His Side

23 2 0
                                    


Dalawang taon na ang lumipas simula ng lumipat ka sa school namin. Unang kita ko palang sa iyo noon ay tinamaan na kaagad ako. Flag ceremony nun at sa unahan ka banda nakapila dahil maliit ka. Pero ang cute cute non para saakin.

Tanda ko pa na kada break time natin lagi lang akong nakatayo sa tapat ng hallway nyo dahil doon natatanaw kitang nakikipagtawanan sa mga kaklase mo, nakikita ko yung mga ngiting nakakabuo ng araw ko. Halos araw araw akong ganon. Sinusubaybayan kita kahit sa pag uwi mo. Gusto ko lang naman na matiyak na ligtas kang makakauwi.

Natatandaan ko pa na kada Valentine's Day at lagi ring may event sa school kaya laging walang klase. Lagi kitang nakikita sa likod ng school kung saan andoon yung garden at nagbabasa ka lang ng libro mag isa. Gustong gusto kitang lapitan, bigyan ng bulaklak, batiin ng Valentine's day kaso hindi ko magawa. Sakit ko na kasi yata talaga ang pagiging torpe.

At baka hindi mo rin ako pansinin at matakot ka sa biglaang pagpapakilala ko saiyo. Kaya nakuntento nalang ako sa pag tanaw sa iyo mula sa malayo at tinignan ng maigi ang bawat ngiti mong nakakatunaw ng lamang loob.

Then one time naging kaclub kita sa isang subject. Sobrang saya ko non dahil kahit papaano ay malapit kana saakin! At sa tuwing meeting ng club natin ay present ka kaya lubha akong nagagalak. Mabuti nalang at ang napiling presidente sa club na iyon ay ang matalik kong kaibigan. Walang atubili ay hiningi ko ang iyong number, at laking pasasalamat ko sakanya non ng ibigay nya saakin ng walang tanong tanong.

Pero di kaagad kita itinext nun. Hanggang sa dumating ang pasko. Doon ko palang napagdesisyunan na itext ka. Binati kita sa eksaktong 12 am ng merry christmas. Hindi ko pinansin kong dimo natanggap oh talagang di mo lang ako nireplyan dahil sa hindi rin naman ako nagpakilala. Pero simula nun pinagpatuloy ko na yung pagtetext sa iyo. Pati nung bagong taon binati kita. Pati morning text at evening text, ginagawa ko walang mintis yon. Mapasahanggang ngayon ginagawa ko parin ang bagay na iyon.

Pero napagisipan kong ilevel up ang pagpaparamdam sayo. Habang naglalakad ako papunta sa school may nakita akong parang pink o red na kulay ng bulaklak. Isang gumamela. Naisipan kong pumitas ng isa at excited na excited pumunta sa room mo at inilapag ito sa table mo. Hindi naman sa wala akong pambili ng rosas o iba pang bulaklak gusto ko lang na maiba. Araw araw ko yung ginagawa, wala ulit mintis. Kamuntikan mo pa nga akong mahuli nun buti nalang at may pinto sa likuran kaya doon ako tumakbo palabas.

Sumilip pako sandali sa pinto para tignan ang reaksyon mo, nakangiti ka at parang namumula habang inaasar ka ng mga kaklase mo. Sobrang saya ko noon dahil sa simpleng bagay na iyon eh, napasaya kita. Sobrang mahal na mahal kita e. Kailan kaya mawawala ang pagiging torpe ko?

Hanggang dumating ang isang araw. Kumuha ulit ako ng gumamela but this time madami na at itinali ko para maging bouquet. Nilagyan ko na rin ng letter, at nakalagay doon ay. Goodmorning Ms. Beautiful -CB nilagyan ko pa ng initials ko, para naman hanapin nya ako. Hahaha

Pero bigla nalang akong nanlumo sa nakita ko. Habang papunta ako sa hallway nila, nakita ko sya sa labas ng room nila na may hawak ng bouquet of roses and masayang masaya nya itong inaamoy. Biglang nagbago ang maganda kong umaga. Tumalikod ako ng may sama ng loob dahil may iba ng nagpapasaya sayo at parang inapakan ang buo kong pagkatao dahil walang wala ang mga binibigay kong gumamela sa hawak mo ngayon. Itinapon ko nalang ang inipon kong gumamela at umuwi nalang.

Balisang balisa ako buong araw halos di ako makakain ng maayos at hindi ako makapagisip ng maayos. Ganito talaga ang tindi ng epekto mo saakin, Ashley. Mahal na mahal talaga kita.

Tinigil ko na ang pagtetext at pagbibigay sa kanya ng bulaklak. At hindi ko na rin magawang tignan ang mga gumamela pag nadadaan ako don. Lalo ko lang naalala ang maamo mong mukha dahil sa gumamela na iyon. At sobrang naguiguilty ako sa sarili ko.

At napagaalaman ko pa na iyong kaklase mo palang si Richard ang pumuporma sa iyo. Ashley naman sa dinadami bakit si Richard pa. Di hamak na mas nakakaakit at napakamysterious ng name kong Cleo diba. Pero nasobrahan na nga yata sa pag mysterious dahil nasawi ako.

Pero kung gano kakorni ang name nung unggoy eh, di hamak na mas lamang talaga sya sakin sa kgwapuhan wala pa nga yata ako sa talampakan nya eh. Mas lalo akong nadismaya at nawalan ng gana.

Lagi ko kayong nakikita magkasama, masaya, magkahawak ang kamay, at tipong road to forever na. Samantalang ako. Eto nagmumukmok sa room, nabagsakan ng langit at lupa. Bakit ba kasi di ko magawang umamin sa iyo noon?! Bakit ba kasi pinatagal ko pa?! Halos masuntok ko na ang arm chair ko sa gigil ko. Ano ako ngayon?! Nga nga! Bwiset.

Umabot din ng bwan at hindi ko na talaga matiis ang mga nakikita ko at nararamdaman ko. Wala na akong pakielam kung napamahal kana sa Richard na iyon pero gagawin ko na talaga. Hindi ko na kayang itago pa ito. At anong malay natin na kapag ginawa ko ito ay biglang magbago ang isip mo at piliin mo rin ako. Na parehas lang pala ang nararamdaman natin. Na mahal kita at mahal mo rin pala ako at hinihintay mo lang magtapat ako saiyo personally. Oo tama.

Aamin nako sayo.

Pagkatapos ng klase namin ay agad agad akong lumabas ng room at tumakbo papunta sa room nyo. But badly nahuli na ako. Sabi ng isa mong classmate maaga kayo dinismiss kaya maaga karin nauwi. Tinanong ko kung kasama ba nya si Richard pero ang sabi nila ay hindi dahil hindi naman daw ito pumasok. So may chance pa ako.

Tumakbo ako palabas ng school at baka mahabol ko pa kita. Magdidilim na rin kaya dapat makita ko kaagad sya. Hindi ko dapat palampasin ang pagkakataong ito at masabi ko na sakanya kung gaano ko sya kamahal.

Sa wakas. Nakita ko rin sya kahit malayo at likod palang ang nakikita ko alam kung sya yon. Nagmamadali akong tumakbo papunta sa kanya pero napahinto ako ng may dalawang lalaking lumapit sa kanya at talagang ginigitgit sya. Kinabahan ako nun dahil alam kong dimo sila kilala kaya lalo kong binilisan yung takbo ko para tulungan ka pero nahuli nanaman ako.

Napatigil ako ng biglang lumapit si Richard sa inyo at napaalis nya yung dalawang lalaki. Nakita kong niyakap mo sya habang umiiyak at sobra nanaman akong nasaktan sa nakita ko. Ramdam kong may namuong tubig sa gilid ng mata ko ang the next thing I know is, umalis na kayo. Umalis kana, palayo saakin. Napatikom nalang ang mga kamay ko sa inis at sakit.

Pero nagpapasalamat parin ako at dumating sya kaagad at nailigtas nya si Ashley, na dapat ako ang gagawa noon. At hindi ko nanamang nagawang umamin sa taong mahal ko. Sobrang sakit ang nararamdaman ko at halos hindi na ako makahinga sa pag iyak ko. Wasted na wasted ako at parang any moment babagsak na ko.

Sobrang sinisi ko ang sarili ko dahil sa dami ng oras at panahon ang sinayang ko. Hindi ko manlang nagawang ipaglaban ang nararamdaman ko para sayo. Wala akong ginawa kundi ang pangunahan ang pagiging torpe ko. Ngayon lubos lubos akong nasasaktan dahil ang taong mahal ko, unti unti ng napapamahal sa iba.

Naglakad lang ako ng naglakad kahit diko naman alam kung saan ako papatungo. Wala akong nararamdaman ngayon kundi sakit at guilt. Kasalanan mo rin naman ito Cleo. You choose to hide your feelings about her. Nagpakaduwag ka! Nagpatalo ka dahil lang sa torpe ka! Di ka tunay na lalaki!

Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon pero may sobrang nakakaasilaw na bagay akong nakita. Dahil sa sobrang pagiyak ko malabo ang mga ito. Sobrang manhid na rin ng buong katawan ko kaya hindi ko na pinansin dahil ang tanging nasa isip at laman lang ng puso ko ay si Ashley.

I just want to be with you forever, Ashley. I love you so much.

-
April 19, 2017

His and Her SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon