Tinatamad akong bumangon.Ngayon ang araw na ayaw ko kaya mag tatago ako.Pano naman pupunta dito ang gandang gandang pinsan ko!Ulol niya!
Lumabas ako ng kwarto at kunot noo kung tiningnan si Lisa pano naman kasi nakahiga sa lapag
"Lamig lamig ng sahig naka higa ka diyan"asik ko sakanya pero hindi siya sumagot"Sabihin mo kay Sophia wala ako dito ah"ani ko sakanya at iniwan siya don
Pumasok ako ng kwarto at tahimik na nanood ng kdrama
"Lisa unnie!"nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang boses ni Sophia sa labas!
"Where's Erich Unnie?"dinig kung tanong niya"Wala.Umalis.Bumalik ka na lang"diridiritsong sabi ni Lisa.Alam kung hindi ito maniniwala kaya mabuting magtago na ako
"What?!"
"Wala siya diyan"agad akong pumunta sa veranda para mag tago"Sabing wala siya diyan eh!"sigaw ni Lisa narinig ko ang mga yapak ni Sophia at Lisa papuntang Veranda!
"Shit!"bulong ko may biglang tumakip sa bibig ko"Ahh"
"Don't scared"bulong nito alam ko na kung sino to!Napagtanto ko na lang na nasa veranda niya na kami.Nakita ko si Sophia na lumabas ng veranda agad akong nagtago
"Sabing wala diba!kulit mo noh!"sigaw ni Lisa
"K"ani niya at nawala na lang
"Ano ba!"mahinang sigaw ko kay Tokmol
"Sorry"mahinang sabi niya at pumasok sa kwarto sumunod ako sakanya nilibot ko ang mata ko.Malinis naman ang kwarto niya at kulay blue pa at puno ng Iron man!Diba si Iron Man kulay pula hindi blue?
Nakita ko siyang lumabas ng kwarto sumunod naman ako
"Ahhhh!"napatalon ako sa sigaw ng dalawang lalaki sa sala nakita ko silang tinuturo ako at hindi makapaniwala
"Bat nandito siya?"tanong ni Babalo bumaling naman si Tokmol saakin
"May pinagtataguan"walang ka emoemo niyang sabi tiningnan ko ang dalawa gulat pa din sila
"Wow!Siya ang unang babaeng dinala mo dito ah"nanlaki ang mata ko ng sinabi ni Cute cheaks
"Shut up"may banta sa tono ni Tokmol nag tama ang tingin namin ni Tokmol"Nag breakfast ka na ba?"nagulat ako sa tanong niya umiling ako.I am starving
"Hindi pa"nakakahiyang ani ko
"Kumain ka"gulat akong napatingin sakanya"Sabi ko ku---"hindi ko na siya pinatapos dahil diri diritso na ako sa fridge.
Gutom na ako kanina pa nagugutom si sexy tummy.Lol.Kinuha ko sa fridge ang cerelac mabuti may cerelac siya siguro ito ang kinakain niya
Tumingin ako sa tatlo nagulat ako na nakatingin pala sila saakin.Shit!napalunok ako don nakakahiya ka Erich
"Sorry nagugutom na kasi ako eh"ani ko sakanya at pinagpatuloy na ang pagkain
"Naka lima ka na ah.Ganyan ka ba kagutom?Hindi ka ba kumain ka gabi?"napatigil ako sa pagkain at tiningnan si Tokmol.Jusme!Nakakahiya"Halos ubus na yong cerelac ko"dagdag niya.Shit!pulang pula na siguro ako dahil sa hiya
"Sorry.Babayaran--"
"You dont need to do that"sabi niya at tumalikod sininyasan niya pa ang dalawa!
Wow!Ah hindi ka man lang mag sosorry putspa ka!Mamatay ako sayo sa gulat alam mo bang hindi ko pa yon nakakalimutan ah!.Gusto ko iyon sabihin sakanya pero nakakahiya dahil inubos ko yong cerelac niya
Natapos ako sa pagkain at hinugasan ang kinaininan wala paring akong marinig na ingay dahil tahimik yong dalawa.
Bat kaya tahimik to?