Nagmadali kang pumasok sa bahay nyo at pinakain agad ang kuting.
“Grabe talaga yung lalaking yon! Siya kaya ang hindi natingin sa kalsada.. Sinira niya araw ko!”, pagalit mong sabi pero nawala din yon ng lumapit sayo ang kuting.
“Buti na lang at walang nangyaring masama sayo, siguro nakatakas ka lang dahil may bell ka sa leeg. Hindi ka naman mukhang pusang gala.. hmmm sino kaya nagmamay-ari sayo?” tinatanong mo ang pusa na para bang sasagot sayo.
“Hayaan mo, ibabalik din kita sa amo mo”, sabay himas mo sa kuting.
Naisipan mong maglinis ng bahay at maglaba dahil wala ka ring ginagawa at hindi na rin magagampanan ng mama mo. Nagluto ka na rin ng matapos kang maglinis.
“Jaah~ tapos na ako, ngayon naman kuting lalabas tayo para hanapin natin kung sino ang amo mo”, sabi mo sa kanya at nag-meow lang siya sayo.
Nagtanong-tanong ka sa mga bahay malapit sa inyo pero bigo kang umuwi ng bahay. Kaya naisip mo na lang na kunan siya ng letrato at ipaskil sa poste kasama ng cellphone number mo. Maya-maya pa’y nakaramdam ka ng antok at nakatulog sa kama mo. Ilang oras ang lumipas at nagising ka na rin.
“Gabi na pala, ang haba ng tulog ko. Teka baka nandiyan na si mama. Ma?!!”, tawag mo sa mama mo habang palabas ng kwarto mo.
“Ma? Ang dilim, wala pa si mama? Pero alas-9 na”. Nag-alala ka kaya naman pinuntahan mo na ang mama mo sa trabaho niya.
“Hi miss!” bati sayo ng waitress.
“Andiyan pa po ba si mama?”, tanong mo sa kanya.
“Ah ou pero pauwi na rin siya, pakihintay na lang.” sagot ng waitress.
“Ah sige po, salamat”, sagot mo.
Habang hinihintay mo ang mama mo, may isang costumer ang pumasok, pero hindi mo siya nakita dahil busy ka sa cellphone mo. Magkatalikuran lang kayo ng lalaki. Narinig mo na lang na nagsalita siya nang kinausap niya ang waitress.
“Parang familiar yung boses na yun”, isip mo. Lumingon ka para makita siya pero nakatalikod siya sayo kaya hindi mo na lang din inintindi. Bumalik ka sa pagkalikot mo sa cellphone mo habang naghihintay sa mama mo. Maya-maya pa’y dumating na rin ang hinihintay mo.
“Nak, kanina ka pa ba diyan? Sana hindi mo na ako sinundo”. Sabi ng mama mo.
“Okay lang po ma, wala rin naman akong ginagawa sa bahay e, tara na ma uwi na tayo, isakay kita sa bike ko, may ikekwento rin ako sayo e”, sabi mo sabay tayo at umalis na kasama ng mama mo.
Nabosesan ka rin ng lalaki. “Teka, parang kilala ko boses na yun a”. sabi niya sa sarili niya sabay lingon at may nakitang 2 babaeng palabas ng pinto pero nakatalikod kaya hindi niya rin namukhaan.
Sa daan pauwi, wala kang ginawa kundi ang magkwento sa mama mo kung anong nangyari sayo. Maya-maya pa’y nakarating na rin kayo sa bahay nyo at sumalubong ang kuting sayo.
“Taga dito ba sa ating yung lalaki?” tanong ng mama mo habang iniinit ang pagkain.
“Hindi ko alam ma, ngayon ko lang po nakita mukha niya e”, sagot mo naman.
Kinabukasan….
“Boss! Magdedeliver na po ako~~”, sigaw mo.
“Sige, ingat sa daan Andy”, sigaw niya pabalik.
“Eh? Nagdedeliver din pala ako dito sa bahay na to? Bakit ang bilis namang nagbago ang ayos nito?” tanong mo sa sarili mo. Ang totoo, nilagyan lang naman ng ilang malalaking paso at pininturahan ng bago ang bahay. kinuha mo na ang boteng walang laman pero napansin mong may nakaipit na isang papel dito at binasa mo.
“Salamat sa gatas ^_^”, natuwa ka sa sulat kaya naman nag-iwan ka ulit ng note.
“Wala pong anuman at salamat sa sulat niyo, nabuo ang araw ko ^_^”, at sabay idinikit sa boteng bagong deliver at saka lumisan. Narinig ng taong nakatira sa bahay na may nagsara ng gate at nakita ka niya. Napansin din niya ang bagong deliver na gatas sa pinto niya at natuwa sa sulat.
“Babae pala siya”, bulong niya.
Naging busy ka sa gwaing bahay dahil gabi na umuwi ang mama mo at pagod na rin. Inaalagaan mo na rin ang kuting dahil wala pa ring kumokontak sayo para sa kanya. Minsan sinusundo mo rin ang mama mo.
Kinabukasan….
“Ako pala ang bumuo ng araw mo kahapon ^_^, sana ako rin ang bubuo ngayong araw na to”, sabi sa sulat.
“Haha, parang ganun na nga po ^_^”, sagot mo naman sa sulat..
Nagkakapalitan kayo ng notes araw-araw..
“Kamusta ang araw mo ngayon?” – “Mabuti naman po a mas lalong bumuti dahil sa sulat nyo”
“Wag ka naman masyadong pormal, hindi pa naman ako ganun katanda, baka nga magkasing-edad lang tayo” – “Paano ka nakakasiguro? Nakita mo na ba ako?”
“Ah hindi naman, nararamdaman ko lang” – “Haha, ganun ba? Pwede bang malaman pangalan mo?”
“Lance, ikaw?” – “Andy ^_^”
Naging close kayo ni Lance ng hindi mo napapansin. Nagpatuloy ang palitan nyo ng notes. Patuloy ka pa rin sa pagsundo sa mama mo. Hanggang isang araw..
“Kuting!, wala pa rin naghahanap sayo? Ok lang kasi wala rin akong kasama ditto sa bahay”, sabay yakap mo sa kuting ng biglang tumunog cellphone mo.
“Hello, si Miss Andrea ba to?”, tanong ng boses na lalaki sa kabilang linya.
“Opo, ako nga po”, sagot mo.
“Nasa hospital mama mo”, sabi niya at nagkwento ang lalaki kung anong nangyari sa mama mo.
“Salamat po, pupuntahan ko na po siya”, sagot mo.
“Sige miss, ou nga pala, ako si Jiro, ang chef sa restaurant”, pakilala niya sayo.
====================================================
A/N: so Jiro pala ang name ng chef and bakit dinala si omma sa hospital?? 。゚(゚ノД`゚)゚。
and special mention!! /throws confetti/ Krizzia saeng! binasa mo pala to! naiiyak ako \(@;◇;@)/ let me hug you.. (づ ̄ ³ ̄)づ salamat!
at dahil sa text mo kaya nag update ako ^_^ ok..iisipin ko pa kasunod nito haha.
Gusto kong malaman kung may iba pang nakakabasa nito.. comment po kayo pls T^T ..
Kamsahamnida~~
BINABASA MO ANG
Milk Sweet Notes
RomanceNang dahil sa simpleng notes, nabuo ang isang pagkakaibigan ng hindi inaasahan. Ano ang mangyayari kung sa mga sumunod na araw ay may nalaman ka na magpapabago ng iyong kinabukasan, tatanggapin mo ba o iiwasan?