Allen Salvatore

5 0 0
                                    


Biglang tumayo si Arthur at hinila palabas kung sinoman yung kumag na yun. Pampainit ng dugo eh.

Actually school nila Arthur tong pinapasukan ko ngayon. At ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganon yung inasta nung kumag na yun. Tsk. Bida bida -_-

Nagsimula na ulit si ma'am magklase at natapos rin ito ng wala ng umeepal. Nagdaan na rin yung dalawang subjects at recess na ngayon...

Sa kalalakad ko napadpad ako sa likod ng school. Peaceful dito at ang daming puno kaya sariwang hangin talaga yung malalanghap mo..

Umupo ako sa tabi ng isa sa mga puno dito at pumikit...

May narinig akong naglalakad at sa palagay ko ay papalapit yun sakin sa tulong na lang nung tunog ng mga tuyong dahon pag inaapakan. Biglang nawala yung tunog pero di pa rin ako dumidilat.

"Sorry....", yan ang narinig ko kaya bigla akong napamulat..

Tsk. Yung kumag -_-

Tiningnan ko lang sya at di umimik.

"Sorry for what I did earlier. Mabilis lang talaga kumulo yung dugo ko kapag di ako pinapansin ng kinakausap ko. I hate when someone ignores me I feel like I'm just some kind of garbage"

Napanganga ako sa huli nyang sinabi at pati na rin sa pagbaba nya ng pride.

Tumango ako at ngumiti ng konti para iparating sa kanya na pinapatawad ko na sya... Bigla syang napangiti ng malawak at tsaka tumabi sakin..

"I'm Allen and you are?", pagkasabi nya non bigla nyang tinaas yung isa nyang kamay na para bang makikipagshake hands.

"Kanji Mejia", at tsaka ko naman tinanggap yung kamay nya

"I know", tsaka sya ngumiti

May biglang humila sakin palayo sa kanya kaya nabitiwan ko yung kamay nya.

Kung sino man tong nanghila sakin mamatay na sya

Napadpad kami sa rooftap at tsaka nya ko hinarap sa kanya

0_0 kung ano man yung inisip na patay thingy binabawi ko na yun.

"Hehe beks sorry sa kambal ko ah"- Arthur

Dahil sa sinabi nya mas lalong lumaki yung mata ko.. May kakambal sya?!
At sino?!

"Kambal? W-what do you mean by that?", naguguluhang tanong ko.

I never knew in my entire life that he (err cut that) ok, that she has a twin
Yes he did tell me that he has this only brother in UK but he didn't told me that  that was his err her twin.. How ridiculous.

"Oo beks may kambal ako.. Yun yung gumawa ng eksena kanina sa room. Yun yung kambal ko", kamot batok nyang sabi.

DestinyWhere stories live. Discover now