I miss you

3 0 0
                                    


"Wait, wait for me please ken tumigil ka naman!" 

Basang basa na ko ng ulan pero walang ni isang sulyap yung natamo ko.. Para syang walang naririnig. Ano ba? Di ka naman ganyan dati ah? Pansinin mo naman ako kahit saglit lang. Miss na miss na kita ken. 

 Sinundan ko sya, teka.. Isang pamilyar na lugar yung nakita ko habang papalapit.. 

Tama, yung simbahan na lagi naming pinupuntahan noon. 

Hmm tama ba yung nakikita ko? Umiiyak sya. Nakatungo. Ramdam ko yung sakit kahit nasa malayo lang ako, di ko sya magawang malapitan, ilang beses kong tinangka pero sa tuwing mapapalingon sya napapakubli ako na tila nagtatago.. 

 "Ken, wag ka na umiyak.. Mahal na mahal kita. Palagi mong tatandaan yan" napabulong nalang ako sa sarili ko. Kung maririnig mo lang sana, kung pwede ko lang sanang pawiin yung mga luhang dumadaloy sa pisngi mo. Gagawin ko. Gustong gusto kita yakapin. Gusto ko iparamdam sa'yo na andito lang ako lagi para sayo. 

Pero di ko magawa, bakit parang laging may pumipigil sakin para lapitan ka?Nakita kong nagpalingon lingon sya sa paligid na parang may hinahanap, mas napansin ko ang malakas nyang pag iyak.. 

 Lumakad sya palabas ng simbahan at sinundan ko ulit sya.. Isa nanamang pamilyar na lugar yung naalala ko ang pinuntahan nya.. 

Tama, ito yung lugar kung saan una kaming magkita at magkakilala..Ang di ko lang maintindihan, namimiss nya ba ako? Pero bat di nya mapansin na tinatawag ko sya kanina? Alam kong alam nyang ako yun, na boses ko yun. Kilala nya ako. Sa pitong taong pinagsamahan namin imposibleng di nya kilala boses ko. Teka unti-unti na kong naguguluhan.. 

 Naupo sya sa isang bench nung lugar.. Malalim yung iniisip. Pumapatak nanaman yung mga luha sa mata nya. 

 "Please wag ka umiyak.. ang sakit na makita kang ganyan" bigkas ko..Ilang hakbang lang ang layo ko sa kanya kaya paniguradong naririnig nya ako. 

Nagulat ako sa reaksyon nya, halata sa itsura nya ang pagkagulat kasabay ng lungkot sa mga mata nya na may kasamang pagkasabik at matamlay na ngiti. May idinial sya sa phone nya..

 "Okay lang ako.. Yep pauwi na rin.." 

 Teka sino yun? Bago nya? Pero bat.. 

 "Kanina ko pa nararamdaman si Caleigh, alam kong andito lang sya sa paligid Andrew" 

 Si Andrew pala, bestfriend nya..Pero..Wait..Anong sabi nya? Nararamdaman? 

No. Please no. Sabihin mo saking mali ang narinig ko. Sabihin mo saking nananaginip lang ako please! Ken! 

 Pumunta ako sa tabi nya.. niyakap ko sya. 

At last! Nagawa ko! Nagawa kong yakapin ka!Pero.. 

 "Caleigh I know it's you simula sa cemetery, sa church, hanggang dito sa park alam kong kasama kita.. Sana okay ka lang kung nasan ka man na ngayon.. Masakit maiwan mo Caleigh pero alam kong ang makakapagpatahimik sayo ay pagpapalaya ko.. Pinapalaya na kita, tinatapos ko na paghihirap mo.. Antayin mo lang, magkikita rin tayo ulit. I love you so much"

 Sabay ng pagpatak ng luha nya ay ang pag agos ng luha ko.

 Kaya pala hindi nya ako nililingon dahil hindi nya ako nakikita 

 Kaya pala parang naririnig nya ako dahil nararamdaman nyaPumikit ako, 

at bigla kong naalala ang huling pangyayaring di ko inakalang magpapabago sa amin.. 

 From: Babe 

 Meet tayo sa coffee shop na fave natin, miss you so much! Take care! I love you!

 Kilig na kilig ako kahit sa simpleng message nya, sino ba namang hindi e napakaswerte ko sa boyfriend kong yan! 

 Nagbihis ako at naghandang pumunta sa kanya.. 

Malapit lang naman mag iinarte pa ba akong magpasundo. Walking distance nga lang e. 

To: BabeOkay, see you! Malapit na ako. I miss you so much too! I love you more! 

 Isesend ko na sana ng-- *beeeeeeeeep* 

 "YUNG BABAE! Nasagasaan! Tulong!" 

 Nakita ko yung sarili kong nakahandusay sa tabing daan. 

Tinamaan ng sasakyan na nawalan ng preno. Pinagkalipunpunan ako ng tao.. 

 Nagmulat na ako, pero ibang lugar na yung nakita ko.. wala na ako sa tabi ni Ken. 

Please GOD kahit ilang saglit lang.. Pero wala.. Alam kong hindi na pwede.. 

 Pinalaya mo na ako kahit alam kong mahirap para sa'yo kaya kailangan ko rin tanggapin kahit na hindi ko inakalang sa ganitong paraan tayo magkakalayo.. 

 Ken, you know how much I love you and I am so lucky na naging parte ka ng maiksing existence ko sa mundo. I love you Babe! Magkikita rin tayo. Hindi pa siguro ngayon pero aantayin kita.. Sana sa ngayon maging masaya ka. Andito lang ako lagi babe. I miss you. -Caleigh  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 22, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SEE YOUWhere stories live. Discover now