Schism of Hearts

68 3 4
                                    

[Abby's POV]

"Ano ba Abby!? Nakakainis ka na!" Aysus! Nagagalit na naman ang asawa ko.

"Sorry Jh-" di ko na natuloy iyong sasabihin ko. Hinigit na naman niya kasi ang kamay ko.

"Ouch Jhey naman! Buntis ako!" Sinunod naman niya akong sabunutan at hinarap sa kanya.

"Eh kaya nga eh! Buntis ka!!Pero nakikipaglandian ka! Bwisit ka!" Mas hinigpitan na naman niya iyong pagsabunot sa ken

/paak!/ nasampal na naman niya ako. Sobrang nahihirapan na ako.

"Huwag ka ngang umiyak! Kahit na anong gawin mo, di kita kakaawaan!" Wala na akong nagawa.

Iyang ginawa niya sakin? Parang daily exercise ko na. Sanay na sanay na ako. Namamanhid na nga ang buong katawan ko eh. Araw-araw na lang akong umiiyak. Pano nga ba nangyari tong lahat ng to?

{{Flashback}}

Masaya kaming couple ni Jhey noon. As in. Super maeffort siyang boyfriend. Iyong tipong babantayan ka pag may group projects kayo, kahit na walang occasion, binibigyan ka ng mga flowers, teddy bears, love-letters, at chocolates. Para na ngang flower shop at toy store ang kwarto ko noon eh. Hanggang sa isang araw, nabago ang lahat ng iyon. Nangyari ang isang pangyayaring hindi dapat nangyari. Hindi naman ako nagsisisi kasi alam kong blessing to from God.

Simu nun, halos di na niya ako kausapin, tandang tanda ko pa ang sinabi niya saken nun,

"Ano ka ba Abby! Mahal kita! Pero, sumosubra ka na, kung nagseselos ka sa mga impokritang umaaligid aligid sakin, sabaihin mo, hindi iyong magpapabuntis ka sakin para matali ako saiyo. Ganyan ka na ba kakati!? Ha!? Sinira mo ang buhay ko!"

Iyak lang ako ng iyak noon. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Parang pinipiga at hinihiwa ang puso ko noon.

Oo nga, sinira ko. Isa siyang heart throb sa school namin, ako? Kahit na mayaman kami, hindi ako nagmamayabang. Maraming nangahas na mangligaw sakin nun, pero si Jhey ang pinili ko. Tinamaan ako ni Kupido eh.

Siyempre, pag buntis, nagpapakita na ang mga senyales. Nahalata nila Mommy at Daddy. Ewan ko lng, I can't see any disappointment in their eyes. In fact, they were happy to have their first grandchild.

Pinagsama kami ni jhey sa iisang bubong. Pag nandiyan iyong relatives and friends ko, sobrang sweet namin.

Pero pag kami lang? Mahihiya ang North at South pole sa kalamigan ng pagtrato ng asawa ko sakin. Saksi ang mga katulong, guard, at driver namin diyan. Pero di sila umiimik. Pinipigilan ko kasi sila, baka may magawang karahasan ni Tito Robert/daddy ni Jhey/ sa kanya pag nagkataon.

Lagi siyang lumalabas. Pag nakarating siya sa bahay, lasing. Ako lagi ang pinagbubuntunan niya ng galit niya.

{{End of Flashback}}

Bumibigat na naman ang pakiramdam ko, kaya bumaba na ako para kumuha ng tubig. Pagdating ko sa kitchen, may nakita ako sa likod ng bay namin. Di ako maaaring magkamali.

Si Jhey iyon.

Kasama ang isang babae. Naghahalikan sila.

"Abby" tawag sakin ni Manang Cecilia ang katulong namin

"Po?"

"Hahayaan mo na lang bang ganyanin ka ng asawa mo?"

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano ba ako ni jhey? Tsk.

"Ah manang, pagod po ako. Kailangan ko na pong magpahinga."

"Osya, sige matulog ka na. Makakasama pa sa bata."

"Opo. Goodnight"

Pagdating ko sa kwarto, umiiyak na naman ako. Langhiyang mga luha. Kulang sa pansin.

Humiga na lang ako sa couch. Ayaw kong katabi si Jhey. Hinihimas ko iyong tiyan ko.

"Baby, magpakatatag tayo ha?"

Bumigat na ang mga talukap ng aking mata.

[Jhey's POV]

Dederetso na sana ako sa kwarto namin nang

"Jhey..."

Si Manang Cecilia pala. Akala ko multo.

"Bakit po?"

"Kaawaan mo naman iyang asawa mo. Hindi sa nanghihimasok ako pero sana naman anak, buntis siya. Kailngan niy ng mag alga sa kanya at ikaw lang ang makakgawa sa kanya niyan."

"Hindi nman po kasi ganun kadali iyon manang"

"Pag gusto Jhey, maraming paraan"

Tumango na lang ako at nag goodnight sa kanya. Pagod rin ako sa school kanina.

Pagdating ko sa kwarto, nakita kong nakahiga ang asawa ko sa couch. Binuhat ko siya napaka angelic ng mukha niya. Kung pwede lang maibalik ang nakaraan.

Bigla siyang umungol. Nakaka buhay ng "ano" tong asawa ko. Pero kahit n ganun diba junjun? Di pa rin kami bati

Inihiga ko na siya sa kama at tinabihan. Makaanak ka lang Abby, papahirapan kita sambit ko na lang at natulog na.

----------

Hii guuyytthhh! Bale, trip trip ko lang po to. You'll know the complete name of the characters if this'll reach 10 reads. Thank you! How is it? Haha! Thank you ang good luck na lang sakin.

Schism of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon