Chapter 2

8 0 0
                                    

"Yess! Tanggap ako! Yes!"

.

Tapos na ang Klase. Masayang masaya si Mac. Tinawagan sya ng Company na inapplyan nya para sa OJT nya. Sino bang hindi matutuwa? Sa D.T.I. sya mago-OJT isa sa pinakamalaking Company sa bansa.

.

4th Year College na sya. Tatlong taon na ang nakalipas matapos ang nasaksihan nyang malagim na aksidente.

.

Halos ilang araw din syang tulala at hindi makausap nun. Medyo na-Trauma din siguro sya sa nangyari. Kahit sino naman siguro.

.

Paminsan-minsan ay naaalala nya. At nalulungkot sya sa tuwing maaalala nya. Pero hindi nya narin masyadong iniisip.

.

"Oh dre! Ang saya mo ah? Sinagot kana ba ni Kim?"

Biro sa kanya ni Gio.

.

"Huh? Hindi.. Hindi pa. About to sa OJT. Natanggap ako sa DPH"

.

"Woah! Astig! Wala pa tumatawag saken sa mga inapplyan ko eh."

.

"Hahaha nagulat ka pa. Makita lang yung Picture mo sa Resume di ka talaga tatanggapin kahit saan eh.."

Biro nya kay Gio

.

"Gagu sa Pogi kong to? Hoy teka san ka pupunta? Kala ko maglalaro tayo?"

.

"Tatawagan ko lang si Kim. Magkikita kami ngayon eh. Sasagutin na yata ako eh.."

Paalam ni Mac sa Kaibigan.

.

"Wow! Sige goodluck dre! Saka Congrats nadin!"

.

○●○

.

Naglakad na papalayo si Mac. Dinial nya yung number ni Kim sa Phone nya.

.

*Riiiiing.. Riiiiiing..*

.

"Oh? Bakit?"

Sagot ni Kim sa kabilang linya.

.

"Hi Kim. Saan ba tayo magkikita saka anong oras? Nae-excite tuloy ako sa sasabihin mo saken."

.

"Ahh.. Whatevs.. Ahmm dun nalang sa may Coffee Shop malapit sa School ko. 3pm yung out ko eh so mga 3:30 tayo magkita dun. okay?"

.

"Sige sige! See you Kim!"

.

"Baka naman mauna pa ako sayo dun ah? Ayokong maghintay!"

Pasigaw na sagot ni Kim

.

"Hindi hindi. Maaga ako dun don't worry."

.

"Good! See you then!"

.

"Ingat ka Kim. I Love.."

.

*click*

.

Di na sya pinatapos. Binabaan na sya ni Kim.

.

○●○

.

Matagal nang nililigawan ni Mac si Kim. Mag-iisang taon nadin siguro. Bihira sila magkita, magkaibang school kasi ang pinapasukan nila. So kapag gusto lang ni Kim sila nagkikita talaga. Tulad ngayon.

.

Kadarating lang ni Mac sa may Coffee Shop na meeting place nila. As usual nauna sya dun. Naupo muna sya sa isang table habang naghihintay kay Kim.

.

"Nasan na kaya yun? Magf-4pm na oh! Sabi nya 3:30? Haaaay.."

Nasabi nya sa sarili. Medyo naiinip nadin kasi sya maghintay.

.

Tinry nyang tawagan pero naka-Off ang Phone.

.

4:12pm may pumasok sa Coffee Shop. Si Kim. Inikot nya ng tingin ang buong Shop, hinahanap si Mac. Nakita sya ni Mac, kumaway ito at agad na nilapitan ni Kim.

.

"Kanina pa kita hinihintay. San ka paba galing? Order kana dali.."

Bati ni Mac. Halata sa mukha nya na masaya itong makita si Kim.

.

"It's okay, no need. I'll just make it quick.."

"Mac, let's stop seeing each other like this. Itigil mo na ang panliligaw."

Straight to the point na sinabi ni Kim. Wala syang paki kung masaktan si Mac. Di uso sa kanya ang "Break it to me gently"

.

"Wh.. what? Wh.. why?"

.

Nanginginig pa ang boses na tanong ni Mac. Nagulat sya mga narinig. Ang buong akala nya ay sasagutin na sya ni Kim pero kabaliktaran pa ang nangyari.

.

"Huh? I don't really need to explain right?" Basta stop courting me!"

Malamig na sagot ni Kim.

.

"P.. pero Kim.. I.. I Love you. I need to know why.."

Naguguluhan padin si Mac.

.

"Wala nang pero pero. Basta wag mo na akong ligawan."

.

"Pero bakit nga? Hindi naman kita minamadali. I'm willing to wait for you.. Please?"

Hinawakan nya yung kamay ni Kim na parang nagmamakaawa.

.

"Enough! How can you even court me? I have a boyfriend already!"

Tinapik nya yung kamay ni Mac na nakahawak sa kanya.

.

Wala nang nasabi pa si Mac. Nagulat at naguguluhan parin sya sa mga pangyayari.

.

Tumayo si Kim at dire-direchong lumabas ng Coffee Shop. Naiwan naman si Mac na nag-iisa at nakatulala.

.

.

○●○

My Girl of Steel (Postponed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon