“When I’m About to Die...” by: Jax_Me_118
Introduction:
Dying...
One of the most feared incidents of the people in this Earth. Dying means the END... End of your journey... End of your hope... End of your life. Pero mukhang iba ata ang perspective ko sa word na yan.
I'm in this white room. Waiting for the person who could tell what's wrong with me. I feel so nervous... And as expected. I knew that this is what she'll tell me.
“Ms. Monforte, we’re very sorry.
You are diagnosed with a Leukemia and you only have 8 months to live or even lesser than that. But we have a treatment and there’s a possibility that you can be cur—“
“Hahaha! No need Ms. Villanueva... Thanks for the good news. Pinasaya niyo ang araw ko. Sige po aalis na ako...”
Mukha naman siyang nagtaka at nagulat sa sinabi ko pero hindi ko na yun pinansin at umalis na nga ako sa opisina ni Ms. Villanueva. Hmm. Alam kong nagtataka kayo kung bakit natuwa pa ako at mamamatay na ako in less than a year. Hahaha... Nakakaexcite kasing mamatay. At tsaka who would care diba? No one would care if a Kien Dayle Monforte dies. Gusto niyo bang malaman kung bakit masaya akong mamamatay? Parang ayoko ng ikwento kasi masyadong madrama... Pero you’ll know why when time comes. All I know is that ang Love ay para lang sa mga taong T*NGA. Sinasaktan na nga sila habol pa ng habol eh wala naman silang mapapala. Manloloko ang Love na yan kaya wala akong nararamdaman maliban sa galit.
Sumakay na ako sa kotse ko at nagmaneho papunta sa bar. Tutal mamamatay na ako eh kailangan kong magcelebrate! At least no more CALCULUS! Oo, college student pa ako at kaya ako pinapayagang pumasok sa bar eh dahil 18 yrs. old na ako. I took up Accountacy. Feeling ko kasi madali akong mamamatay pag puro math ang nasa utak ko. Well, it does not only make my brain cells burst, but even my red blood cells dahil sa kakadugo ng ilong ko sa pagbabasa ng makakapal na libro. Pero napakalaking himala at nakakapasa ako sa mga subjects ko.
*Hiiccupp!*
Madami na ata akong nainom. Feeling ko nga masusuka na ako anytime. Siguro tama na ‘to. Bukas na lang ulit. Hehehe... Habang naglalakad ako umiikot na ang paningin ko.
“Miss, mukhang lasing ka na ah... Wanna have a ride with me?” Sabi ng mukhang kalabaw na lalaki. Ngisi ng ngisi sakin. Bading ba ‘to?! Hindi ko na lang siya pinansin at dumeretso sa parking. Buti nga hindi na siya nagpumilit at baka lalo ko pang sirain ang ulo ng sira ulong yun. Sa parking naman may janitor dun na nagwawalis ng mga nabasag na bote. Papunta na sana ako sa kotse ko ng biglang nagsalita yung janitor. Pagkatingin ko sakanya naging siya yung lalaking nangbabastos kanina. Whaat?!
“Hey... You really need a ride home with me—“
“Pwede ba! Ilayo mo nga yang pagmumukha mong tinubuan ng puwet! Hindi mo ba naintindihan yung sagot ko kanina?! Silence means NO!”
“Po? Sino pong kausap niyo?” Napatingin ako sa janitor at nagising ako sa realidad. Wew. May tama na nga ata ako. Para tuloy akong nakahithit. Tumakbo ako papunta sa kotse ko at nagmaneho agad. Nakakahiya yung ginawa ko. Pagewang gewang yung kotse ko. Buti nga at madaling araw na at konti na lang ang mga bumabyahe. Sa sitwasyon na ‘to siguro mababangga ako ng isang truck. Pero I didn’t expect na may isang taong haharang sa harapan ng kotse ko.
*Scrreeeech!*
Gulat na gulat ako sa nangyari. I wanted to kill myself but not others! Tapos hindi ko nakontrol ang inis ko sakto may tama pa ako ng beer. Nakita ko siyang nakatayo dun at nakapikit na parang shunga.
