Chapter 2

33 1 0
                                    

A/N: Pls check the video.. yan yung kinanta mo sa kwarto mo >>>>>>>>>>>>>>>>

=========================================================

"Ma! Andito na po ako!" sigaw mo papasok ng gate dala ang bike mo.

"Ma? Nakauwi na po ako..", patuloy mong salita habang binubuksan mo ang pinto pero nakalocked. Alam mo naman kung saan nilalagay ng mama mo ang susi kaya nakapasok ka pa rin.

"Saan kaya nagpunta si mama?," tanong mo sa sarili mo ng makita mong may iniwan siyang sulat sa ref.

Andy, aalis lang si mama ha! Uuwi rin ako agad, may pagkain jan sa mesa, initin mo na lang - Mama

Kinuha mo ang pagkain sa mesa at ininit mo yun. Pumasok ka ng kwarto mo at nag gitara. Ito ang madalas mong gawin, ang kumanta at mag gitara. Minsan inisip mong mag enroll sa isang arts school pero dahil sa sitwasyon niyo kaya isinantabi mo na lang yun. Maya-maya pa'y dumating na ang mama mo. Narinig mo ang pinto na bumukas.

"Nandiyan na si mama", tumayo ka at pumuntang sala.

"Ma, saan po kayo galing?" urirat mo sa kanya.

"Nagtanong-tanong ako anak kung saan pwede magtrabaho at may tumanggap sakin at bukas na rin ako magsisimula!" sagot ng mama mo na tuwang-tuwa.

"Ma, ano pong klasing trabaho yan? Baka po mabigat yan?" pag-aalala mo.

"Hindi anak, sa isang kainan lang naman ako magtatrabaho e, tagahugas ng pinggan lang, kayang-kaya ko", paniguradong sagot ng mama mo.

"Sana ako na lang po ang ipinasok nyo dun! Kaya ko rin yun gawin, dito na lang sana kayo sa bahay", sabi mo.

"Anak, di naman pedeng ikaw na lang lahat, isa pa, ayoko rin tumunganga dito sa bahay, malapit na rin ang pasukan dapat tayong makaipon. Malapit lang din naman dito satin yung lugar e. Alam mo yung bagong tayong restaurant sa pangalawang kanto? Dun lang ako. Pwede mo akong puntahan kung gusto mo", sagot ng mama mo.

"Sige ma, basta wag nyo pong masyadong pagurin ang sarili nyo", paalala mo sa kanya.

"Oo anak, wag kang masyadong mag-alala sa akin, sanay ata mama mo!", pagmamayabang ng mama mo.

Ngumiti ka na lang at niyakap mo siya. Kahit na alam mong kaya ng mama mo ang trabaho, hindi mo pa rin maiwasan na mag-alala.

Kinabukasan..........

Anak, may pagkain na sa mesa. Mag almusal ka bago ka umalis ha! Love you - Mama

"Umalis na si mama? Hindi man lang ako ginising?" sabi mo habang kumakain.

Umalis ka na at ginawa ang routine mo. Natapos mo ang pagdedeliver ng mas maaga kaya minabuti mong puntahan ang mama mo sa trabaho niya.

"Welcome po", bati ng isang waitress sayo.

"Hello", bati mo rin sa kanya.

Sumunod ang waitress sayo kaya nagtanong ka na rin sa kanya kung nasaan ang mama mo at nakiusap ka rin na makausap siya.

"Pakihintay na lang siya miss", sagot ng waitress.

"Salamat po", sagot mo.

Your POV

"Mukhang matatagalan si mama. Ang daming tao siguro masarap pagkain dito, ma-try nga yung pagkain dito." Pumili ka ng pagkain mula sa menu. "Hindi naman pala kamahalan kaya siguro marami ding tao." Nang makapili ka na, tinawag mo ang isang waitress at sinabi mo ang napili mong pagkain. Habang naghihintay ka sa waitress, dumating mama mo.

"Anak, anong ginagawa mo dito?" tanong ng mama mo.

"Syempre ma para kumain!", biro mo. "Joke lang ma, dinalaw kita pero naintriga ako sa mga pagkain dito e, mukhang masarap".

"Ah, ayos lang ako. Ang saya nga e kasi mababait mga staffs dito anak. At tungkol sa pagkain, oo masarap talaga yan, magaling yung chef dito. Alam mo ba, ang bata pa niya. 23 years old lang nak, mukhang bagay kayo~~", sagot ng mama mo.

"Ma naman e! bata pa ako at hindi ako interesado sa ganyan alam mo yan! Sige na ma, dinalaw ko lang po kayo. Balik na kayo at baka mapagalitan ka pa sa first day mo. Ingat ka ma ha!", paalala mo ulit.

"Asus anak, dalaga ka na. Sige na nga, babalik na ako ha, medyo marami pang hugasan doon e, kain ka lang diyan at umuwi na ha. Bye nak", sabay halik sa noo mo at umalis na para bumalik sa kusina.

Habang kumakain ka, napansin mong dumarami ang tao. "Wow, hindi ako magtataka kung maraming tao dahil masarap talaga ang mga pagkain dito."

Masaya kang kumakain ng biglang...

"Aray!" may bumunggo sayo mula sa likod.

"Sorry miss, hindi ko sadya. Iniwasan ko kasi yung dala ng waitress kaso natumba din ako. Sorry talaga", sabi niya sabay yuko.

"Ah, ayos lang ako. Ingat ka na lang sa susunod", sabi mo.

"Salamat" at bigla siyang umalis papuntang kusina.

"Eh? Staff din siya dito?" tanong mo sa sarili mo.

Natapos ka na ring kumain at umuwi ka na. Napahinto ka sa kanto ng mapansin mong nagbago ang ayos ng isang bahay doon. "Kailan pa to inayos?" Bakit hindi ko napansin?"

Paalis ka na sana ng bigla kang may nakitang kuting sa gitna ng daan. Nagmadali kang kunin siya dahil baka masagasaan. Nang pabalik ka na, biglang may sumulpot na kotse sa harap mo at nagulat ka.

"Ano ba yan miss? Magpapakamatay ka ba?", sigaw ng binatilyong driver ng magarang kotse.

"Mister, pasensya na po. Kinuha ko lang tong kuting sa gitna ng daan." Paliwanag mo

"Mas mahalaga pa ba yan kesa sa buhay mo?", sigaw niya ulit.

Hindi mo alam pero nag-iba timpla ng mood mo. "Pasensya na po ulit mister, mahalaga rin ang buhay nila at isa pa wala pang sasakyan bago ko siya kunin dito. Kayo po ang biglang nasulpot sa daan." Inis mong sagot sa kanya at sabay tawid mo para umuwi na. Pero bago mo pa paandarin ang bisikleta mo, tiningnan mo pa siya ng masama at inirapan.

"Aba! Bastos yun ah!", sabi ng binatilyo.

==========================================

A/N: thanks for reading.. yay..who's that guy??

Milk Sweet NotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon