Laslas (Cut)

47 1 0
                                    

Ako'y nagsimula nung ika-limang baitang
Naglaslas ako sa braso ngunit hanggang balat lamang
lumalim ito habang ang araw ay dumaan
ginawa ko ito dahil ako'y nasasaktan
hindi ito nakita ng aking magulang
pati na rin ang aking mga kapatid at  kaibigan
noong napansin nila ang mga laslas ko
ang mga pusa na lang ang aking itinuro
naniwala sila at ang away tumuloy
hindi nila napansin na ang puso'y umaapoy
ito'y natapos nang limang buwan
noong napansin nila ang aking naramdaman
tinanong nila ako "Anak, ba't mo 'to ginawa?"
nagsinungaling ako at nagtanga-tanga
"mali po ang inyong iniisip, ama't ina,
nagaaral po akong magluto kaya't ako'y nahiwa
sunod-sunod, sa aking braso ang dinadaanan
kaya't ina at ama, ito ay aking kasalanan
h'wag kayo mag-aalala dahil ako'y magdadahan-dahan"
masakit para sakin ang magsinungaling
ngunit kailangan lamang ito'y ipa-sa akin
Sana hindi nila ito malaman
dahil alam ko ako'y masasaktan lamang

Sorry guys. When I tried to translate this to English It didn't turn out to be good. I wish its okay with you guys. Please just use google translate. TY for bearing with my poor translating skills.
Hope you like it!

ANG SAKIT! (It Hurts!)Where stories live. Discover now