Pirma

22 0 0
                                    

Kasalukuyan kong pinagmamasdan ang mga anak ko. Kagigising ko lang kasi. Kahit puyat ako, parang nawawala lahat ng pagod ko tuwing nakikita ko sila.

Kambal ang anak namin ni Jhey. Fraternal. Ang panganay, si Baby girl Jerianue Joseffie at ang pangalawa, si Baby boy Jerionue Joseffue. Kuhang kuha nila lahat ng features ng kumag nilang ama. Mula sa mga matatangos nilang ilong, hulma ng kanilang mukha at nipis ng kanilang mga labi.

Magkasing mata kasi kami ni Jhey kaya iyonng mga mata nila, parehong mana sa min pati na iyong kutis nila.

Mas makulit si Ion. Pinupuyat niya ako lagi. Iyong tipong putol putol ang tulog ko gabi gabi. Minsan nga, pinapagakitan ko. Ang kulit. Ang hirap patahanin.

Si Ian naman, napakasweet na baby. Kahit baby palang eh alam mo nang magiging sweet aiya, base on her gestures.

Pareho silang may dimples sa magkabilang pisngi. Ang sarap tirisin ng mga mapupula nilang cheekkksss.

"Unggeeekk!" Iyan na. Haha!

"Goodmorning babies!" Sabi ko sabay buhat kay Ion.

"Bakit baby? Gutom ka na naman? Gatas ka ng gatas kay Mommy, huwag kang papataba. Dapat magkamuscle ka gaya ni daddy." Sabi ko sabay amoy ng hininga niya. Napakabango.

"And you Princess? Gutom ka rin?" Tinatanong ko si Ian na parang masasagot niya ako.

Tinawag ko na lang ang mga taga pag alaga sa mga anak ko at inutusan silang ilagay sila sa balcony.

Matapos akong mag almusal ay tinawag ko si Jane para tulungan akong paliguan ang kambal.

Matapos kong paliguan ay pinatulog ko muna sila at sumonod naman akong naligo. Ganito ang daily routine ko. Mahirap pero worth it.

Minsan maaalala ko si Jhey. If kasama namin siya, sigurado panggigigilan niya si Ian at Ion. Carbon copy niya eh.

Minsan nga tuwang tuwa si Tito Robert pag bumibisita dito. Sabi niya, parang Jhey daw na nagbackward ang paglaki. Lahat ng gestures nila. Lalo na si Ian, sinusubo palagi ang mga daliri saka iiyak. Parang baliw. Si Ion naman, palaging nakasimangot pag natutulog.

*knock knock*

Binuksan ko ang pinto. Si Tito Robert. May dalang mga laruan na naman.

"Uhh, bakit po Tito? Tulog ang mga kambal eh." Sabi ko sabay ngisi.

"Nandito ako para makausap ka ng masinsinan." Sabi niya sa akin.

Pinakuha ko na lang sa mga katulong ang mga pinamili ni tito at pinabantayan kay Jane ang kambal.

"About ano po ang pag-uusapan natin Tito?" Tanong ko.

"Hindi alam ni Olivia na nagpakasal na kayo ni Jhey. Eh sa susunod na linggo, magpapakasal na ang anak ko kay Almira anak."

Tila sumasakit ang puso ko sa narinig. May namumuong luha sa gilid ng mga mata ko.

"Alam kong mahal ka ng anak ko Abby. Alam kong may plano siya. Kung talagang gusto niya si Almira, may natanggap ka na sanang annulment papers." Sabi niya sabay pisil ng kamay ko.

Tila nabuhayan naman ang loob ko.

"Sa tingin niyo po, bakit ginagawa ni Jhey iyon?"

"Dahil gusto ka niyang protektahan. Gusto niya kayong protektahan." Sabi na lang niya.

Ayaw ko ng pag-usapan pa si Jhey. Mas lalo ko siyang namimiss at mas lalo akong naguiguilty. Naguiguilty na wala man lang akong magawa.

Hinintay ni Tito Robert na magising ang mga apo niya at nilaro niya ang mga ito.

May nagpadala ng sulat sa mailbox. Binasa ko ito. Umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko.

Naiyukom ko na lang ang palad ko sa galit.

Si Jhey, si Jhey na isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpapakatatag siya rin ang puputol sa mga pinaghirapan ko.

Annulment papers. May pirma na ni Jhey. Pirma ko na lang ang kulang.

At hindi pa nakontento ang mukong, may pinadala pangbpicture nila ni Almira na masayang masaya. Ganoon na lang iyon?

Ni hindi niya kami hinanap o kinumusta man lang!?

Maraming nangyari sa limang buwan. Ngayon ay naghihome study na lang ako. Pero gragraduate na ako next month.

Tila ang mga anak ko ang nagbibigay sa akin ng lakas at inspirasyon. Hinuhugot ko lahat ng ginagawa ko sa mga anak ko.

Paghihigantihan ko ang lahat ng ginawa ng Olivia sa pamilya namin. Gagawin ko ang lahat para mapabagsak ang kompanya niyang galing sa mga madudingis na transaksyon. Makikita niya ang bangis ko. Humanda siya.

Nang dahil sa kanya, naghirap ang pamilya namin. Nalayo ang mga anak ko kay Jhey. Wala nang mas dedemonyita pa keysa sa kanya.

"Tito..." Sabi ko kay Tito Robert.

Iniabot ko sa kanya ang annulment papers.

"Nakikipaghiwalay na siya Tito." Pumiyok ang boses ko. Hindi ko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko.

Ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Para akong nabagsakan ng sampung building.

"Nasa saiyo iyan anak kung pipirma ka o hindi. Naniniwala pa rin ako na ang lahat ay plano ni Jhey"

"Pipirma ako Tito. Kung gusto ng Olivia at Akmirang iyan ng laro, bibigyan ko sila. Ako ang tatapos sa larong sinimulan nila." Sabi ko.

Kinuha ko ang ballpen at pinirmahan iyon. Siguro ay hindi talaga kami para sa isa't-isa pero para sa mga anak namin lalaban ako.

May nilagay akong note sa pinadala ko: "Pabigay" i said.

Ipinadala ko rin iyon agad agad sa bahay ni Jhey. Siguro ay ikakasal sila ni Almira in no time.

Tinawagan ko si Lance after kong maipadala iyon. Kwinento ko sa kanya lahat ng kadramahang nangyari ngayong araw.

[Tanga ka yata eh noh!? Lalaban ka tapos pinirmahan mo iyong annulment papers? Para ka rin lang nagbigay ng score sa kanila]

Gigil na gigil si Lance habang sinasabi ang mga iyon.

[Edi mas tanga ka! Bat ka hindi gumamit ng condom nung nagsex kayo ng babaeng iyon!?] sumbat ko sa kanya.

[haay! Ewan ko sa iyo! Iniiba mo ang usapan eh! Di bale, may magandang dulot naman. Magkakaanak na ako.] he said.

[osge na nga! Bye na! Walang kwentang kausap.] sabi ko at ibinaba na ang tawag.

---------

Oh iyan! Sabaw? Sorry naman. Tehe. Hope you liked it.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Schism of HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon