Prologue

21 2 0
                                    

Sinusubukan kong magsulat gamit ang mga alaala.

Sana maging masaya ang resulta.

Sana hindi lang puro masakit ang matipa.

Sana di lang puro pait ang nadama.

Naalala ko pa, nung unang magtagpo ang ating mga mata.

Naalala ko pa, kung paanong makita kang ngumiti ng abot tenga.

Naalala ko pa, kung gaano tayo kasaya.

Kung paanong nawala ang luha at napalitan ng tawa.

Ikaw? Naalala mo pa ba?

Kung paano mo sinabi sa akin ang yung mga banat na bentang-benta.

Kung paanong ang yakap mo ang sa akin ay nagpapakalma.

Na ang simpleng hawak mo, ang aalis sa aking mga luha.

Naaalala mo rin ba?

Yung pag uusap natin magdamag?

Yung pag kumpas ng mga kamay kasabay ng pagbitaw ng simpleng hi.

Yung pakikinig sa iisang musika.

Yung tingin na parang tayo lang dalawa.

Kaso iniwan mo ako, Sana hindi nalang kita nakilala.

Sana hindi nalang.

Nagmamahal, Ki.

Sana Hindi NalangWhere stories live. Discover now