Chapter Twenty-two

19 0 0
                                    

Seryoso, hindi ko alam kung ano itong mga nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw. Dati, wala naman akong pakealam kung may kasama siyang babae, wala naman akong pakealam talaga. Pero ngayon? Para bang nagseselos yata ako at worse ay nagagalit pa. At ang isa pa ay nai-insecure ako sa mga babaeng nakapaligid sakanya.

I kept on asking myself kung maganda bang sagutin kona siya. Masyado bang mabilis?

Dumaan ang mga sumunod na araw at buwan na nang Marso. Malapit na ang birthday ni Stephen! Pero sa March 29 pa 'yon. Mabilis lang naman ang mga araw kaya maghahanap na'ko ng pwedeng i-regalo.

Nasa school kami right now, I'm not with Stephen, I'm with Susie. Pero minsan ay nakakasabay namin siya tuwing lunch, medyo busy kasi ang isang 'yon.

"Susie." Tawag ko sa bestfriend ko na kasalukuyang pumipindot sa kanyang phone. Siguro ay katext ang kanyang bagong boyfriend. Yes! Nagbreak na sila noong dati, alam niyo ba na nagsleep-over siya sa amin at umiyak siya buong gabi? Magang-maga tuloy ang mata pagkagising ng umaga.

"Hmm?" Tanong niya na hindi man lang tumitingin sa akin.

"Can you help me out?" Kinagat ko ang lowerlip ko. Tumingin naman siya akin at tumaas ang kilay niya.

"Saan?" At tumingin muli sa kanyang phone.

"Malapit na kasi ang birthday ni Stephen, samahan mo naman akong pumili at bumili ng regalo sakanya oh!" Pagpupumilit ko.

Ngumisi naman siya. "You're falling for him." Sabi niya.

"Ha?" Tanong ko naman.

"You can't fool me, Cassie." Ngiti niya. "Ngayon ka lang yata nagpatulong sa akin sa mga ganyan dahil ang alam ko'y wala kang pakealam sa mga boys. Ang bitter mo kaya!" Halakhak niya.

Anong bitter? Hindi no!

"Hey! Tama na ang satsat just help me, okay?"

"Alright. Let's go. Malapit na ang next class natin." Sabi niya sabay kuha ng mga gamit niya sa mesa. Biglang nagring ang phone niya kaya sinagot niya ito.

"Hey baby... uh-huh.. yes.. papunta na.. saan dyan?.. oh okay.. I'll be there in 5.. bye.... I love you!"

"Cassandra. Mauna kana, susunod nalang ako." Sabi niya.

"Ha? Bakit?" Kumunot naman ang noo ko.

"Magkikita muna kami ng boyfriend--"

Umirap nalang ako. "Whatever, Susie! Bahala ka kapag nasaktan ka ulit. Bye!" Sigaw ko dahil naglalakad na pala siya paalis. Ugh!

"Bitter mo, Cassandra!" Sigaw din niya pabalik kaya napatingin sa akin ang mga students. What?

**

Nakikinig ako sa aming lecturer sa kanyang pagdi-discuss about something nang dumating si Susie. Omg! Terror pa naman itong teacher na 'to. Hala lagot, Susie!

"Why.are.you.late?" Mariing tanong nang lecturer sa kaibigan ko. Oh noes!

Nakatingin sa akin si Susie at alam kong humihingi siya nang tulong! Ano ba 'to! Susie naman kasi e.

Tumayo ako kung kaya't napatingin ang mga kaklase at ang lecturer namin sa akin. "Yes, Ms. Romero?" Tanong niya. Kinakabahan ako!

"Uh.." Kinagat ko ang labi ko dahil sa kaba. Oh, Susie may utang ka sa'kin ngayon! "Sumakit lang po yung tiyan niya kaya po nalate po siya today. Nakalimutan ko lang pong sabihin sa inyo dahil nawala sa isip ko pagkapasok niyo."

Kumunot naman ang noo ng lecturer. Please, please!

"Okay, sit already. Nakakaabala ka." Irap pa niya. Thank you, Lord at ligtas si Susie! Joke.

Naupo na sa tabi ko si Susie kung kaya't dumaldal nanaman siya. Bumubulong siya nang kung ano-ano tungkol sa boyfriend niya habang nagdi-discuss ang aming guro! Imagine that. Goodness, Susie.

Natapos ang klase at salamat dahil hindi siya nahuli, kung oo ay wala na'kong alam na palusot. Pagkalabas ng classroom ay pinaghahampas ko siya ng notebooks. "Ouch, hey!" Daing niya.

"Anong ouch, ha? Bakit ka nalate? Ano, ha?" Inis na sabi ko sakanya. Umirap lang siya kaya mas lalong nainis ako. "Ano ba Cassandra, ang bitter mo talaga! Sagutin mo na kaya si--"

Hindi na natapos ang sasabihin niya dahil natigilan siya. Natigilan siya dahil papalapit si Stephen na may dalang bulaklak sa kanyang kamay. Seriously?

"Omg girl!" Tili ni Susie at pinagkukurot ang tagiliran ko. "Omg! Yan ah huwag ka nang maging bitter! Bye, puntahan ko lang boyfriend ko." Dagdag niya.

He smirked. "Bitter ka daw? Bakit?" Tanong niya.

"Uy hindi no!" Depensa ko. Hindi naman talaga. "Huwag mo nalang pansinin si Susie. Para kanino yan?" Turo ko naman sa bulaklak na hawak niya. It looks good, and smells good.

"Kay Tasha--joke!" Biro niya.

Your joke isn't funny. Tinalikuran ko siya at umalis sa tabi niya. Pupunta nalang akong canteen! Leche.

"Uy! Cassandra naman nagjojoke lang e." Habol niya sa akin. Mabilis akong lumakad kung kaya't tumakbo siya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyante ngayon.

"Ay LQ!" Ay 'te! Hindi kami lovers kaya walang quarel. Gusto kong isigaw sakanya yon!

"Diba boyfriend ni Tasha 'yan?" Dinig kong sabi ng isa pa. Bwisit, magsama kayo!

"Miss, hindi kami ni Tasha. Kami ni Cassandra." Natigilan ako sa paglalakad. What?

"Hoy!" Sigaw ko papunta sakanya.

Tinaas lang niya ang kilay niya. "Ano?" Tanong niya pagkatapos ay kinaladkad ako papuntang canteen. Aba!

"Upo." Utos niya.

Hindi ko alam pero sumunod naman ako. Bigla siyang ngumiti, ang gwapo ni--- Kyle. Oo, yung classmate niya. Tss.

"Pasensya na, pinagseselos lang naman kita. Ang cute cute mo kasi--"

"Ano ba! Wala akong pakealam kung cute ako o ano!"

Tumawa naman siya ngayon at umupo sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis ko itong kinuha.

"Ayoko na palang nagseselos ka, nakakatakot. Baka kasi iwan moko e."

Inabot niya sa akin ang bulaklak na ibibigay niya kay Tasha. "Oh bakit mo binibigay sa akin yan? Hindi ba kay Tasha yan?" Tanong ko pagkatapos ay tinaasan siya ng kilay.

"Syempre joke lang yun ano ka ba. Para sayo talaga 'to." Nang bigla niyakong niyakap. "Ang ganda ganda mo, wag moko iiwan ah?" Sambit niya.

At narinig ko nalang ang sigawan ng mga tao dahil sa may nahulog at nabasag na bote sa kabilang table.

"Ang sweet niyo naman." Sabi ni Tasha.

Anong gagawin niya?

Alone (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon