Pabalik na 'ko sa table namin nang makasalubong ko ang taong hindi ko na pinangarap makita pa uli.
Two old friends meet again
Wearing older faces
Talk about the places they've been"Drei." "Cess." sabay na bigkas namin. This is so awkward. Pwede bang gamitin yung 'lupa bumuka ka, at lamunin mo ko!' line? Kasi that is exactly what I want to do.
"Kamusta ka na?" nakangiting tanong n'ya sa'kin.
'Hindi ako okay! Masakit pa din, Drei. Nandito pa din sa puso ko yung sakit.'
Kung pwede nga lang sabihin 'yan sa kan'ya, edi sana sinabi 'ko na. Pero no, ayokong magmukha na namang kawawa sa harap niya.
"Okay lang! Okay lang ako." May pa-tango tango ko pang sabi habang nakangiti ng peke.
"Good, ako hindi mo ba 'ko tatanungin kung kamusta ko?" Nakangiti niya pang tanong.
"No, so if you'll excuse me." Nakangiti ko pa din sabi sabay iba ng direksyon ko papunta sa table namin. Natanaw ko si Nurse Cha na kausap pa din sa cellphone niya ang kanyang boyfriend.
Malapit na ako sa table namin nang biglang may humawak sa braso ko. Naramdaman ko nanaman yung pagtaas ng balahibo ko sa tuwing nagkakadikit ang mga balat namin.
Hindi ako bumaling sa kanya, "Wait Cess, catch-up naman tayo minsan? You know, I missed you." ika niya.
Missed, my ass.
Hindi pa din ako lumilingon sa kanya, "No, thanks."
"Aw. I got rejected. I'll text na you na lang. What's your number?"
I sighed. Nilingon ko na siya. Nakita ko yung kasiyahan sa mukha niya. Na para bang ang saya niya nang makita niya 'ko. Na para bang okay kami noong last na pagkikita namin.
"Wala akong cellphone, wala din akong social accounts kaya 'wag mo ng i-try kuhanin. We're not friends, anymore. Kaya don't act as if we are!" Pagkasabi ko niyan, dumeretso na 'ko palabas ng restaurant.
Anong akala niya!? Okay kami? Huh. Akala n'ya lang 'yon. Feeling n'ya naman, 'pag sinabi niyang miss niya 'ko, e sasabihin kong, 'me, too.' Huh! Porque gwapo s'ya and sizzling hot!?
"Hey." natigil ako sa pagtitig sa kanya nang pinitik niya iyong noo 'ko.
"Ha?"
"Kanina pa kita kinakausap. Ano, kamusta na? Sabi ko, I missed you." Nakangiti niyang sabi.
"Me, too."
Anong 'me,too'?! Sandali lang! Gutom ka ba talaga at kinain mo lahat ng sinabi mo kani-kanina lang! Akala ko ba hindi kayo okay!
Isa kang malaking TANGA!
"Yeah. So coffee tayo later? It's been a while." pag-aya niya sa akin.
No way. I'm not that 'vulnerable Cess' you knew. I won't give up easily. Huh.
"S-Sure."
Ayaw ko na. Suko na 'ko sayo, di ka nakikinig sakin. Qqil mo coe!!
"Great! I'll text you na lang. What's your number?"
Okay, sige gawin mo na kung anong gusto mong gawin! Shut up na lang iz me.
I gave him my number. At hindi 'ko alam, pati pala yung puso 'ko naibigay ko na naman ulit.
"Iyon na 'yong una naming pagkikita after 8 or 9 years? I don't know, mga bata pa kami no'n." Kausap ko si Ellen, my blockmate noong college, thru phonecall. Isa na din siyang doctor sa isang kilalang ospital sa Manila.
![](https://img.wattpad.com/cover/106689703-288-k856299.jpg)
YOU ARE READING
Maybe This Time
Teen FictionMeeting a friend after a while, really brings back good old memories. But I guess, old feelings as well.