Bogus Three

8.7K 147 5
                                    

Naglalakad ako sa university na papasukan ko. Yes, you heard me right. Mag-aaral ako as 3rd year accountancy student. Ito din ang kondisyon niya sa pagpayag ko. Gosh, nakakaloka siya. Parang gusto ko ng magback out. Hindi siya tao! Isa siyang human! Este hindi siya tao, basta di man lang marunong magpakita ng emosyon. Lagi pang galit.

Mas gusto kong marinig ang tawa niya kaysa laging taas ng kilay at kunot ng noo ang nakikita ko sa kanya. Lagi nalang din kaming nag-aaway sa simpleng bagay.

Pero infairness ha, ang yaman ng supladong yun.  Ang nakakainis ay ako na nga itong ginawa niyang fake girlfriend, siya pa itong parang napipilitan. Ang kapal! 

Gwapo nga sana kaso ang sungit. Not my type! *roll eyes *

"Bakit parang defensive ka?" pangongosensya ng isang bahagi ng isip ko.

Ako? Defensive? Eh sinasabi ko lang naman yung totoo.Paano ko gugustuin ang isang masungit slash mayabang na lalaki na akala mo naman pasan ang mundo dahil palaging naka-poker face? 

Hah! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Malamang, wala akong mapagsasabihan ng sama ng loob ko! And speaking of being a loner, kasalukuyan akong naglalakad papasok sa malaking university. Yes, ang laki niya sobra! Parang buong barangay namin sa probinsya ay kakasya dito eh.

Nararamdaman ko na parang may mga nakamasid sa akin.Sobrang ganda ko siguro kaya ata sila napapatingin sa akin. 

Nang lumingon-lingon ako ay nakita ko ang mga taong di maexplain ang mga mukha. Nakamasid sila sa akin tapos ang epic lang ng reaction nila. Titingin sa akin, tapos tatawa. Titingnan ako mula ulo hanggang paa tapos magbubulungan at tatawa na naman. Yung totoo, uso ba ang tawa ngayon? Baka nagkamali ako ng pinasukan dahil mga baliw ang mga tao dito? Laughing day ba ngayon?

''Hey, How did you enter our school? Eww! You look like pelengkera in the market'' sabi ng maarteng babae.

Yuck, ang pula ng lipstick 'di naman bagay sa kanya.Para siyang payaso. Nakaminiskirt pa eh ang itim naman ng singit. Psh, di ko nakita, nagconclude lang ako.

''Eww, you look like pelengkera. Cheh! Mas palengkera yang mukha mo at mas lalong di ka bagay dito. Duh! Punta ka kayang bar baka tanggapin ka nila!'' sabi ko sabay talikod sa kanila.

Narinig ko pa ngang sumigaw yung babae. '' HOW DARE YOU! ''

Di ko na siya nilingon baka kung ano pang masabi ko. Ang kapal ng mukha niya! Sa sobrang kapal, pati make up niya ay makapal din. Kulang na lang sasali siya Ms. Clown of the year. T_T

Habang naglalakad ako palayo ay may narinig akong nagkomento tungkol sa akin.

''Woah, she's tough. ''

''Oo, wala sa itsura pare. Sadyang don't judge the book by its cover. Siya, panget na kaya don't judge baka mas pumanget pa!''

Dahil sa narinig kong yun ay agad na nagpanting ang aking precious ears. Sa dyosa kong 'to? Panget ako?

His Bogus Girlfriend ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon