CHAPTER TWO

14 0 0
                                    

WINTER POV

Nagising ako dahil sa malakas na pagkatok at pagtawag sakin ni Ate.

"Hoy! Winter Gail Funtasia! Gising na! Nagluto na ako!" Sigaw niya habang kumakatok.

Ba't ba ang hilig nito tawagin ako ng buong pangalan ko.

Gandang ganda sa pangalan ko.

"Oo na! Ang ingay mo!" Sigaw ko at narinig ko naman siyang umalis na.

Tumingin ako sa orasan at nakitang 8:05 AM na. Ba't parang ang tagal naman niyang nagluto?

Sabado pala ngayon. Linggo bukas at sa lunes pasukan na.

Bumaba na ako at nakahain na nga ang pagkain.

Nagsimula na kaming kumain.

Pagkatapos kumain ay umakyat uli ako para maligo.

Pagkatapos ko maligo ay nag-laptop muna ako at nag-internet.

Chineck ko lang ang facebook ko, wala namang message.

Scroll lang ako ng school hanggang sa--

(O__O)

Hanggang sa may nakita akong post.

Titignan ko sana ang comment box para ikumpirma kung siya talaga un kaso biglang nag-ring ang phone ko.

Cause baby now we got bad blood,
You know it used to be mad love,
So take a look what you've done,
Cause baby now we got bad blood~

Nabigla ako kaya aksidente kong na-exit ang fb.

Ang galing (--_--).

Wala akong nagawa kundi sagutin na lang ang tawag.

"Hello?"

[Winter!]

Si Kristine pala ito. Bestfriend ko.

"Oh?"

[Alam mo ba--]

"Di pa."

[Shhs, may ikekwento ako. May nag-chat saken tapos---]

"Tapos niligawan ka, tapos yun, binusted mo uli."

[Winter...] Sabi nya at naiimagine ko na nagpout siya.

"At dahil diyan iniimbitahan mo na naman akong mag-mall at kumain ng ice cream,"

[Ayy ang galing, alam mo na agad?]

"Ayy hindi, 'di ko pa talaga alam," I rolled my eyes na para namang nakita niya.

[Tch ba't ang sunget mo?]

Aksidente ko lang naman naexit ung fb ko na pwede sana maging daan para makita ko siya. Sabi ko sa isip ko.

[Uh pinost ko nga pala un. Bilis tignan mo hihihi~]

"Ayoko."

[Sige na. Please? Kung hindi, mango flavor ng ice cr--]

"Oo na, oo na," alam na alam niya talaga na ayaw ko kumain ng mango flavor na ice cream.

[Yey! Pupunta na ako diyan maya-maya. Dun na tayo mag tanghalian wiee.]

Atsaka ko pinatay.

Inopen ko uli ang facebook at nakita ko nga ang post niya.

Tinamad ako basahin.

Nagtataka lang ako. Sa tuwing may bina-busted siya, pinopost niya sa facebook. Halos ata lahat ng fb friends niya nala-like yun. Pag na-post na niya sa fb, yayayain niya ako mag-ice cream o 'di kaya maggala.

Tapos madami pa ang kain niya ng ice cream. Eh alam ko, madami siyang kinakain na ice cream pag malungkot yun eh, o 'di kaya broken heart.

Lalo na pag di siya pinansin ng crush niya.

'Di kaya---

*ding dong*

May nag-doorbell. Teka, si Kristine ba yun? Sabi niya maya-maya pa siya pupunta?

Ayy oo nga pala -_-. Ang maya-maya sa kanya ay ngayon na.

Alam kong nag-doorbell siya, pero alam ko ring nasa may pinto ko na siya.

"Winter!"

'Di ba? Diret-diretso lang yan eh.

Binuksan ko na lang ang pinto. Pagkabukas na pagkabukas ko,

"Winter! Ba't di mo ni-like ung post kong iyon? Mukhang 'di mo rin binasa," sabi niya at nagpout. May binulong pa siya, "pang ilang post ko na nga iyon pero 'di niya pinapansin tapos pati ikaw," pero narinig ko.

Mukhang tama nga ako.

"Sus h'wag kana nga magdrama. Sa'n ka nagdadadaan? Amoy usok ka," sabi ko.

"Huh? Amoy usok ako? Haist! Magpapalit na nga ako ng pabango. Nawawalan rin agad ng amoy," sabi niya.

"Oh ano? Alis na tayo?" Tanong ko.

"Oo sige. Bilisan mo na diyan, bababa na ako," sabi niya at bumaba na.

Nagbihis lang ako atsaka kinuha ang susi ng motor.

Bumababa na ako ng hagdan kaso itong ate ko, daldal ng daldal.

"Hoy Winter! Sa'n ka pupunta? Magmo-mall kayo? Hala sama niyo ako. Wala akong kasama dito," sabi niya, "baka may mumu dito. O 'di kaya pasukin dito, tapos patayin ako. Hala Winter," sabi pa niya.

"Kung ano-ano naman yang iniisip mo. Edi puntahan mo na lang si Irish. Magchikahan kayo, blah blah blah," sabi ko.

"Eh? Sige na nga. Wait hintayin mo ako. Hatid mo ako hehe," sabi niya.

"Luh?!" Sabi ko.

"Sige na. Plea--"

"Oo na sige na," sabi ko.

"Yey!" Sabi niya at lumabas na ako.

Ang bait ko talaga.

Our Childhood DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon