod na si Bakla sa magmamakaawa. Naka-plaster na ata yung haba ng nguso, pwede na nga sabitan ng kaldero. Hahaha.

"Ahay. Sige na nga. Pero ikaw bahala sa service ko. Lam mo naman. Bawal na mag-drive ang lola mo."

Long story short kung bakit hindi ako pwede magmaneho... Lage akong napapahamak dahil bulag na ko sa gabi at lagi kong nakakalimutan ang salamin ko. So yun, most of my accidents sa gabi nangyayari. Tapos kung pupunta pa ko sa kanila para magturo, siguradong gagabihin na ko pag-uwi dahil sa kabilang bayan pa yung sa kanila.

"Don't worry girl. Ako bahala sayo. Tsaka pwede ka namang matulog sa bahay. Sabihin ko na lang kay mudang na friend kita."

"Luh! No way. Dalawang linggo pa lang tayo magkakilala ibabahay na agad? Baka lang reypin mo."
Asar ko sabay kindat. Hahaha

"Haaaa. Over my sexylicious, bootylisious body 'no. Hindi kaya kita bet. Tsaka girl, hindi tayo talo."

Bwisit na baklang 'to. Nilait lang beauty ko. Haha. Kaloka!

"Choosy ka pa ahh. Tsaka malay ko ba kung ialay mo ko? Alam mo na. Yung pinapatulog tapos ako pala yung lulutuin nyo at kakainin."

"Aswang lang ang pegg. Hayy naku! Tigil-tigilan mo na kasi ang panunuod ng horror films. You're watching way to much of it. Tsaka girl naman. Masyado akong yummy para maging halimaw sa banga."

Beh bakla ka sa banga. Hahaha.

"Eh di ba mostly ng mga aswang ngayon yummy talaga kasi they're eating human flesh?"

"Girl virgin's heart lang naman ang may youth churva sa kanila. And if I know, you're no longer a virgin. Hahahaha"

"Pakteyp kang bakla ka. Pano mo naman nalaman?"

"Ayy naku girl. Amoy kita. Hindi na sariwa."

Babatukan ko na 'to ehh.

"Ayy grabe sya sakin oh. Hindi kita tulungan dyan."

"Luh! Sino kayang nagsimula?"

"Psh! Oo na. Oh what time tayo bukas?"

"Anong oras ka ba pwede?"

"Mga 3pm. Tapos ko ng turuan yung tatlong batch kong estudyante nun."

"Grabe naman girl. Pinakyaw mo na naman pala eh."

"Ganun talaga. Para sa ikauunlad ng bayan."

"Ay ganun ba? Bat hindi ka tumakbong presidente sa susunod na eleksyon?"

"Iniisip ko na nga yun eh. Kaso may multo sa Malacañang kaya wag na lang."

"Haha! Lakas mo manuod ng horror tapos takot ka pala sa multo."

Wala Nga Kasing ForeverWhere stories live. Discover now