CHAPTER 3

1 0 0
                                    

"Girl ano nga kasing nangyari sa inyo kagabi? Bakit pareho kayong malaki ang eyebags? Nag-momol kayo 'no? Uhmmm. Umamin!"
Pang-aasar pa ni Peter.

Nasa studio na ulit ako at nasa kalagitnaan ng pagtuturo nung dumating sya. Pagpasok pa lang sa studio hanggang sa makapagpahinga ako, kinukulit nya ko kung ano bang nangyari samin ni Lia nung nasa kanila ako.

"Eh bat hindi mo tanungin yung kapatid mo? Kayo naman ang magkasama sa bahay."

"Hindi naman nagkukwento yun eh. Eh di ba nga sa sobrang malihim nya hindi namin alam na naging kayo pala?"

"Sus! Nagsumbatan lang kami kagabi. Hindi ko napigilan yung sama ng loob ko eh."

"Trulalu? Grabi naman kayo. Pero in fairness huh, hindi namin rinig."

"Malamang, mas napigilan ko pa yung lakas ng boses ko kesa sa sama ng loob ko ehh. Ay naku bakla! Pwede ba wag na natin pag-usapan. Ayoko na nga isipin eh."

"Ay naku girl. Mahal mo pa si Lia 'no. Umamin ka? Hindi ka naman magkakaganyan sa kanya kung wala ka ng feelings."

Obvious ba? Sus naman Peter.

Hindi na ko sumagot. Isinubo ko ng buo yung siopao na binili nya para hindi na nya ko pilitin magsalita.

Maya-maya sinundo na yung mga estudyande ko. Isang parang kaedad ko lang na babae, 5'4ft sa tantsa ko ang height ang lumapit samin.

"Hi Peter, kamusta ka?"
Sabi ni Ate Girl.

Mual pa ko sa siopao na pilit kong nginunguya. Binati din nya ko but since hindi nga ako makapagsalita, tumango na lang ako.

"Ok lang naman. Ah ikaw ba?"

Wow-wa-wee! Yung boses ni Peter nagbago from very gay to super macho. Nanlaki nga yung mata ko. And damn! Super sexy nung deep voice nya.

"Ahh. Bat hindi ka na nagtetext sakin? Hindi na din kita ma-contact!"

Tama ba 'tong nakikita ko? Lumalandi si Ate Girl? Hindi ba nya alam na berde ang dugo ng kausap nya? Dafuq!

"Ganun ba? Sorry huh! Nawala kasi yung phone ko. Wala akong ginagamit ngayon. Nakikihiram lang ako kay Lenon."

"Ahh. Oh sige. Text mo na lang ako kapag may phone ka na ulit. Yun pa rin naman number ko. Sabihin mo lang kay Lenon at alam na nya yun. Sige, una na kami!"

Nagpaalam din naman sila sakin pero shit! Ano yun? Aba! Aba! Aba!

Natapos ko din nguyain yung kinakain ko at binagyo ko ng tanong ang sinungaling at mapaglihim na si Peter.

"Hoy bakla! Ano yun?"

"Alin ang ano?"

Maang-maangan si bakla. Nawala na din yung deep-sexy-voice nya.

"Ayun! May paiba-iba ka pa ng tono ng boses huh. Tsaka bakit sinabi mong wala kang phone? Eh ayan yun phone mo oh."

"Tsk! Ihhh. Wag mo na muna ko kulitin. Malalaman mo din. Hopefully nga lang, sa magandang paraan."

"Ikaw bakla ang dami mong nililihim sakin ahh."

"Wala akong nililihim sayo. Sadya lang na hindi pa natin kilala ang isa't isa ng tuluyan. Tignan mo nga hindi mo sinabi sakin na si Lia pala yung tinutukoy mong ex na tibo."

Wow! Balik na naman tayo kay Lia. Palusot din ehh.

"Hoy tigilan mo ko bakla. Hindi ka naman nagtatanong kung sino yung ex ko eh. Tsaka malay ko bang Donoral ka. Eh Peter Karl lang ang pangalan mo sa fb."

Wala Nga Kasing ForeverWhere stories live. Discover now