Chapter 7

15 1 0
                                    

Lumipas ang tatlong buwan.  Tulad ng lahat ng relasyon, dumadaan din sila sa trials.  Ang kanila, time. Kinailangan na mag-ojt ni Kalvin sa isang restaurant mula summer hanggang pasukan.  Nawalan siya ng oras kay Louise pero sinikap pa rin niyang magampanan ang responsibilidad niya bilang boyfriend ni Louise.

“Louise. . .” malungkot na sabi ni Kalvin kay Louise nang tinawagan niya ito sa bahay nila.

“Bakit?” malungkot ring tanong ni Louise.

“Sorry. . .sorry kung hindi na kita masyado nabibigyan ng oras.  Sana maintindihan mo.”

“Okay lang yun. Naiintindihan ko naman eh.  Saka, isa pa, pinipilit mo namang gawin yung best mo para itext o tawagan ako eh. Okay na yun.”

“Sorry talaga.”

“Ano ka ba? Okay lang yun. Basta ah. Tayo pa rin. Walang iwanan.”

“Oo naman! Salamat ah, salamat kasi naiintindihan mo. Mahal na mahal kita. Sobra.”

“Mahal din kita.”

Pero lumipas pa ang isang buwan at lalong mas naging hectic ang schedule ni Kalvin.  Ngayon, kahit magtext ay hindi niya na magawa.  Naiinis na si Louise dahil pakiramdam niya ay wala na siyang halaga para rito.

“Naiintindihan mo ba ako Makki?” naiinis at hopeless na tanong ni Louise kay Makki.

“Naiintindihan naman kita eh.  Naranasan ko na rin naman yan.  Pero Louise, nakita mo naman yung effort niya sa’yo dati di ba?  Hangga’t kaya niya, gumagawa siya ng time para makapagtext man lang sa’yo.  Kung hindi niya na yun magawa, bakit hindi naman ikaw ang gumawa? Wag mo siya sabayan sa ka-busy-han niya. Intindihin mo siya.” paliwanag naman ni Makki.

“Iniintindi ko naman eh. Kaso nahihirapan na kasi ako!”

“Siya ba naiisip mo?  Tingin mo ba hindi rin siya nahihirapan? Kung talagang naiinitindihan mo ang sitwasyon ninyo ngayon, gagawa ka ng effort para ipakita sa kanya na nandyan ka pa rin at naiintindihan mo siya.”

“Nakakainis na kasi eh! Pakiramdam ko balewala na ko sa kanya.”

“Louise, look, alam kong mahal na mahal ka ni Kalvin from that night na nakita ko siya.  Alam kong seryoso siya sa’yo at hindi siya tulad lang ng ibang mga lalake dyan.  Please, wag kang susuko sa mga trials na yan.  Don’t give up on your relationship kasi baka sa huli mo pa marealize kung ano ang pinakawalan mo.”

Isang araw ay tinawagan siya ni Kalvin.  Alas onse na rin yun ng gabi.

“Hello?”

“Hello? Louise?”

“O? Napatawag ka?”

“Sorry ah. . . kung hindi na kita natetext o natatawagan minsan. Sobrang busy lang kasi eh. Sana maintindihan mo.”

“Naiintindihan ko naman.  Okay lang.”

“Louise. . .”

“O?”

“Kakayanin natin ‘to. Trials lang yan.  Lalabanan natin yan.”

“Oo.”

Masayang-masaya si Louise dahil sa seguridad na iniwan ng mga sinabi sa kanya ni Kalvin.  Ano mang trials ang dumating sa relasyon nila, kakayanin nila yun.  Basta’t dalawa silang lumalaban kakayanin nila.  Walang iwanan.  Hanggang huli.

Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon