CHAPTER FOUR

8 0 0
                                    

WINTER POV

Hinila na ako ni Kristine sa isang Ice Cream Parlour.

Um-order na siya.

Pagkaupo namin naisip ko na itanong ko na sa kanya yun.

"Hoy Tin, ba't ba pag namba-busted ka tapos ipo-post mo. Maya-maya magyayaya ka mag-ice cream o 'di kaya maggala. Bakit nga ba?" Tanong ko.

Napahinto naman siya sa pagkain.

"Ha? Wala nama--"

"Kasi ilang beses mo na 'yan ginawa ta's 'di nila-like ni Ryan ang post mo? Ilang beses ka nagpapapansin tapos--"

"Oo na! Tama ka na!" Sabi niya. "Eh kasi naman eh! Huhu! Lagi ako nagpo-post pero ano? Hindi pa rin ako pinapansin huhu." Sabi niya.

Hayy tama nga ako.

"Huhuhu ba't ganun--"

"Kasi 'di ganya--"

"Hayy naman Gail eh! Seryoso kasi!" Sabi niya.

"Okay po," sabi ko. "Take 2," sabi ko uli. Tumingin muna siya sa'kin ng masama bago magsalita uli.

"Huhuhu ba't ganun? Ba't 'di niya pinapansin yung taong kailangan ng pagpansin niya samantalang siya, kusang pinapansin ang taong 'di naman kailangan ng pagpansin niya! Waah huhu!" Sabi niya.

#MasunuringBata

Okay. 'Di ko alam na ganyan na pala ang pinagdaaanan ni Bessy.

"Tintin..." Sabi ko with matching kunwari maiiyak pa, "hukhuk I'm sorry TenTen huhuhu waah 'de ko aakalaaen na ganyan pala ang denadanas mo hukhuk," sabi ko pa.

"H'wag ka nga!" Binato niya ako ng tissue habang sinasabi yun na natatawa pa siya. "Hahaha baliw ka!"

"Hahaha 'lika na nga. Kainin na natin 'to," sabi ko. "Ayy teka."

"Bakit?"--siya

"Yung sintas mo pala," sabi ko.

Tumingin na siya sa sapatos niya at dali-dali akong kumuha ng isang kutsara sa ice cream niya.

"Ayy tenk-- waah Winterrrr!!! Wahuhuhuhu Winterr ehh!" Sabi niya.

#UtoUto

"Ganti ko 'yan. Hmp! Hinayaan mo lang na hiramin nung lalaki yung special na pen ko!" Sabi ko.

"Haist. Syempre pinayagan ko kasi p'wede naman ako pumunta sa bahay-- este Mansion nila!" Sabi niya.

"Kahit na! Hmp!"

Our Childhood DaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon