CHAPTER 4

3 0 0
                                    

"Girl ok ka lang?"
Tanong sakin ni Peter tapos lumingon sya sa bintana.

Palagay ko nakita na nya yung tinutunaw ko sa tingin dahil napahagikgik sya ng konti.

"Tawa ka pa. Shit! Pwede na ba ko umalis? Nagsisimula na kong mangati eh."
Pagpaalam ko kay Peter.

"Sus! Selos ka lang eh. Ngayon mo i-deny na mahal mo pa si Lia."
Pang-aasar pa nito.

"Konti na lang bakla makakalbo na kita. Mang-asar ba naman!"

Alumpihit na ko sa kinauupuan ko dahil sa inis at selos.

(A/N: Edi umamin ka din na nagseselos ka. Hahaha!)

Mahal ko eh. Sino kayang hindi magseselos kung makikita nyang may kalandiang iba ang mahal nya?

(A/N: Eh bat hindi ka na lang kasi makipagbalikan kay Lia para tapos ang usapan?)

Para ano? Para gaguhin at saktan lang ulit? Malinaw namang panakip-butas lang naman ako at nakikita nya lang kapag may kelangan sya o wala syang magawa.

(A/N: Bitter mo girl.)

Nagpapakatotoo lang.

Sa totoo lang mas may convo pa kami ni Otor kesa ni Lia eh.

"Girl! Ano? Nganga ka na lang dyan. Tara na nga ng dun. Pati ako na-eemo na sayo eh."

Hinila ako ni Peter sa labas sa umupo kaming magkatabi at katapat nila Lia at ni Oh-so-flirty na si Ely. The hell, bawing-bawi sa badtrip yung sobrang saya kong mood kanina ahh.

Binigay sakin ni Peter yung mic at pinapili ng kakantahin.

"Ayoko! Mamaya na lang."

Sabay bigay ng mic sa iba.

"Oh tumagay ka na lang."

Kakatapos lang nyang tumagay tapos pinasa na yung shot glass sakin.

"Ano yan? Tagay elementary? Taasan mo naman."
Pagrereklamo pa nito.

"Malalasing ako agad eh. Uuwi pa ko."
Sagot ko naman.

"Anong uuwi? Walang uuwi ah. Hanggang umaga tayo dito."
Sabi naman ni Kuya Kristian.

Tinitigan ko ng masama si Peter para malaman nyang yari sya sakin pag hindi talaga ako nakauwi. Iniwasan naman nya ang tingin ko at tumagay ulit.

Parang ang bilis ng ikot dahil nasakin na naman ang baso.

Tinapik ako ni Kuya Aron, asawa ni Ate Kristel sabay sabing...
"Hoy! Kumurap ka naman. Baka matunaw yang dalawa na yan."

Kanina pa kasi akong nakatitig kela Lia at Ely.

"Alam mo nakakapagtampo ka."

Napalingon ako kay Peter nasaktong tatagay na ulit.

Yung totoo? Kami lang ba ni Peter ang nag-iinuman? Para kami lang dalawa ang nagtatagayan ahh.

"Huh? Bakit naman? Anong ginagawa ko sayo?"
Pagtataka ko naman.

"Eh kasi parang si Lia lang ang tao dito. Sya lang ang pinapansin mo eh."

Tama ba 'to? Nagseselos si Bakla kay Lia? Oh ako na naman 'tong assumera?

"Sus. Makapagsalita ka parang boyfriend kita ahh."

Wala Nga Kasing ForeverWhere stories live. Discover now