Exactly 5 years later
April 17
*now playing: spring again by cao lu, kisum and yerin*
*door bell*
"Aish, ano ba naman" binaba ko na yung aklat na binabasa ko at inopen ang pintuan para kunin yung package na pinadala sakin ng ate ko. Binaba ko na ito at dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain at bumalik sa sofa para manood ng cooking show na pinapalabas ngayon.
"Ohh JooAh eating again and again!" biglang umupo sa tabi ko si Eunji kaya napatayo ako.
"Aba anong masama dun? Sinabihan nya kasi ako na kumain nang madami kaya eto" sabi ko sabay hawak sa tyan ko.
"Ehh? Ano ka dyan! Manood muna ako" inagaw nya ang pagkain na hawak ko at pinalitan nya yung channel kaya nainis ako.
"Anubayan, alis nalang ako" kinuha ko na yung coat, payong at bag ko bago lumabas na ng bahay.
"Uyy ingat!" sigaw nya at sinerado ko na yung pinto at binuksan na yung payong bago ako maglakad. Simula nung mga araw na naghintay ako, nagkaallergy ako sa pollen, at nasasawa na ako sa mga magpartner na laging dumadaan sa harap ko.
I never enjoyed spring again since he left.
Hay. Ganyan talaga. Ilang minuto din ako nakadating na ako sa caffe, ang shop na kung san ako nagtatrabaho noon, at pagmamay ari ko na ngayon. Pumasok na ako at yung mga staffs ko agad ang sumalubong sakin.
"Good morning ma'am and have a happy spring!" sabi sakin ni Sangeun habang tinatanggal ang coat na suot ko. Pumunta ako sa second floor sa may balcony kung san tanaw na tanaw yung cherry blossom tree na kung san kami huling nagkita. Umupo ako nang maayos sa may stool at inabot na sakin ng isang staff ang tsaa ko at umalis rin sya agad.
To whom did spring really come when it doesn't benefit and made me smile afterall?
Ang ganda kaya ng spring noon. Oo, noon lang. Pero bakit parang bumabalik na rin yung dating spring na paborito ko? Bumabalik na ito dahil makikita ko narin sya muli. Pinagmasdan ko lang yung bracelet na binigay nya sakin.
"Ang ganda naman nyan." napatingin ako sa nagsalita.
"Ahh, Seulbi! Upo ka" napangiti sya nang malapad kaya napangiti rin ako. Sya yung rason kung bakit nakilala ko first love ko.
"Napadaan ka man?"
"Ah eh oo, iba pala talaga magmahal ang mga tao lalo na kapag di mo sya laging nakikita" hinawakan nya kamay ko at tumingin sakin.
BINABASA MO ANG
Always in spring // hslo ff
NouvellesJoo Ah, a girl who fell in love in the middle of spring and have been left at the same place. She knows that her first love will come back for her, but will fate really bring them back together at the spring day when they first love each other?