Elena's POV
First day of school. Hay! Para akong si Dora na naliligaw. Ang laki-laki ng school na ito kumpara sa school ko sa probinsya nung high school. Hawak-hawak ko yung mapa ng St. Celestine University kung saan first year college ako sa kursong BS Education. Pakiramdam ko nga hindi ako dapat nandito eh, dapat nakontento na lang ako sa isang state university sa Sta. Catalina.
Bakit nga ba ako nandito?
Ahhh, Para nga pala alagaan yung dalawang mayamang brat na anak nung nagbigay ng scholarship sa akin. Dejoke lang! Mga kaibigan ko yun, nagkataon lang talaga na medyo kapos kami sa buhay habang silang dalawa mga anak mayaman sa probinsya namin.
"Elena!" Ayan bago ko palang sila ipapakilala paparating na sila.
"Aine Rose, Kathleen.." Nginitian ko sila. Maganda yan mga yan. Makinis pa, hindi ko nga alam kung bakit naging kaibigan ko sila eh, hamak lang namang trabahador sa palayan nila yung mga magulang ko.
"Kamusta?"
"Uhh.. eto, sumasakit na yung ulo ko sa pag intindi nitong mapa na to. Bat naman kase ang laki-laki ng school na to eh." Sabi ko sabay kamot sa ulo ko. "Kayo kamusta? "
"Tapos na yung first subject ko, after one hour pa yung next." Sabi ni Kathleen.
"Ako mamayang hapon pa, Ikaw Lena?"
"Hmmm.. Thirty minutes pa, Philo 101 Jarrow building." Sabi ko habang nakatingin sa syllabus. Napansin ko na hindi na nagreact yung dalawang kinakausap ko kaya tinignan ko sila.
Tumaas ang kilay ko nung nakita kong nanigas silang dalawa sa kinatatayuan nila, halos malaglag na nga ang mga panga. Sinundan ko agad ng tingin kung anong tinitignan nila.
Sa isang gilid napapaligiran ng mga babae ang limang gwapong nilalang. Okay gwapo sila. Gwapo lang sila, period! Other than that wala na akong ibang nakikitang dahilan para hangaan sila. Sila yung mga tipo ng taong kailangan mong iwasan kung gusto mong mabuhay ng tahimik at isa ako sa mga taong yun.
Wala bang dress code sa school na ito? Okay lang naman siguro kung naka pants at shirt pero jusme naman, Kailangan ba talagang halos lumabas na yung mga kaluluwa nila sa ikli ng mga damit? Tuwang-tuwa naman yung mga lalaking yun. Nakakaboso ba naman sila eh! Uhhh! Nakakainis! Mga manyak!
Naglakad sila papunta sa side namin at halos lahat ng madadaanan nila umiiwas talaga. They're all good looking alright pero isa lang yung nakakuha talaga ng atensyon ko.
Yung lalaking naka akbay sa dalawang babaeng mukhang member ng cheering squad. Oh, well, gwapo siya. Ang amo ng mukha niya na mukhang hindi bagay sa ugali niya. Kulay brown yung mga mata niya at medyo pangahan ang mukha niya, at siya yung tipo ng taong kailangan mong iwasan.
"Oh my gosh! Kathleen!!! Paki pulot nga nung puso ko! nalaglag ata!!" Tumatalon pang sabi ni Aine
"Aine buti nga ikaw puso mo lang yung nalaglag, ako pati panty ko lumuwag!"
Urgh! Para silang mga baliw! At talagang sa may gitna pa sila umarte ng ganun. Nakakahiya!!
"Tumigil nga kayong dalawa diyan! Nakakahiya kayo." Saway ko sa kanila. Tinignan lang nila ako na parang nagtataka.
"Hindi ka man lang ba kinilig Lena? Ohmygosh! Ang mga heartthrob ng St. Celestine 'yon. Tapos yung pinakagwapo? Yung may kaakbay na dalawang babae? That's Stephen Araullo. Ang gwapo-gwapo niya, hindi ba?" Sabi pa ni Aine na nangingiti.
Stephen Araullo pala name niya,
"Gwapo siya okay. Pero hanggang dun lang 'yon. Kung wala yung mukha niya tingin nyo ba magkakaganyan kayo sa kanya?" Tumingin na ulit sila sa akin. "At saka, pano nyo nakilala yung Steven na yun eh 'diba nauna pa nga ako sa inyong dalawa dito para ayusin yung apartment natin?"
BINABASA MO ANG
A playboy's rule (My Boss Series 3)|complete| AVAILABLE IN DREAME|
RomanceTrigger Warning: Mature content, may contain scenes not suitable for young audiences. Stephen Araullo. Playboy extraordinaire. Lalaking mas malandi pa sa babae. He can make your wildest sex fantasy come to life. Elena Dimagiba uptight virgin. Probin...