the post

619 42 20
                                    

"I've seen a lot of pretty girls in my life, but none of them is as pretty as you are."

Teka, ano?

Ano 'tong binabasa ko?

Bakit may litrato ako rito?

Sino bang kumuha ng photo na 'to?

"Ano ba 'to?!" Tanong ko kay Elisse na kanina pa pinagmamasdan ang mukha ko habang binabasa ang post na ipinakita nya sa akin. "Di ko maintindihan, ano ba yan?"

"Well, believe it or not, yan rin ang tanong ko sayo." Aniyang natatawa, matapos nyang kunin ang phone sa mga kamay ko at tiningnan ito ng maigi. "Girl, viral ka na! Tingnan mo oh, dami nang likes!"

Paano ba hindi dadami ang likes ng post na yon? Sino ba namang baliw ang naisipan na kunan ako ng litrato habang takam na takam akong kumakain sa McDo, nang walang suklay, gulong gulo ang buhok, walang pake sa mundo?

Okay, aaminin kong kasalanan kong napaka-haggard ko ng oras na 'yon, at aaminin kong siguro walang masama sa ayos ko, pero seryoso? Para maglagay pa ng caption na 'none of them is as pretty as you are', niloloko lang ba ako nito? Isa ba to sa mga taong mahilig akong pagtripan?

"Itago mo na yan," sabi ko. Wala akong pakealam sa kung sino man ang may gawa nyan. Pretty, utot mo. He made me a laughing stock. Viral ako, hindi sa paraang gusto ko, kundi dahil pinagtatawanan ako ng mga tao.

"Uy, ano ka ba. Wala namang masama sa post na 'yun ah." Sabi ni Elisse, habang naglalakad kami papunta sa campus. "I'm sure na-appreciate ka lang non."

Appreciate?

Pwede namang ipicture ako habang maganda ako di ba? Habang nakaayos ako, habang maganda suklay ng buhok ko. Habang maganda ako.

"Sigurado akong pinagttripan lang ako non." malamig kong sambit. "Ganyan sila eh. Jan sila magaling."

"Hala, hugot mo naman." Tawa ni Elisse. "Move on ka na!"

Move on? Matagal na akong naka-move on. Isang taon na rin ang nakalipas simula nung nawasak ang puso ko para sa isang lalakeng gusto ko. Crush lang naman yun, pero masakit pa din. Masakit pa rin na malamang may ibang tao nang nagpapasaya sa kanya at hindi ikaw 'yon.

"Uy, si Tanner!" Biglang sabi ni Elisse, sabay siko sakin. Napatigil ako sa paglalakad para tingnan ang taong unti-unting papalapit sa direksiyon ko.

Tanner?

"Hey, Maymay." Sabi nya pagkalapit nya sa akin. Di ko lubos na maintindihan ang expression nya. Nakaramdam ako ng nerbyos ngunit pinilit ko sumagot.

"Ha? Ano 'yon?"

"Can I talk to you for a minute?" Sagot nya, sabay iwas ng tingin sa akin. "Alone?"

"Ah, oo naman." Sambit ko, habang iniisip kung anong maari nyang sabihin sakin. Tiningnan ko si Elisse, at binigyan nya ng masamang tingin si Tanner bago hinawakan ang kamay ko at umalis.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nakaupo na rin kami ni Tanner sa lilim ng isang puno sa labas ng canteen. Di ko sya lubos na matingnan kaya hinayaan ko na lang na sya ang maunang magsalita.

"It's about Cora."

Napatingin ako sa sinabi nya. "May nangyari ba sa kanya?"

"I don't think I really love her."

Nabigla ako sa narinig ko. "Ano?"

"Maymay, I just realized all this time, I might have been in love with you."


• • •

And that's the first part! Please don't bash me. Hahaha. First pa naman yan! Hintay lang po kayo. Haha. Thank you. :)

How was it?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Virtually Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon