Desisyon Part I

16 1 0
                                    

[Abby's POV]

Nasa hospital kami ngayon. Nakakwas si Kuya sa truck pero si Jhey, nasa ICU pa rin. Maswerte kami kasi hindi man lang ako nagkagalos sa pag iwas ng kuya.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nangyari. Nakulong daw iyong dray er ng truck kasi lasing.

"Asan ang asawa ni Mr. Fonacier?" Sabi ng do,tor pagkalabas niya ng ICU

"Ako po doc. Kumusta na po siya?" Pinagpray kong sana okay na siya.

"Okay na siya. Ililipat na namin siya sa private room later. May mga galos siya sa latawan pero hindi naman masyadong malala. And, iyong right arm lang niya nagka fracture. Maswerte siya at hindi ang ulo niya ang napuruan sa lakas ba naman ng pagkabangga." Sabi niya.

"Thank you po." I said. He tapped my shoulder and walked away.

Umiiyak ako habang nakaupo sa lobby ng hospital. Hindi sana nangyari lahat ng ito kung lumaban ako para sa pamilya ko.

Kahapon, kinausap ako ni Tita Olivia. Sinabi niya saking pag daw hindi ko iiwan si Jhey ngayon, pababagsakin niya daw ang company ng pamilya namin. Alam ko kung gaano ka importane ang kompanyang iyon para sa pamilya ko. Kalakip nito ang legacy'ng iniwan ng mga lolo namin.

Ganoon na lamang ang pagmamahal ko sa mga mahal ko. Iniisip ko ang mga anak namin, oo. Lalaki silang walang kinikilalang ama. Pero pag pinagtuliyan kong suwayin si Tita Olivia, baka di lang ang pamilya namin ang madamay kundi lahat ng malalapit samin.

Makapangyarihan si Tita. Kaya niyang gawin ang lahat ng gusto niya. Ano ba naman ang laban ko kay Almira? Mas maganda ako pero mas may puri siya. Tss.

Pumunta muna ako sa room ni jhey. Baka ito na ang huling pagkakataon na mahahagkan ko siya. Baka ito na iyong huling pagkakataon na mahahaplos ko ang mukha niya. Wala na akong ibang gustong gawin kundi ang umiyak. Ang sakit. Ang sakit sakit isipin na wala ka manlang akong lakas na ipaglaban ang mga taong mahal ko.

Pinagmamasdan at kinakabesado ko ang features ng maamo niyang mukha. Napakaswerte ko sa kanya. Sa halos limang taon na pagpapadama niya ng pagmamahal sa akin ay masyado na akong nasanay na nandiyan siya. Siguro ay mahihirapan akong kalimutan siya. At mas mahihirapan akong tumigil sa pagmamahal sa kanya. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Napakalambo nun. Dinampian ko ng halik ang labi niya tsaka lumabas na.

"Umuwi ka na muna Abby." Sabi ni Tito Robert sakin.

"Hinihintay ko po si kuya Arvie." Tipid kong sagot.

"Ihahatid na kita. Makakasama sa mga apo ko kapag nagpupuyat ka. Pati na rin saiyo."

"Opo." Sabi ko na lang.

Pinaghintay niya ako sa entrance ng hospital atsaka ainundo ako pagkakuha niya ng sasakyan sa parking lot. Carbon copy ni Tito Robert si Jhey. Ang bait bait pa niya. Ewan ko lang kung bakit naghiwalay aila ni Tita Olivia noon. Halos magkasalungat kasi sila ng ugali ni Tita Olivia. Si Tita Olivia, napakamasungit. Inaapi niya nga ako eh pero hinahayaan ko na lang. Wala na akong magagawa kung ayaw niya sa akin. Pero ai Tito Robert, napakabait niya at maunawain.

Nung nalaman ni Tito na buntis ako, nakita ko ang tuwa sa kanya noon. Bumili aiya agad ng bahay para sa amin ni Jhey. May ari si tito ng biggest auto corporation. Si Tita naman, mas malaki kasi restaurants, malls, and many more. Galit na galit si jhey sa kanya. Ewan ko kung bakit. Baka siguro dahil sa hindi niya masyadong pag-aalaga at pag-aasikaso kay Jhey noon.

"Hindi ka naman nahihirapan sa pagbubuntis mo?" Tanong niya sakin habang tutok pa rinsa pagdridrive.

"Medyo lang po. Malikot po sila eh. Pero, 3 months na lang naman po ang titiisin ko." Sabi ko.

"Ahh. Sana dalawang lalaki." Sabi niya.

"Haha! Di pa po natin masabi iyan tito, ayaw po kasi ni Jhey na sabihin ng ob ko kung ano ang gender eh.

"Iyong bata g iyon talaga. Kahit kailan. Gusto mo bang duniretso na lang sa family house ninyo? Mas safe ka dun. Wala kang kasama sa bahay niyo. Mga katulong lang. Hindi ka pa mabobore dun." Sabi niya.

"Nice idea po. Hihi. Dun na lang po." Sabi ko.

Nabalot na naman ng katahimikan ang sasakyan ni Tito.

-

Pinapasik ko muna siya loob ng bahay. Nandun naman si Dad sa office niya. Si dad, biggest stockholder ng Lee Group of Companies.

"Oh, Rob nandito ka pala. Thank you sa paghahatid sa anak ko. Natext mo na ba ang Kuya arvie mo? Magpahinga ka na." Baling na dad sakin.

"Hindi pa naman ako inaantok dad. Tulog lang kasi ako ng tulog sa bahay kanina."

"Si jhey? Maayos na ba ang lagay niya?"

"Yes dad." Sabi ko.

"Jero, bat di natin pag sanibin ang kompanya natin?" Sabi ni tito.

Pumunta na lang ako sa kwarto. Gusto ko ng magpahinga.

Hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gustong gusto ko siyang alagaan pagkagising niya. Pero hindi pwede, gustuhin ko mang ako iyong unang taong makita niya paggising niya, hindi pwede. Malabong mangyari.

Kagigising ko lang pero nagiimpake na ako. Buo na ang desisyon ko. Lalayuan ko na si Jhey para wala ng away at gulo. Hindi makakaya ng konsensya ko.

Bumaba na ako ng matapos akong mag-impake. Nagpadrive muna ako at pumunta sa tinutuliyan naming bahay ni Jhey. Kinuha komlahat ng gamit at damit ko doon. Pinagmasdan ko ang kwarto namin. Mas lalo akong napaoyak ng makita ko ang wedding picture namin na nakadisplay.

Umiiyak na naman ako. Pinanusan ko na ang mga iyon at binigay sa katulong para ilagay niya sa sasakyan.

Hindi umiimik ang mga katulong. Siguro ay alam na nila ang desisyon ko dahil narinig nilang lahat ang pagbabanta ni Tita sa akin. Siguro naiintindihan nila ako.

Naghihintay sa akin si Lance sa bahay.

"Ayaw mo bang bisitahin muna si Jhey?" Tanong niya.

"Hindi. Mas masakit pag ganoon ang gagawin ko."

"Sigurado ka ba diyan?" Tanong na naman niya. Pakiramdam ko ay mas lalo akong manghihina kung itutuloy ko ang pagsagot sa mga tanong niya.

"Abby, nandiyan ang mga barkada ni Jhey." Sabi ni dad sakin.

"Papasukin mo Dad." Sabi ko.

Si Carl, Zeke, Drake, at Mack? Mga loko loko ang mga iyan.

"Abby." Sabay sabay nilang tawag sakin.

"Maupo kayo" sabi ko sabay turo sa couch.

"Iyan na ba talaga ang desisyon mo?" Tanong ni Carl.

"Oo." Sabi ko.

"Pero bakit? Mahal na mahal niyo naman ang isa't isa ah. Bakit ngayon pa na 3 buwan na lang eh lalabas na ang kambal?" Tanong ni Mack.

Kwunento ko sa kanila ang lahat ng nangyari samin ni Tita. Pinakiusapan ko silang huwag huwag sasabihin kay Jhey iyon.

-

Part I. Ang dami naming ginagawa sa school eh. Tehe. Will be posting the part II as soon as I can.

Schism of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon