Chapter 1

21 2 0
                                    

"Pansamantalang unan,

Sa tuwing ika'y nahihirapan.

Pansamantalang panyo,

Sa tuwing ika'y nasasaktan."

Narinig ko ang malamig na boses ni EJ kasabay ng pag strum ng kanyang gitara. Pero bakit parang pang luksa ang kinakanta nya.

"Uy bess"

"O? Bakit?" tanong nya sakin kasabay ng pag kunot ng noo nya.

"Broken ka?"

"I'm not. Wala namang kami e" at saka sya umiwas ng tingin.

"Why? Nagtapat ka na ba? Binasted ka? Resbakan ko na? O ano? Sino ba yun?"

"Hindi pa ako nagtatapat" Napatingin ako sa kanya. Nilalaro nya ang kanyang daliri. Well, I find cute. Torpe talaga sya, hays.

"What? Ang torpe mo talaga. Kaya ka nauunahan e."

"You can't blame me"

"Magtapat ka na kasi" Tapos niyugyog ko sya ng niyugyog.

"Fine. Oo na"

"Okay" Tumayo ako at inayos ang sarili ko. "Tara na"

"Saan?" Tanong nya habang inaayos ang kanyang gitara.

"Magtatapat ka na sa taong gusto mo diba?" Hinila ko sya palabas ng bahay namin.

"Uy Ki ano ba?" Hindi ko sya sinagot.

"Okay. Tawagan mo na yung taong gusto mo tapos papuntahin mo dito sa bahay." Tiningnan nya ako ng nalilito.

"Fine" Kinuha nya yung cellphone nya sa bulsa at nagdial ng number.

"Bilis. Ano ba ang tagal"

"Sandali lang kasi" Naiinis na din sya. Hahaha.

"Ma'am may tumatawag po" lumapit yung maid namin dala dala yung cellphone ko.

"Ahh. Thanks"

Sinilip ko ang screen para malaman kung sinong tumatawag. Ahh si EJ.  Hah? Wait! Si EJ?

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nakita ko syang nakatitig sakin na nakangiti. Anong nangyayari? Wala akong marinig kundi ang tibok ng puso ko. Ano ba to? Hindi ko maintindihan. Baka naman mali lang sya ng tinatawagan?

Sinagot ko ang tawag nya nilagay ko it sa tenga ko. Nanginginig ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinakabahan. Bakit ganito kalakas ang kabog ng dibdib ko?

"Ki gusto kita" Sinasabi nya ang mga salitang yun habang lumalapit sakin. Lumalakas lalo ang tibok ng aking dibdib.

Lumapit sya sakin "Mahal na nga ata kita" niyakap nya ako. Mahigpit na mahigpit. Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit. Mahal nya ako? Bakit? Paano? Kelan pa?

Humiwalay sya sakin. Tinitigan nya ang mga mata ko gamit and maupungay nyang mga mata. At ngumiti sya gamit ang kanyang mapulang labi. Niyakap nya ulit ako. Sana hindi na matapos ang oras na to. Mahal nya ako, Mahal nya din ako.

Sana Hindi NalangWhere stories live. Discover now