“Hoy! T*NGA ka ba ha?! Kung gusto mong magpakamatay wag sa harap ng kotse ko! Magpasalvage ka na lang!” Sigaw ko pero hindi siya umalis dun at biglang umiyak. Hindi pala. Nahagulgol siya. Now what?! Heartbroken? Tanggalin ko ngalangala nyan eh. Tss. Sinubukan ko siyang banggain para matakot siya pero matigas sya at ayaw umalis. Lumabas na ako ng kotse. I can’t hold my temper.
“Hindi ka aalis?! O gusto mo ako mismo ang pumatay sayo?!” Tinutukan ko siya ng balisong na dala ko. Hey. Ginagamit ko lang yan kung may magtangkang masama sakin. Hindi pa rin umaalis yung lalaki at itinutok pa nito sa dibdib niya ang patalim. Nagulat ako sa ginawa niya. Shunga ba talaga siya? Siguro kailangan niya ng KONTING pampagising... *Pak!* Sinapak ko siya at pinagsisipa. Naiinis na talaga ako...
“Di ba sabi ko wag kang magpapakamatay sa harap ng kotse ko?! Di mo ba naiintindihan yun o sadyang bingi ka lang?! ANO?! BINGI KA BA-mmm!!!!!” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla niya akong hinalikan! What The! Tinulak ko siya at sinipak. Umulan bigla...
“BASTOS!!!” Nagulat na lang ako at wala na sakin ang balisong ko. Nakuha niya pala yun at isinaksak sa sarili niya. Bigla naman akong tinamaan ng konsensya...
“Hoy! T*nga ka nga talaga! Bakit mo sinaksak ang sarili mo! Mamaya ako pa ang mapagbintangan! Eh ikaw nga tong nagnakaw ng First Kiss ko G*go!”
“Salamat...”
“Hoy! TheEFFF!!! Tumayo ka nga diyan! Dadalin kita sa ospital!” Binuhat ko siya kahit super bigat niya. After 5 mins. eh nakarating na kami sa ospital. Buti na lang nahinga pa siya. Ay mali. Sayang at nabuhay pa siya. Lintek. Wala na ang first kiss ko. Iniisip ko pa naman na mamamatay akong virgin ang lips nadumihan pa ng walang kwentang sira ulo, Ang harsh ng words ko noh? Pansin niyo? Well that’s me. Haay nako! Imbis na ineenjoy ko na ang pagplaplano ng kamatayan ko eh pinagulo niya pa. Mayamaya eh dumating na ang doktor. He said he’s fine. Oras na para umalis. At para naman sa bills niya? Siya na ang bahalang magbayad dun. Mukha naman siyang mayaman wala nga lang laman ang kokote. Naisip kong puntahan siya sa kwarto niya para naman sa susunod ay maiwasan ko na ang pagmumukhang yan. I took a glance. Yeah. He looks fine na naman. Pero may napansin ako sa kanya. He seems familiar. Hanggang sa makauwi ako sa condo ko yun ang laman ng isip ko. Tapos biglang may *ting!*. SIYA YUNG ASUNGOT NA ADMIRER KO NUNG HIGHSCHOOL! Hahahaha! Naaalala ko pa pagnalapit siya sakin sinusuntok ko siya sa tiyan tapos tsaka ko siya sisipain. Minsan nga habang pauwi ako nakita ko siyang kausap ang nanay niya. Tinatanong kung kanino galing yung mga pasa niya. Ang sabi niya nabundol siya ng trike. Wahahaha! Ang epic talaga nun. Biruin mo yun... Yung dating mukhang dugyot kong kaklase ay naging isang gwapong lalaki. Wait... Gwapo? At kelan pa ako namuri ng tao? Tss... Pero teka... Ibig sabihin yung dugyot na yun ang First Kiss ko?!!! Napatayo ako sa kama ko at nagtoothbrush ulit. Grabe... Hindi ko ma-take... Tsaka bakit ko nga ba siya iniisip eh? Makatulog na nga! Nakakawala ng tama yung mga pangyayari kanina.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Musta naman ang lame intro ko? Haha. Pero I'm still hoping na magustuhan niyo ang isa nanamang crap na ginawa ko. XD So yun lang. Please please please comment your feedbacks! I badly need it to improve this crap... :) Thank you sayo kung sino ka mang nagbabasa nito... I love you na! <3 XD
BINABASA MO ANG
When I was About to Die...
RomansaWhen losing your life so early is so exciting but suddenly in a blink of an eye... when that crazy little thing bumped you... you lost excitement and instead felt fear of parting away from the only person for you...